31.6 C
Manila
Tuesday, December 5, 2023

Chinese Horoscope Oktubre 31, 2023

DAGA (RAT)

Isang simpleng araw lang ito na magiging makabuluhan para sa’yo dahil sa isang mahalagang tao na dati ay hindi mo pinapansin. Dahil importante na siya sa’yo sa ngayon kaya bawat araw na makakasama mo siya ay isa ng espesyal na araw.

Masuwerteng numero; 7,8,9,12

BAKA (OX)

Iisipin mo na lahat ng tao sa paligid mo ay kontra sa’yo dahil walang pumapabor sa nais mong mangyari. Bago mo sila pag-isipan ng masama ay rebyuhin mo muna ang mga plano mo dahil baka naman totoong sablay ang mga ito.

Masuwerteng numero; 5,13,16,18

TIGRE (TIGER)

Hindi ikatutuwa ng isang taong malapit sa’yo ang binabalak mong pangingibang bansa. Bagamat hindi ka niya tinututulan, ito ay dahil ayaw niyang isipin mo na hinahadlangan niya ang iyong mga pangarap. Deep inside ay sobrang lungkot niya. Matutong makiramdam.

Masuwerteng numero; 8,10,14,15

KUNEHO (RABBIT)

Hindi lahat ng tao ay maiintindihan ang toyo mo. Tanging ang mga malalapit lang sa’yo tulad ng mga kaibigan at kamag-anak ang makakaunawa nito. Kaya mag-ingat ka sa pagpapaandar sa ibang tao dahil pagsisisihan mo ito.

Masuwerteng numero; 7,9,11,12

DRAGON (DRAGON)

Mahihirapan kang kumbinsihin ang kaibigan mo para partneran ka sa isang negosyo. Pero hindi ibig sabihin nito ay wala ng pag-asa na makunbinsi mo pa siya. Kailangan mo lang mag-iba ng strategy para maipakita sa kanya kung paano kayo magbebenefits dito.

Masuwerteng numero; 6,9,13,18

AHAS (SNAKE)

Gagawin mo ang lahat para bumalik sa’yo ang taong mahal na mahal mo. Pero hindi iyon sasapat dahil may iba na siyang minamahal sa ngayon.’Sa ngayon’ ibig sabihin ay hindi rin ito magtatagal. Magpokus ka muna sa iba at darating muli ang panahon para sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 7,8,13,15

KABAYO (HORSE)

Mapapaisip ka kung sino ba sa dalawang kaibigan mo ang nagsasabi sa’yo ng totoo. Iyong isa na dati mong kaibigan at isa na bago pa lang. Matutong makiramdam at magbalanse sa tama at mali. Maging patas.

Masuwerteng numero; 1,2,4,6

TUPA (SHEEP)

Magsisilbi kang inspirasyon para sa isang tao na hindi mo gaanong kilala. Sinusubaybayan niya ang bawat galaw mo sa social media at labis ka niyang hinahangaan. Wala siyang balak ipaalam sa’yo ang kanyang pag-idolo sa’yo dahil ayaw niyang isipin mo na isa siyang stalker.

Masuwerteng numero; 5,7,8,11

UNGGOY (MONKEY)

Maaapektuhan ka ng hindi magandang balita sa trabaho. Huwag mo itong masyadong dibdibin dahil pansamantala lang naman ito. Mangyayari ang mangyayari at may magandang oportunidad pa rin ang naghihintay sa’yo sa huli.

Masuwerteng numero; 6,9,10,17

TANDANG (ROOSTER)

Iwasan mo ang maghatid ng balita sa iba lalo na kung ito ay walang katiyakan. Hayaan mo ang tadhana na kusang magparating nito sa kinauukulan. Kung ipagpapatuloy mo ang pakikialam ay mapapahamak ka lang.

Masuwerteng numero; 13,14,16,20

ASO (DOG)

Lalabanan mo ang nararamdaman mong stress sa ngayon. Kahit anong gawin mo ay nandiyan pa rin ang problema. Pero tama ang gagawin mong pag-alis nito sa isip mo pansamantala. Huwag mo lang kalimutan na mag-isip din ng solusyon para dito.

Masuwerteng numero; 10,17,18,19

BABOY (PIG)

Aasa ka sa isang pangako. Subalit tulad ng ibang pangako ay aasa ka lang din at mabibigo. Mas makakabuti kung kikilos ka sa sarili mong paraan para sa sarili mo. Kaysa maghintay ka ng pabor mula sa iba.

Masuwerteng numero; 4,6,8,10

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles