Ayon sa Catholic teaching, bawat isa sa atin ay may bantay na isang guardian angel at demonic entity. Ang konseptong ito ay matagal na nating tanggap at pinaniniwalaan.
Ngunit, sa katuruan at paniniwalang paranormal, sinasabing bawat isa sa atin ay may tinatawag na spiritual entourage.
Ano ang Spiritual Entourage?
Ang salitang entourage, o “kasama” sa Filipino, ay nangangahulugang “maliit na grupo o lupo ng mga tao na nakaugnay sa isang sikat o notable na indibiduwal.”
Kung ikaw ay sikat o kilalang tao, mas gugustuhin mong mapaligiran ka ng mga yaong pinagkakatiwalaan mo. Ang mga politiko ay karaniwang nagha-hire ng mga tauhan na kanilang kilala at alam nilang loyal sa kanila at naniniwala sa kanilang mga adhikain at plataporma.
Ngunit, kung sasabihin ko sa iyong ngayon mismo ay may entourage ka, ano ang iyong iisipin at mararamdaman?
Oo, may sarili kang entourage! Hindi nga lamang mga normal na tao, ngunit sila ay mga espiritu o spirit form.
Kilalanin ang iyong Spiritual Entourage
Natakot ka ba nang sabihin kong sa mga oras na ito ay napapalibutan ka ng sarili mong spiritual entourage?
Ngunit sa halip na matakot, dapat ay ikagalak mo ito.
Ibig sabihin, ikaw ay espesyal. Totoo! Lahat tayo ay espesyal at may mahalagang puwang sa universe. Ang pag-iral natin sa mundong ito ay may kabuluhan at halaga. Hindi lang tayo basta susulpot sa daigdig ng wala lang. Ang pag-iral natin dito ay tiyak na may kabuluhan!
Ang spiritual entourage natin ay nakabatay sa lakas o hinay ng ating electromagnetic field.
Ang human body at Earth ay magkatulad sa maraming kaparaanan. Isa na dito ang pagkakaroon ng electromagnetic field. Ang electromagnetic field ng Earth ang siyang dahilan kung bakit ito ay atmosphere. Sa tao, ang electromagnetic field na inilalabas ng ating katawan ang sumasala sa mga negative energy sa paligid upang hindi nito tayo mapasok. Kung mahina ang ating electromagnetic field, tiyak na mapapasok tayo ng negative entities. Ang electromagnetic field ng tao ay mas kilala sa tawag na aura.
Samakatuwid, ang uri o klase ng spiritual entourage mayroon ka ay nakabatay sa estado ng iyong emosyon at state of mind. Sa Law of Attraction, “like attracts like”. Kung ikaw ay positibo, asahan na positibong enerhiya ang iyong maa-attract. At kung negatibo ka, ano pa ba ang iyong maa-attract?
Ngayon, kung ikaw ay laging positibo at may masayang disposisyon, tiyak na ang spiritual entourage mo ay binubuo ng mga positive entities. Kung ikaw ay negatibo, ang spiritual entourage mo ay negative entities. Nakakatakot man isipin, ngunit nasa sa iyo ang pagpapasiya kung anong klaseng spiritual entourage ang iyong malilikha. Ang mga spiritual beings ay lagi lamang nasa paligid at naghihintay ng makakapitang enerhiya.
Ang Purpose ng ating Spiritual Entourage
Hindi ka man aware dahil masyadong busy ang iyong utak sa mga pang-araw-araw na gawain, ngunit ang iyong spiritual entourage ay nananatili lamang sa iyong paligid at tabi. Sa katunayan, sila ay nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga signs at synchronicities.
Maraming kaparaanan ang mga espiritu upang makipag-ugnayan sa atin. Kailangan lamang na maging mapagmatiyag tayo sa kanilang mga mensahe.
Dahil sa ating pagiging abala, kadalasang hindi natin napapansin ang mga pahiwatig na ito ng ating spiritual entourage.
Ngunit, ano nga baa ng dulot sa atin ng ating spiritual entourage?
Kung pawang negatibong entity ang bumubuo sa iyong entourage, hahatakin ka nila pababa. Sila ay bubulong sa iyo ng mga masasamang kaisipan. Ima-magnify nila ang iyong frustration, hangups, guilt, at galit. Sila ang dahilan kaya pakiwari mo ay lagi kang nanghihina at walang ganang mabuhay. Ang pinaka-worst, maaari ka nilang sulsulan na tapusin na ang iyong buhay at paniwalain kang ito lamang ang susi upang matapos na ang iyong paghihirap.
Samantala, kung pawang positive entity lamang ang i-invite mo sa iyong entourage, asahan mo na ikaw ay mapupuspos ng mga pagpapala at kaligayahan. Sa tulong ng meditation ay magagawa mong i-reconnect ang iyong sarili sa positibong perspektibo o mindset. Naririyan sila sa ating tabi upang palakasin ang ating mga kalooban sa panahong tayo ay pinanghihinaan. Naririyan sila upang bigyan ng pag-asa ang nalulumbay nating mga kalooban. Naririyan sila upang palakasin ang ating mga espiritu. Nagbibigay sila ng inspirasyon at inner peace.
Pahuling Salita
Ang mga espiritu ay isang uri ng enerhiya. Sila ay bahagi ng spectrum ng universe. Sa Science, sila ay mga atoms, molecules, protons at nucleus. Napatunayan na rin sa Science ang Law of Attraction. Positive attracts positive. Negative attracts negative.
Ang ating pagkatao ay isang malaking magnet. Nasa sa atin na kung anong klaseng polarity ang ia-attract natin—positive ba o negative.
Kung kayo ay may katanungan tungkol sa ating paksa, mag-comment lamang sa comment box sa ibaba. Ito ay aking tutugunan sa abot ng aking makakaya.
Pagpalain kayong lahat!