28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Horoscope Pag-Ibig Setyembre 8, 2023

ARIES

Isang makulit na tagahanga ang pilit na kukuhanin ang atensyon mo. Pero kahit na anong gawin niya ay wala siyang mapapala sa’yo. Hindi mo tipo ang gaya niya. Mas gusto mo ang tao na matalino at may direksyon sa buhay.

Masuwerteng numero; 45 & 47

TAURUS

Mahilig kang umasa sa mga pangako. Kahit na alam mong walang tibay ang pangakong binibitawan sa’yo ay umaasa ka pa rin.Kaya naman madalas ka ring masaktan at mabigo. Sa kabila nito ay patuloy ka pa ring aasa.

Masuwerteng numero; 19 & 20

GEMINI

Hindi ito ang tamang araw para makipagbalikan ka sa dati mong karelasyon. Pero walang makakapigil sa’yo kahit pa ang mga tao na malalapit sa’yong buhay at siyang tunay na nagmamalasakit sa’yo ay hindi mo pakikinggan.

Masuwerteng numero; 10 & 13

CANCER

Mapapa-oo ka ng di oras sa kanya dahil sa iyong pagkabigla. Marami ka pang dapat isaalang-alang pero sa panahon ngayon ay magkakaroon ka ng takot na mawala pa siya sa’yo kaya naman magiging madalian ang iyong pagdedesisyon.

Masuwerteng numero; 21 & 29

LEO

Isang tao na dati mong minahal ang makikita mo ngayon sa social media.Hindi mo maiiwasan na balikan sa isip ang inyong nakaraan. Yung mga pagkakataon na dati mong iniyakan ay ngingitian mo na lang ngayon.

Masuwerteng numero; 7 & 8

VIRGO

Kahit na kaibigan na lang ang tingin niya sa’yo ay hindi pa rin ito magsisink in sa isip mo. Nakafocus ka sa maganda nyong pinagsamahan kaya hindi mo halos mamamalayan ang unti-unti niyang pagdistansya sa’yo.

Masuwerteng numero; 19 & 22

LIBRA

Ikakalungkot mo ang paglayo sa’yo ng taong minamahal mo dahil sa ibang tao. Pero sa halip na magmukmok ay itutuon mo sa mas higit na kapaki-pakinabang na bagay ang atensyon mo para makalimutan ang pag-iisip sa kanya.

Masuwerteng numero; 17 & 18

SCORPIO

Ikaw ang higit na maaapektuhan sa ginagawa ng iyong kapareha. Ang kamalian niya sa ibang tao ay magrereflect sa’yo at sa iyong trabaho kaya naman hihilingin mo sa kanya ang isang bagay na alam mong mahihirapan siyang ibigay sa’yo.

Masuwerteng numero; 1 & 2

SAGITTARIUS

Mananatili ka sa tabi ng iyong mahal sa araw na ito kahit may dapat kang gawin sa labas. Mas pipiliin mo na makasama siya at maging masaya kaysa makipagpatintero sa mga taong nasa labas. Magiging komportable ang maghapon mo sa piling niya.

Masuwerteng numero; 25 & 27

CAPRICORN

Magiging madalas ang pagtatalo nyo ng iyong mahal sa araw na ito. Konting kibot ay agad nyong pagdidiskusyunan. Ito ay dahil pareho kayong stress at pareho kayong walang kontrol sa sarili ninyong emosyon.

Masuwerteng numero; 8 & 9

AQUARIUS

Magandang pagkakataon ang araw na ito para mapag-usapan nyo ng iyong kapareha ang mga bagay na hindi nyo nagagawang pag-usapan dati. Kabilang na dito ang tungkol sa inyong mga kasamahan sa trabaho.

Masuwerteng numero; 14 & 16

PISCES

Hindi ito araw ng bilangan ng naitutulong sa pamilya. Pero ito ang mangyayari sa inyong magkarelasyon ngayong nalalagay kayo sa sobrang kagipitan. Sisihan to the max at silipan ng mga pagkakamali ang mangingibabaw.

Masuwerteng numero; 40 & 44

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.