29.7 C
Manila
Thursday, December 7, 2023

Horoscope Pag-Ibig Setyembre 23 2023

ARIES

Siya ang iyong buhay at pag-ibig kaya naman kahit ano pa ang ipagawa niya sa’yo ay buong puso mong susundin. Subalit sa araw na ito ay mapapatunayan mo na hindi pala lahat ng nais niya ay makakaya mong pagbigyan.

Masuwerteng numero; 19 & 23

TAURUS

Kahit na meron ka ng ibang kinakasama ngayon ay hindi mo pa rin maiiwasan na hindi isipin ang dati mong minahal. Ito ay dahil sa dami ng inyong pinagsamahan at batid mong kahit papa’no ay may nararamdaman ka pa rin para sa kanya.

Masuwerteng numero; 58 & 69

GEMINI

Kahit na nagdesisyon ka na at pinili mo na siya ay hindi pa rin mawawala sa puso mo ang mga what If kung ‘yung isa ang pinili mo. Hindi pa rin buo sa loob mo ang iyong naging desisyon at mararamdaman mo na parang may kulang.

Masuwerteng numero; 56 & 65

CANCER

Kahit magngitngit ka sa galit ay wala ka ring magagawa. Hindi mo na mababago ang isip ng iyong karelasyon. Itutuloy niya pa rin ang pagtanggap niya sa trabaho kung saan muli niyang makakasama ang kanyang ex.

Masuwerteng numero; 7 & 8

LEO

Mahirap mang ispelengin ang attitude ng iyong mahal ay hindi nito mababago ang pagmamahal mo sa kanya. Handa ka pa ring unawain siya kahit pa mismong mga kamag-anak mo na ang hindi makaunawa sa’yo.

Masuwerteng numero; 20 & 31

VIRGO

Handa kang talikuran ang iyong trabaho para sa tao na minamahal mo ng labis kung gugustuhin niya. Kahit pa mangahulugan ito ng kakapusan mo sa pera. Ito ay para na lang matigil ang kanyang pagseselos sa mga kasaman mo sa trabaho ng walang basehan.

Masuwerteng numero; 49 & 56

LIBRA

Alam mo na kailangan mo na siyang kalimutan pero hindi mo pa rin gagawin kaya’t patuloy ka pa ring masasaktan. Ngayong araw tatanggap ka ng masasakit na salita mula sa mga tao sa paligid nyo dahil sa katigasan ng iyong ulo.

Masuwerteng numero; 10 & 14

SCORPIO

Gaano ka man ka-busy ngayon sa trabaho ay hindi pa rin maaalis sa isip mo ang problema sa pag-ibig na hindi mo pa makakayang solusyunan sa ngayon. Kaya mananatili kang tuliro at hindi makakapokus sa iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 35 & 40

SAGITTARIUS

Excited ka sa nalalapit na pag-uwi ng iyong mahal dahil gusto mo ng maipakita sa kanya ang iyong mga sorpresa. Ito ay may kinalaman sa iyong mga naipundar mula sa kanyang kinita na gusto mong isorpresa sa kanya.

Masuwerteng numero; 15 & 22

CAPRICORN

Inis na inis ka man noon sa kanyang kakukulitan at pagiging kulang sa pansin, ngayong wala siya sa paligid ay hindi mo maiiwasan na hanapin ang kanyang presensya. Hindi mo man aminin sa iyong sarili ay meron ka ng damdamin sa kanya.

Masuwerteng numero; 11 & 17

AQUARIUS

Hindi mo man maintindihan ang iyong sariling damdamin sa ngayon para sa iyong karelasyon ay wala kang gagawin na alam mong makakasakit sa kanya. Mananatili ka sa kanyang tabi kahit pa hindi ka na maging masaya.

Masuwerteng numero; 29 & 30

PISCES

Mararamdaman mo ang panlalamig ng iyong kapareha pero hindi mo ito papansinin. Ayaw mong isipin man lang ang maaaring dahilan nito. Hindi mo makakaya na mawala siya sa piling mo kaya’t uunawain mo pa rin siya.

Masuwerteng numero; 38 & 54

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles