27.4 C
Manila
Sunday, May 19, 2024

Online Horoscope Setyembre 23 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Kaligayahan ang mahalaga sa tao, kaya ‘wag kang maging negatibo. Ang pagiging positibo ay nagbibigay ng dagdag-saya na magdudulot sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-24-28-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Huwag kang makalimot sa mga taong laging umaalalay sa ‘yo dahil habang inaalala mo sila, sa panahong ito, tuloy-tuloy ang pagdating ng marami pang suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-25-29-30-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) – Isabuhay mo ang pagkilos nang mabilis dahil sa ganitong aksyon ka susuwertehin at hindi kailaman makakasingit sa iyong buhay ang mga negatibong bagay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-11-15-16-27-28.

CANCER (June 21-July 22) – Mas marami ang masasalo mo sa mga biyayang ihuhulog ng langit sa panahon ng tag-init. Huwag mong kaligtaan na ibahagi sa mga kapos-palad ang mga pagpapalang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-21-22-25-38.

LEO (July 23-Aug. 22) – Patuloy na gaganda ang iyong kapalaran sa taong ito. Higit kailanman, mas magandang ngayon mo pahalagahan ang mga regalo ng langit para hindi ito masayang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-13-25-30-35-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Bawasan mo ang pag-iisip nang malalim. Ang sikreto ng iyong kapalaran ay nagsasabing, sakay ka lang nang sakay sa mga pangyayari at sa huli, ikaw ang makikinabang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-14-15-21-25-29.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Huwag mo nang balikan ang mga nakaraan, lalo na ang mga nagbigay sa ‘yo ng kalungkutan. Piliin mo ang mga bagong pakikipagsapalaran para mas gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-23-26-30-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Panatilihin mo sa buhay ang mga taong nagbigay sa ‘yo ng saya. Dahan-dahan mo namang layuan at iwasan ang mga taong lungkot lang ang hatid. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-28-31-39-40-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Tutukan mo ang iyong ambisyon. Huwag mo nang intindihin pa ang mga bagay na walang kinalaman sa mga pangarap mo para hindi masayang ang iyong lakas at oras. Masuwerteng kulay-red .Tips sa lotto-19-26-30-33-38-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Lumayo ka sa mga bagay na nagpapahina ng iyong katawan. Magpalalakas ka. Sa panahong ito, higit na kailangan mo ang lakas para mas marami ka pang mapuntahan at mapasyalan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-21-23-34-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Sobrang makulay ang mga araw na darating. Mag-ingat na malibang sa mga masasayang kaganapan sa buhay, sapagkat maaaring makalimutan mo na pamilya at kalusugan ang pinakamahalaga. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-22-27-31-37-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Nakaguhit sa kapalaran mo ngayon ang napakaraming paglalakbay, kung saan puwedeng mabilis kang yumaman. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-21-25-29-38.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.