26 C
Manila
Sunday, March 3, 2024

Horoscope Pag-Ibig Pebrero 3, 2024

ARIES: Masasaktan ka pero hindi ka susuko. Batid mo na sadyang mapaglaro ang tadhana lalo na pagdating sa pag-ibig at handa kang makipaglaro at sumugal para rito. Ngayon pa lang ay ihahanda mo na ang sarili sa mas malala pang sitwasyon. Masuwerteng numero: 11 & 20

TAURUS: Tuloy pa rin ang buhay kahit pa nagbago na ang pagtingin niya sa’yo. Ito ay dahil alam mo na maraming umaasa sa’yo kaya’t hindi ka maaaring huminto at magmukmok dahil lamang sa kabiguan sa iyong pag-ibig. Masuwerteng numero: 17 & 18

GEMINI: Wala kang masasabi sa kabaitan at kabutihang loob na palaging ipinapakita sa’yo ng iyong karelasyon. Kaya’t idadalangin mo na lang na sana ay huwag siyang magbago upang hindi mo na ulit maranasan ang mabigo. Masuwerteng numero: 15 & 17

CANCER: Dahil mahal mo siya kaya ikaw na ang mag-aadjust sa inyong relasyon para sa kanya. Gusto mo na maibigay ang lahat ng kailangan niya at siya ang masunod sa lahat ng pagkakataon. Hindi ito makakabuti para sa inyong relasyon. Masuwerteng numero: 28 & 32

LEO: Hindi ikaw ‘yung tao na pinaniniwalaan agad ang sariling kutob lalo na pagdating sa pag-ibig dahil mas gusto mo na magtiwala sa kanya. Pero ngayong araw ay mare-realize mo na kailangan mo rin palang paniwalaan ang iyong instinct paminsan minsan. Masuwerteng numero: 23 & 34

VIRGO: Siya pa rin ang nasa isip mo kahit nakapagbitaw ka na sa kanya ng hindi magagandang salita. Makakaramdam ka ngayon ng pagsisisi at mare-realize mo na hindi mo dapat sinabi ang mga nasabi mo na. Masuwerteng numero: 22 & 27

LIBRA: Hindi ka naniniwala sa tunay na pag-ibig pero ikaw na rin ang makakapagsabi ngayon na nararamdaman mo na ang tunay na ligaya sa piling ng iyong mahal. At hindi ka na ulit magiging bitter tulad ng dati. Wala ng kakantyaw sa’yo. Masuwerteng numero: 10 & 20

SCORPIO: Mas pipiliin mo na lang muna ngayon ang maging single dahil gusto mo na munang ipahinga ang puso mo sa nakakapagod na relasyon. Nanamnamin mo ngayon ang pagiging malaya na nagagawa ang lahat ng gusto. Masuwerteng numero: 51 & 62

SAGITTARIUS: Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Basta’t ang mahalaga lang sa’yo ngayon ay ikaw, siya at ang inyong relasyon. Kahit pa sino ang masaktan at maapakan ninyo ay patuloy mo siyang ipaglalaban kahit na anong mangyari. Masuwerteng numero: 45 & 54

CAPRICORN: Noong panahaon na nasa kagipitan ka at natutuliro sa iyong problema ay inintindi ka niya at tinulungan. Ngayong siya naman ang nasa hindi magandang sitwasyon, hindi niya hihingin na tulungan mo siya sa halip ay intindihin man lang. Masuwerteng numero: 6 & 7

AQUARIUS: Dahil sa dami na ng pinagdaanan nyo kung kaya’t mahihirapan kang i-let go siya. Mas pipiliin mo na pansamantala munang dumistansya at mag-isip ng tamang solusyon kaysa basta basta na lang siya pakawalan. Masuwerteng numero: 15 & 16

PISCES: The Moon in Scorpio highlights your hidden desires and transformative potential. This is a powerful time for introspection and uncovering what truly motivates you. Be honest with yourself, but avoid dwelling on negativity. Channel your energy into creative pursuits or personal growth activities. Masuwerteng numero: 15 & 17

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.