29.9 C
Manila
Thursday, December 7, 2023

Chinese Horoscope Setyembre 8 2023

DAGA (RAT)

May mga bagay talaga na hindi natin makakayang saklawan kaya wala kang magagawa kundi hayaan na lang muna na pagpasyahan ito ng iba. Mas makakabuti kung paghahandaan mo na lang ang pwedeng i-back up dito .

Masuwerteng numero; 12,13,20,21

BAKA (OX)

mahalaga ang magiging papel mo sa bagong grupo na sasalihan. Kaya huwag mong maliitin ang iyong sarili lalo na sa harap ng ibang tao dahil meron kang natatanging kakayahan na wala sa kanila at dapat mo itong ipagmalaki.

Masuwerteng numero; 8,18,27,30

TIGRE (TIGER)

Kung ikaw ang tatanungin ay hindi mo gugustuhin na magtrabaho na malayo sa iyong pamilya. Subalit kapag tadhana na ang nagpasya ay wala kang magagawa kundi tanggapin ang kapalarang nakalaan para sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,6,7,17

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo mapipigilan ang isang malapit na kamag-anak sa gagawin niyang pagpapasya na may kinalaman sa sarili niyang lupa. Kahit ikaw pa ang pinakamalapit sa kanya ay hindi siya makikinig sa iyong payo.

Masuwerteng numero; 40,49,51,52

DRAGON (DRAGON)

Isang magandang balita ang matatanggap mo ngayong araw. Ito ang magbibigay ng pag-asa sa’yo para malampasan mo ang isang mahirap na sitwasyon. Kaya naman labis labis ang magiging pasasalamat mo sa may hatid ng balitang ito.

Masuwerteng numero; 68,69,70,79

AHAS (SNAKE)

Malalaman mo na rin sa araw na ito kung ano ang tamang diskarte para bagong negosyo na iyong sisimulan. Ngayon ka na rin magpapasya kung sino sa mga tao sa paligid mo ang pipiliin mong pagkatiwalaan dito.

Masuwerteng numero; 5,20,24,25

KABAYO (HORSE)

Sa araw na ito ay pansamantala mong makakalimutan ang mga problemang kinakaharap. Pipiliin mo munang mag-unwind kasama ang buong pamilya at sisikapin na maging masaya lang ang araw na ito para sa inyo.

Masuwerteng numero; 14,16,26,30

TUPA (SHEEP)

Kung hindi ka pa makaramdam ng hindi maganda sa katawan ay hindi mo bibigyan ng atensyon ang iyong kalusugan. Simula sa araw na ito ay susundin mo na ang payo ng doktor at gagawin ang mga dapat mong gawin para sa sarili.

Masuwerteng numero; 67,77,80,85

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw ang tipo ng tao na madaling magtiwala. Subalit kapag nasira ang tiwalang ibinigay mo ay ikaw din ang tipo ng tao na may kakayahang maging tuso. Sa pagkakataong ito ay paiiralin mo ang pagiging tuso ng isang matsing.

Masuwerteng numero; 34,35,40,46

TANDANG (ROOSTER)

Magagawa mong paikutin ang lahat ng tao sa paligid mo maliban sa isa na mula’t sapul ay bantay sarado ang bawat kilos mo. Kaya mas makakabuti kung mag-iingat ka sa kanya. Hindi siya kunsintidor tulad ng iba.

Masuwerteng numero; 11,14,23,26

ASO (DOG)

Magiging mabisa ang maiisip mong plano sa isang nalalapit na proyekto. May mga tao na makikialam at magmamagaling sa’yo. Pero hindi ka makikinig sa kanila dahil ikaw ang tipo ng tao na pinaiiral ang sariling paniniwala.

Masuwerteng numero.10,20,35,37

BABOY (PIG)

Hindi masasayang ang mga paghihirap at pagsisikap mo sa trabaho dahil konting konti na lang ang ipaghihintay mo at makakamit mo na ang pinakaaasam-asam na promosyon. Wala ng makakahadlang at makakapigil dito.

Masuwerteng numero; 42,45,50,56

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles