27.9 C
Manila
Wednesday, February 28, 2024

Online Horoscope Pebrero 3, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Muli ka na namang aangat sa mas mataas na level ng buhay.  Kakaibang husay at galing ang iyong ipamamalas.  Hindi dapat lumaki ang iyong ulo. Panatiliin mo ang pagiging mapagpakumbaba at mahinahon. Kapag ganyan ka, matutuwa sa iyo ang langit, yong dating mga biyayang natatanggap mo ay dodoblehin pa. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  7, 14, 24, 39, 41, 45.    

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Sa panahong ito na papalapit na ang araw ng mga puso, dumikit ka sa mga kakilala mong mapera. Mahihigop mo ang suwerte nila, mauubos ang kanilang pera at mapupunta sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 9, 15, 34, 39, 42. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Aangat ng aangat ngayon ang iyong galing at husay. Marami ang magnanasa na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Pero dahil maarte ka tatanggihan mo sila. Pero bibigyan ka pa rin ng langit  ng isang magaling na nilalang na kahit na ayaw mo, siya ang makakahati mo sa isang masagana at maligayang buhay. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  9, 11, 18, 36, 40, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mangarap ka ng mga bagong pangarap. Ang mga dati at luma mong mga pangarap na hindi natupad ay buburahin ng langit  upang ang mga bagong pangarap mo ngayon ang nakatakdang matutupad.  Mapalad a ang kulay red at pink. Masuwerteng numero 5, 19, 21, 29, 37, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Narito ang pagtaya ng iyong kapalaran: Kapag tumodo ang sikat ng araw ngayong umaga, totodo din ang suwerte at magandang kapalaran na darating sa iyo. Kapag  kulimlim lang at may konting ambon, susuwertehin ka pa rin, pero konti lang at hindi gaanong marami. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 4, 10,  25, 28, 37, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Walang hadlang na makahaharang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran sa ngayon, dahil nakamasid sa iyo ang langit at ang sinuman magtangka ay mapapahamak. Kaya kung anumang landasin ng buhay ang ibig mong maabot, tiyak na ito ay mararating mo.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6,  12,  22, 25,  32, 43. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) )  Iwasan mong magyabang kahit ang totoo ay may ipagyayabang ka rin naman. Tandaang kapag nagpakababa ka, lalo kang iaangat ng langit. Mas lalong dadami ang mga suwerte at magagandang kapalarang magdaratingan sa iyo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 16, 22, 35, 42, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mag-utos ka at masusunod. Ang bawat salitang lalabas sa iyong bibig ay magkakaroon ng kapangyarihan. Oo, walang makatatanggi sa iyo mabisang tinig. Kaya subukan mo ngayon, mag-utos at tiyak na susundin ka ng sarili mo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 17, 25,  33,  39, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ang kapalaran mo dito sa mundong ito ay kung ano ang iyong magustuhan ay mapapasa iyo. Gusto mo ba ng mga kabuhayan, ng mga ari-arian at yaman? Gustuhin mo at mapapa sa iyo ang lahat ng ito! Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 18, 26, 32, 36, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Maraming lumalapit sa iyo. Tulungan mo sila pero wag namang sobra. Kapag lagi kang tumutulong, ang kakaiba nito, bukod sa tutulungan ka rin ng langit, mas marami sa itinulong mo ang ibabalik sa iyo.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 13, 28, 31, 39, 40.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Pabago-bago ang ihip ng hangin at ikaw ay gayun din. Walang kasiguraduhan ang takbo ng iyong isipan at damdamin. Kaya ito ang nagiging dahilan ng iyong kalungkutan at mga problema. Titino lamang ang takbo ng iyong pagkatao sa sandaling may nag-giya sa iyo na isang Scorpio.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 2, 12, 20, 34, 37, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang suwerteng araw para sa iyo upang humingi ng pabor sa langit. Magugulat ka dahil higit sa inaasahan mo ang mapapasa iyo. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 14, 28, 29, 39, 42.  

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.