28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 23 2023

DAGA (RAT)

Hindi na magtatagal ang paghihirap mo at ng iyong pamilya. Papalapit na sa inyo ang suwerteng matagal nyo ng hinihintay. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mong pagsisikap sa ngayon at huwag bibitaw sa trabaho.

Masuwerteng numero; 15,20,21,31

BAKA (OX)

Wala kang mahihita sa isang kaibigan na pinapairal ngayon ang pagiging negatibo. Sa halip na ikaw ang mahatak niya sa hindi maganda ay mas makakabuti kung ikaw ang siyang aakay sa kanya patungo sa positibong landas.

Masuwerteng numero; 2,3,5,6

TIGRE (TIGER)

Hindi mo pa maa-appreciate sa ngayon ang ginagawang pagtulong sa’yo ng isang tao dahil wala pa itong epekto sa’yo. Subalit sa mga darating na araw ay saka mo lamang makikita ang magandang dulot nito na ipagpapasalamat mo sa kanya ng lubos.

Masuwerteng numero; 6,5,11,13

KUNEHO (RABBIT)

Never kang nagreklamo sa mga paghihirap na pinagdaanan mo sa buhay. Tulad ng dati ay nakangiti mo itong tatanggapin at pag-iisipan ng solusyon. Dahil sa attitude mong ito ay marami ang mapapahanga sa’yo.

Masuwerteng numero; 3,4,6,8

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo makokontrol ang sarili mo sa araw na ito. Kaya naman maipapakita mo sa iyong kaharap ang bangis ng iyong galit dala ng hindi magandang pangyayari. Kahit pagsisihan mo ay hindi mo na maibabalik ang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 40,43,51,52

AHAS (SNAKE)

Kahit na hindi pa buo ang loob mo ay mapipilitan kang tanggapin ang posisyon na iaatang sa’yo ng iyong mga ka-grupo. Wala na silang ibang nakikita na pwedeng gumanap sa posisyon na ikaw lang ang kuwalipikado para sa kanila.

Masuwerteng numero; 24,30,34,35

KABAYO (HORSE)

Tatatak sa puso’t isipan mo ang mga makabagbag damdaming salita na bibitawan sa’yo ng isang kaibigan. Dahil dito ay makukuha niya ang simpatya mo. Kaya naman mag-iisip ka ng paraan kung paano siya matutulungan.

Masuwerteng numero; 20,30,31,33

TUPA (SHEEP)

Magiging malaking bagay para sa’yo ang isang maliit na tulong na magmumula sa isang hindi kakilalang tao. Labis ang magiging paghanga mo sa kanya dahil para sa’yo ay bihira na ang mga taong may mabuting puso sa hindi kilala tulad niya.

Masuwerteng numero; 54,60,67,69

UNGGOY (MONKEY)

Maiibsan ang mga alalahanin mo sa isang malayong kamag-anak na may malubhang karamdaman dahil sa makakarating sa’yong balita. Anila ay bumubuti na ang kalagayan niya sa tulong ng inyong mga panalangin.

Masuwerteng numero; 4,7,19,20

TANDANG (ROOSTER)

Wala kang aaksayahing oras sa araw na ito. Masyadong marami ang trabaho na dapat mong pagtuunan ng pansin at tapusin kaya hindi ka na magkakaroon ng oras sa ibang bagay lalo na sa mga bagay na hindi mahalaga.

Masuwerteng numero; 60,73,74,80

ASO (DOG)

Tuloy pa rin ang buhay kahit na kung minsan ay nawawalan ka na ng pag-asa. Sa araw na ito ay mapagtatanto mo na mas marami pa rin ang blessings na natatanggap mo kaysa sa iba at dapat mo itong ipagpasalamat.

Masuwerteng numero; 56,67,75,78

BABOY (PIG)

Mahihirapan kang magdesisyon kung dapat mo bang tanggapin ang alok na pakikipagsosyo sa negosyo ng isa sa iyong mga in-laws. Bagamat gustong gusto mo sana ito ay mag-aalanganin ka naman sa perang hawak mo.

Masuwerteng numero; 11,17,24,25

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.