29.6 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 4, 2023

DAGA (RAT)

Maging matiyaga ka lang sa paghihintay at aanihin mo rin ang tagumpay sa hinaharap. Sa ngayon ay kakailanganin mo pang dagdagan ang iyong pagsisikap dahil may kabagala ang usad ng kapalaran para sa’yo.

Masuwerteng numero;11,22,42,56

BAKA (OX)

Isang matinding unos ang pagdadaanan nyong magkakasamahan sa trabaho. Wala kayong makakapitan kundi ang isa’t-isa kaya naman hindi ito ang panahon para sa mga iringan dahil ang kailangan nyo ay pagkakaisa.

Masuwerteng numero; 20,34,55,60

TIGRE (TIGER)

Hindi ka makakabitaw sa inyong relasyon kahit gustuhin mo pa dahil marami kang bagay na isinasaalang-alang. Wala kang magiging choice kundi pansamantala munang magtiis at mag-isip ng pinakatamang gawin.

Masuwerteng numero; 4,16,25,38

KUNEHO (RABBIT)

May mga bagong makikilala na makakatulong sa’yo ng malaki. Sa ngayon ay hindi mo pa makikita ang tulong na ito kundi sa hinaharap subalit ito na ang simula ng pagpasok nila sa buhay mo kaya naman pakisamahan mo sila ng husto.

Masuwerteng numero; 9,10,23,41

DRAGON (DRAGON)

Isang pangyayari ngayong araw ang magbubukas ng mga mata mo sa katotohanan. Pero kahit makita mo pa ang lahat lahat ay mahihirapan ka pa ring tanggapin ito kaya kakailanganin mo munang lumayo para makapagmuni-muni.

Masuwerteng numero; 20,34,56,79

AHAS (SNAKE)

Mag-ingat sa mga inaakalang kaibigan. Napapaligiran ka ngayon ng mga taong mapagpanggap. Kung tatalasan mo ang iyong pakiramdam ay makikita mo kung sino ang totoo at hindi sa’yo. Matutong mag-obserba.

Masuwerteng numero; 3,17,25,46

KABAYO (HORSE)

Kailangan mong maging praktikal sa buhay. Ang mga inaasahan mong mangyari ay hindi mangyayari dahil hindi ito ang linyang para sa’yo. Kung saan ka magaling ay doon ka lamang magconcentrate upang magtagumpay.

Masuwerteng numero; 4,15,30,43

TUPA (SHEEP)

Hindi mo na maibabalik ang nakaraan. Mas makakabuti kung magmomove on ka na at maglu-look forward sa magagandang bagay na posibleng mangyari sa hinaharap. Iwanan mo na ang nakaraan na walang mabuting idudulot sa’yo kung babalik balikan mo.

Masuwerteng numero; 7,19,28,34

UNGGOY (MONKEY)

May darating na bisita ngayong araw at ikatutuwa mo na makita siya. Wala man siyang dalang pasalubong o dala na magandang balita para sa’yo ay magiging sapat na ang kanyang presensya para sumaya ka.

Masuwerteng numero; 8,10,23,40

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka mahihirapang kausapin ang iyong kapareha para sa gusto mong mangyari. Maiintindihan ka niya dahil alam niya ang pinagdaanan mo at ang sitwasyon nyo ngayon kaya makakaasa ka ng suporta mula sa kanya.

Masuwerteng numero; 14,35,65,69

ASO (DOG)

Hindi magandang ideya na salubungin mo ang init ng ulo ng iyong mahal. Makakalikha lamang ito ng hindi pagkakaunawaan. Mas makakabuti kung palilipasin mo na lamang ang init ng kanyang ulo bago mo siya kausapin.

Masuwerteng numero; 28,40,53,70

BABOY (PIG)

Ikaw higit sa lahat ang nakakaunawa sa iyong anak kaya naman sa halip na sisihin siya sa kanyang mga pagkakamali ay ipaunawa sa kanya ang kanyang nagawa at gabayan siya sa mga susunod niyang pagpapasya.

Masuwerteng numero; 37,49,50,66

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.