27.4 C
Manila
Sunday, May 19, 2024

Horoscope Pag-Ibig Oktubre 4, 2023

ARIES

May malaking pagbabagong magaganap sa inyong relasyon. Sa ngayon ay wala kang magagawa para pigilan ang pagbabagong ito. Wala kang mapagpipilian kundi ang magpatangay sa agos at hayaan muna siya.

Masuwerteng numero; 6 & 16

TAURUS

Hindi ka man makatiyak na tunay ang pagmamahal niya sa’yo ay magiging masaya ka na at kuntento na nasa piling mo siya. Sa halip na mag-isip at mai-stress ay sasamantalahin mo na lang ang mga oras na kasama mo siya.

Masuwerteng numero; 25 & 30

GEMINI

Hindi mo mapapansin na unti-unti ka ng nahuhulog sa tao na dati ay balewala lang sa’yo at kung minsan ay kinakainisan mo pa. Wala kang magagawa para kontrahin ang iyong puso. Mahihirapan ka lang kung pipigilan mo.

Masuwerteng numero; 20 & 24

CANCER

Ikaw ang magiging sandalan ng iyong mahal sa panahon na ito na kailangang kailangan niya ng tulong. Hindi mo ito ipagkakait sa kanya. Ipaparamdam mo sa kanya na maaasahan ka niya sa lahat ng pagkakataon.

Masuwerteng numero; 43 & 49

LEO

Sa araw na ito ay hindi maiiwasan ang komprontasyon sa pagitan ninyong mag-asawa. Kahit na ano pang pagpapaliwanag ang gawin mo ay hindi mo siya mapapaniwala at sa halip ay mauuwi lang ito sa mas malalim na hindi pagkakaunawaan.

Masuwerteng numero; 14 & 16

VIRGO

Bumalik man kayo pareho sa trabaho ay hindi pa rin kayo mawawalan ng oras para sa isa’t-isa. Sisiguraduhin mo pa rin na nakukumusta mo siya at mabuti ang kanyang kalagayan sa bawat oras na lilipas.

Masuwerteng numero 8-12

LIBRA

Dahil mahal mo kaya makakaya mong palampasin ang anumang pagkukulang o pagkakamaling magagawa ng iyong kapareha. Subalit sa araw na ito ay mapupuno ka ng emosyon sa pagwawalang bahala niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 9 & 19

SCORPIO

Isang dating minahal ang makikita mo sa isang mahalagang pagtitipon. Pero hindi mo siya magagawang lapitan. Mararamdaman mo na siya mismo ang gagawa ng paraan upang hindi kayo magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap.

Masuwerteng numero; 26 & 28

SAGITTARIUS

Magagawa mong linlangin ang iyong kapareha sa tunay mong damdamin. Maaari mo siyang mapaniwala na wala ka na talagang pagmamahal sa kanya. Pero alam mo sa sarili mo na ang lahat ng iyong sasabihin at ipapakita sa kanya ay pagpapanggap lamang.

Masuwerteng numero; 11 & 22

CAPRICORN

Gaano mo man kagusto na sabihin sa kanya ang iyong espesyal na nararamdaman ay hindi mo pa rin magagawa. Mauumid ang iyong dila at mawawalan ka ng lakas ng loob para maging tapat at ipahayag ang iyong damdamin.

Masuwerteng numero; 1 & 29

AQUARIUS

Kahit na anong gawin mo ay hindi mo pa rin siya magagawang kalimutan. Mananatili sa iyong isipan ang inyong pinagsamahan. Magaganda man o hindi ang mga alaalang nabuo nyo ay magiging memorable pa rin ito sa’yo.

Masuwerteng numero; 36 & 38

PISCES

Isang tao ang makakapukaw sa atensyon mo dahil sa kanyang mga bibitawang salita. Dahil dito ay magkakaroon ka ng lihim na interes sa kanya. Sa araw na ito ay sisimulan mong iistalk ang kanyang social media account.

Masuwerteng numero; 5 & 13

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.