27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Online Horoscope Setyembre 8 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Umiwas ka sa mga nakakatuksong bagay. Hindi ngayon ang panahon para makasingit sa iyo ang mga magiging dahilan ng pag-atras ng iyong papaunlad na buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-22-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Maganda na ang mga nangyayari sa buhay mo at lalo pa itong pinagaganda ng langit sa susunod na mga araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-20-25-26-39-42.

GEMINI (May 21-June 20) – Malakas ang hatak sa iyo ngayon ng mga nakakaakit na bagay at pangyayari na sa totoo lang ay may hatid na kakaibang saya, pero hadlang sa paghahanda sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-26-28-30-35-38.

CANCER (June 21-July 22) – Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Dahil sobrang malilito ka, kung saan akala mo ay mali ang mga nangyayari, pero ang totoo, umaayos at gumaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-25-28-34-36.

LEO (July 23-Aug. 22) – Kagandahan ang tema para sa araw na ito. Kaya ikaw ay makikitang mahihilig sa maganda at kung saan nakahilig ang isang puno, tiyak na ru’n siya mabubuwal. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-14-15-28-30-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Mawawala ang iyong pag-aalinlangan. Tatalunin ito ng mga positibong pananaw na kapag nilakipan mo ng pagkilos, sobrang gaganda ang iyong kabuhayan at propesyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-26-29-34-37-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Muling ibinalik ng langit ang iyong masuwerteng araw at ito ay ngayon na. Hilingin mo na ang iyong pinakagusto at ito ay tiyak na mangyayari. Huwag mo nang pakahabaan pa ang iyong mga kahilingan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-22-25-27-36-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Ito ang araw na magagandang ideya ang papasok sa isip mo. Mamili ka lang ng isa at ‘yun mismo ang gawin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-22-28-30-32-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Piliin mo ang mas madaling paraan. Hindi ka puwedeng makipagsapalaran sa masalimuot na pormula dahil may babala na maaaring magkamali ka lang habang ito ay iyong ginagawa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-9-11-15-26-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Abot-abot ang mga suwerteng dumarating sa buhay mo. Kung hindi ka magiging masinop at matatangay ka sa sobrang saya, maaaring masayang ang mga ito. Ano ang dapat mong gawin? Walang iba kundi maging masinop ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-21-27-29-32-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Minsan, ang pagkakamali ay nagbubunga ng maganda. Magkakamali ka ng pasya ngayon, pero ang nakakagulat at hindi ka rin makakapaniwala, sa pagkakamali mo, ang mga pangyayari sa buhay mo ay gaganda. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-20-24-26-33-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Makakabahagi ka sa mabibigat na nararanasan ng malalapit sa puso mo. Sila naman ay makakabahagi sa kakaibang lakas ng loob mo na lulutas sa kanilang mga problema. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-24-26-34-39-41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.