28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Online Horoscope Oktubre 22, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Ito ang araw na kailangan mong mapag-isa. Sa malalim na pagmumuni-muni, makakahugot ka ng bagong lakas at enerhiya na magbibigay sa iyo ng dagdag na suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-25-29-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Hindi ka kakapusin sa mga taong gustong tumulong para matupad ang pangarap mo sa buhay. Dapat mong malaman na kapag kapos ka, kailangan mo ng lakas ng loob na sila ay lapitan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-16-20-21-25.

GEMINI (May 21-June 20) – Mapasasaiyo ang panalo at pagkatapos nito, ang labis na kasiyahan ay sa iyo pa rin. Huwag na huwag mong talikuran ang iyong pangako na tutulungan mo ang malalapit sa iyo na alam mong kapus-palad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-16-17-24-28-34.

CANCER (June 21-July 22) – Bilisan mo ang pagpapasya at pagkilos. Sa ganitong paraan, masusurpresa mo ang mga gustong mabigo ka sa buhay. Ito ang susi para mapasaiyo ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-27-30-35-37.

LEO (July 23-Aug. 22) – Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ang mga kamay mo ay kikilos kahit tutol ang iyong isip na muling pagbigyan ang lumalapit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-15-18-26-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Didikit sa iyo ang panalo. Magtatagumpay ka kung lalakasan mo ang iyong loob, pero kung mananatili kang mapag-alinlangan, sayang ang masuwerte mong pagkakataon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-26-27-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Hindi lang pisikal mong hitsura ang maganda dahil ganundin ang panloob mong pagkatao. Ang lahat ng ito ay natatanglawan ng langit. Dahil dito, gaganda rin ang kapalaran mo at lalo pa itong gaganda. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-21-24-29-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Sundin mo ang sinasabi ng iyong isip at bilisan mo ang pagsunod nang hindi makasingit ang iuutos ng iyong damdamin na manatili sa maling sitwasyon ng buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-18-22-25-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Binabalaan ka na kapag binago mo ang iyong mga plano, hindi ka lang basta mabibigo, malaki ang mawawala sa iyo at sa huli ay sisisihin mo pa ang iba. Ito ang babala para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-21-27-30-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Malabong magawa mo ang pangako sa iyong sarili na limitahan ang pagkain. Hindi ngayon ang panahon ng pagdidiyeta at pagdadamot sa sarili. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-8-16-21-27-34-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Huwag kang malito. Hindi lahat ng nagpapakita ng kabutihan ay maganda ang ugali at idudulot sa iyo. Mas makabubuti na magtiwala ka sa kilala mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-20-25-29-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Huwag kang magpapatangay sa masasayang bagay. May mandadaya na pasasayahin ka, pero sa huli, kalungkutan ang iyong mapapala. Mag-ingat ka sa mga mapagsamantala na umaaligid sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-16-22-28-41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.