27.4 C
Manila
Sunday, May 19, 2024

Horoscope Pag-ibig Oktubre 22, 2023

ARIES

Mananatili ang kumpiyansa mo sa sarili dahil laging nandiyan ang iyong kapareha para ipagtanggol ka sa lahat ng mga taong kumakalaban sa’yo. Kaya naman madaragdagan pa ang lakas ng loob mo sa pagharap sa kanila.

Masuwerteng numero; 25 & 35

TAURUS

Ang mga pinagdaanan nyo ng iyong mahal ang siyang sinasandalan mo ngayon sa sabay ninyong pagharap sa mga pagsubok. Umaasa ka na magiging kakampi mo siya hanggang sa kahuli-hulihang laban sa inyong buhay.

Masuwerteng numero; 3 & 14

GEMINI

Iwasang magpadalos-dalos ng desisyon. Anumang sabihin mo sa kanya ay susundin niya kahit pa maging masakit ito sa kanya ay handa pa rin siyang sumunod sa kagustuhan mo. Tandaan na laging nasa huli ang pagsisisi.

Masuwerteng numero; 26 & 30

CANCER

Sa araw na ito ay sisigla ang puso mo dahil magkakaroon ka ng pagkakataon na maka-chat ang taong mahal mo. Hindi man niya alam na minamahal mo siya ay okay lang sa’yo basta masaya ka na sa mga pagkakataong ganito.

Masuwerteng numero; 18 & 28

LEO

Hindi mo maiiwasan na hindi magselos dahil sa labis na pagmamalasakit na ipapakita ng iyong kabiyak sa isang tao na pareho ninyong kaibigan. Yung pakiramdam na napakaespesyal niya sa asawa mo at wala na sa lugar.

Masuwerteng numero; 46 & 48

VIRGO

Hindi mo maitatanggi kaninuman ang paghanga mo sa kanya. Pero hindi ibig sabihin ay ibababa mo na ang iyong sarili para lang magustuhan ka niya. Nasa sa’yo pa rin ang iyong dignidad at hindi mo ito bibitawan.

Masuwerteng numero; 17 & 20

LIBRA

Walang kondisyon ang pagmamahal mo sa kanya kaya naman malaya niyang nagagawa ang anumang naisin niyang gawin kahit pa alam niyang masasaktan ka. Hindi ka niya ikinokonsidera kaya panahon na para rendahan mo sya.

Masuwerteng numero; 56 & 67

SCORPIO

Hindi mo lubos na maiintindihan ang pinagdaraanan at damdamin ng iyong kapareha dahil nakapokus ka sa iyong mga magulang. Huwag mong kalimutan na meron ding karapatan ang asawa mo sa’yo at dapat din nila itong irespeto.

Masuwerteng numero; 11 & 22

SAGITTARIUS

Patuloy lang na magpapabalik balik ang mga alaala at huwag kang umasa na makakalimutan mo siya kung lagi mong binibigyan ng panahon ang sarili mo na alalahanin siya sa bawat oras at pagkakataon na pwede mo itong gawin.

Masuwerteng numero; 16 & 18

CAPRICORN

Alam mo kung ano ang dapat gawin para gumaan muli ang loob sa’yo ng iyong mahal. Mababaw lang ang kanyang kasiyahan kaya hindi ka mahihirapan na gawin ito. Kailangan mo lang pakinggan ang sinasabi ng puso mo.

Masuwerteng numero; 42 & 53

AQUARIUS

Dahil sa iyong pagpapatumpik tumpik ay mauunahan ka na ng iba. Magugulat ka na lang dahil magigising ka ngayon sa katotohanan na hindi na ikaw ang apple of the eye niya. Dahil na rin ito sa iyong kabagalan at kamanhiran.

Masuwerteng numero; 27 & 28

PISCES

Hindi mo na pahihirapan pa ang sarili mo. Alam mo naman na kahit anong mangyari ay hindi ikaw ang pipiliin niya dahil na rin sa sitwasyon mo. Kaya magdedesisyon ka na ngayon at uumpisahan nang kalimutan siya.

Masuwerteng numero; 62 & 69

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.