27.6 C
Manila
Saturday, December 2, 2023

Online Horoscope Nobyembre 16, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Gagaan ang mga pangyayari. Kakaiba sa nagdaang karanasan kung saan ang mahirap para sa iba ay napakagaan para sa iyo. Kaya, asahan mo na magiging madali lang ang lahat para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto: 19-20-24-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Iaangat ka ng iyong kapalaran ngayon, kung saan magugulat ang mga naiinggit sa iyo dahil hindi nila inaakalang habang sinisira ka nila, mas lalong gumaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto: 5-19-22-24-29-35.

GEMINI (May 21-June 20) – Ikaw ang mamuno sa mga nasa paligid mo, dahil ikaw lang ang natagpuang may kakayahang dalhin sila sa kung saan may matitikman silang masarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto: 11-18-25-30-35-36.

CANCER (June 21-July 22) – Hindi lang basta lumalago ang mga halaman, lumalawak din ang kanilang sakop. Matutulad ka sa kanila, lalago rin ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto: 9-15-29-32-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) – Ito ang araw na kahit hindi mo hilingin, ipagkakaloob sa iyo ng langit ang suwerte na nais matikman ng iba. Ang lahat ng ito ay dapat mong angkinin, at huwag mong ipamigay sa iba. Ito ang itanim mo sa iyong isip. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto: 12-19-21-31-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Sunggaban mo ang mga oportunidad na magpapaangat sa iyong buhay. Ilagay mo ang mga ito bilang sagot sa iyong mga dasal at hinihintay mong senyales mula sa langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto: 4-11-13-27-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Ito ang araw na may itinakda para sa iyo ang nasa itaas. Inuutos sa iyo na mahalin ang mga taong nagpapahalaga sa iyo at alisin sa iyong buhay ang mga taong hindi nagmamahal sa iyo. I-let go na ang dapat i-let go, mas magiging maligaya ka at higit pang uunlad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto: 3-18-22-25-27-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Mabilis na mapapasaiyo ang anumang gusto mo, ngunit sa kondisyon na hindi ka mag-aalinlangan sa iyong kakayahan. Magtiwala sa iyong sarili. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto: 17-20-26-36-38-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Sisigla at mabubuhay ka dahil sa ambisyon mo. Mali ang iniisip mong simpleng buhay lamang. Hindi ‘yan ang nakalaan sa iyo. Abutin mo ang mas mataas na pangarap at tiyak na ibibigay sa iyo ito ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto: 2-11-14-27-33-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Huwag mong hintayin ang matagal dumating. Yakapin mo ang dumating na nasa harapan mo. Ito ang sagot sa iyong paghihintay. Magpasalamat lagi sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto: 9-10-15-19-20-23.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Ipakita mo sa langit na seryoso ka ngayon. ‘Wag mong ulitin ang nakaraan na kunwari ay seryoso ka, ngunit ang totoo ay mababaw lang ang iyong nararamdaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto: 8-10-18-21-25-28.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Makikibahagi ka sa mga suwerteng ibababa ng langit. Para maging malaki at marami ang mapasaiyo, ibahagi mo ang mga bagay na nasa iyo, na hindi mo muna kailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto: 6-14-16-29-39-42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles