25.4 C
Manila
Saturday, May 25, 2024

Horoscope Pag-Ibig Nobyembre 16, 2023

ARIES Hindi magiging masaya ang araw ninyo ng iyong mahal dahil sa iyong pagmamaktol. Kahit maliit na pagkakamali niya, ay pilit mong binibigyan ng pansin. Masuwerteng numero: 7 & 12

TAURUS Dapat kang maging maingat sa mga taong makakausap mo, huwag bastabasta magkuwento ng iyong sikreto. Masuwerteng numero: 39 & 48

GEMINI Wala kang damdamin o mararamdaman sa isang tao na labis ang paghanga sa’yo. Kaya naman wala kang plano na paasahin siya. Masuwerteng numero: 17 & 23

CANCER Madaling sabihin na ayaw mo na sa kanya. Pero hindi mo madadaya ang iyong puso na labis pa rin ang iyong pagmamahal sa kanya. Masuwerteng numero: 10 & 20

LEO Medyo mahaba-haba pa ang lalakbayin ng inyong relasyon kaya dapat habaan mo pa ang iyong pasensya upang maging maayos ang inyong pagsasama. Masuwerteng numero: 15 & 19

VIRGO Isang kaibigan ang magpapagulo sa relasyon n’yo ngayon ng iyong kinakasama. Hindi mo alam ang kanyang motibo, kaya kailangan muna siyang kausapin. Masuwerteng numero: 53 & 63

LIBRA May masasabi kang hindi maganda sa iyong kapareha bunsod ng iyong galit. Kilala mo ang sarili mo at alam mo na hindi mo makakayang magkontrol ng galit, kaya ibubuhos mo ito sa kanya kahit hindi siya ang dahilan. Masuwerteng numero: 34 & 43

SCORPIO Kahit na ano pang hindi n’yo pagkakaintindihan ng iyong asawa, sa huli ay siya pa rin ang kauna-unahang tao na dadamay sa’yo. Kaya naman sa halip na palalain ang hindi n’yo pagkakaunawaan, ay makipag-ayos na lamang sa kanya. Masuwerteng numero: 3 & 6

SAGITTARIUS Mahalaga sa’yo ang opinyon ng iyong mahal kaya naman bago ka gumawa ng desisyon, ay palagi mong hinihingi ang kanyang opinyon. Subalit sa pagkakataong ito, ay kakailanganin mong bumuo ng pasya ng mag-isa. Masuwerteng numero: 28 & 29

CAPRICORN Sa kabila ng mga kamaliang nagawa mo, matatanggap ka pa rin ng iyong mahal. Sa lahat ng tao, siya ang higit na nakakakilala at nakakaunawa sa’yo sa panahon na ito, kaya naman deserve niya ang iyong pasasalamat. Masuwerteng numero: 13 & 19

AQUARIUS Maaalarma ka sa ikikilos ng iyong kinakasama. May mga gawi siya na hindi mo maiintindihan. Gayunpaman, ikaw pa rin ang dapat na umintindi sa kanya. Ikaw lang din ang makapagpapakalma sa kanyang pagkatuliro sa problema. Masuwerteng numero: 1 & 2

PISCES Mahihirapan kang gawin ang dapat mong gawin dahil kokontra sa iyo ang iyong kapareha. Hindi niya lubos na mauunawaan ang mga pagpapasyang gagawin mo. Hindi mo siya masisisi dahil ikaw lang din ang inaalala niya. Masuwerteng numero: 15 & 30

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.