29.6 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 7, 2023

DAGA (RAT)

Magiging malamig ang iyong buhay pag-ibig dahil sa ilang mga rason. Bukod sa sobrang kaabalahan mo sa trabaho ay may magtatangka ring sumingit sa inyong relasyon kaya naman hindi mo ito dapat balewalain.

Masuwerteng numero; 24,30,36,49

BAKA (OX)

Kung meron mang higit na dapat na mag-alala para sa kalagayang pangkabuhayan ng iyong pamilya ay ikaw iyon. Ikaw lang ang tanging inaasahan nila at nakadepende sila sa kalakasan mo kaya wala kang choice kundi ipagpatuloy ang pagsisikap para sa kanila.

Masuwerteng numero; 6,12,20,31

TIGRE (TIGER)

Hindi masamang tumulong sa ibang tao lalo na kung ikaw naman ay may kakayahan. Pero kung ikaw ay nasa gipit ding kalagayan, mas dapat mong unahin ang kapakanan ng iyong pamilya higit kaninuman dahil sila rin ang makakaramay mo sa oras ng iyong pangangailangan.

Masuwerteng numero; 1,2,5,6

KUNEHO (RABBIT)

Iwasan ang gumastos para sa mga bagay na hindi mo naman kailangan sa ngayon. Makakaranas ka ng labis na kagipitan dahil sa iyong pagiging impulsive buyer kaya dapat mong pag-aralan na kontrolin ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 13,18,23,27

DRAGON (DRAGON)

Iwasan ang sumingit sa mga usapan na hindi ka naman kasali. Ang pambabara mo sa isang tao ay hindi makakatulong sa’yo sa halip ay makakalikha lamang ito ng gulo. Dapat ay alam mo kung saan ilalagay ang iyong sarili.

Masuwerteng numero;15,30,48,50

AHAS (SNAKE)

Isang tao ang lalapit sa’yo para manghiram ng pera. Pero mas matutuon ang atensyon mo sa hatid niyang balita. Makakagaan ito ng kalooban mo kaya naman maluwag sa kalooban mo na mapahiram siya ng pera.

Masuwerteng numero; 38,50,56,62

KABAYO (HORSE)

Isang bagong ideya ang kikislap sa utak mo para sa iyong trabaho . Kaya naman ang araw na ito ay magniningning para sa’yo. Hahangaan ka ng mga nakatataas sa’yo at posible pang ma-promote ka sa posisyong inaasam mo.

Masuwerteng numero; 14,15,25,26

TUPA (SHEEP)

Iwasan mo munang makipag-usap sa mga hindi mo naman kilala online. Malaki ang posibilidad na ikaw ay maisahan kapag pumasok ka sa isang transakyon na may kinalaman sa isang negosyo na hindi mo pa nasusubukan.

Masuwerteng numero; 30,43,55,67

UNGGOY (MONKEY)

Isang tao ang magpapanggap na may concern sa’yo. Mapapaniwala ka niya dahil sa kabutihang kanyang ipapakita. Mag-ingat dahil may iba pa siyang intensyon bukod sa pagnanais niyang mapalapit sa’yo. Maari mo itong ikapahamak kung hindi ka mag-iingat.

Masuwerteng numero; 1,21,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Maaliwalas ang araw na ito para sa’yo. Ang mga taong bibisita sa’yo ay may hatid na magandang balita. Maganda rin ang kanilang awra na siyang magbibigay ng positive vibes sa paligid mo kaya enjoyin mo lang ang araw kasama sila.

Masuwerteng numero; 12,32,36,40

ASO (DOG)

Maaapektuhan ka sa sasabihin ng iba tungkol sa kakayahan mo. Dahil dito ay maaapektuhan din ang iyong trabaho. Isang tao ang lalapit sa’yo na siyang magpapalakas ng iyong loob at magpapabalik ng tiwala mo sa iyong sarili.

Masuwerteng numero; 7,9,16,18

BABOY (PIG)

Hindi makakatulong sa inyong pagsasama ang palagi mong pagpuna sa bawat pagkakamali ng mga kamag-anak ng iyong asawa. Kung gusto mo na magkasundo kayo ay kakailanganin mong baguhin ang style ng pakikitungo mo sa kanila.

Masuwerteng numero; 63,66,70,78

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.