32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Horoscope Pag-Ibig Nobyembre 21, 2023


ARIES

Walang magiging katiyakan sa pag-achieve ng iyong nais kasama ang iyong minamahal ngayon. Marami ang tututol dito, kaya magkakaroon ka rin ng pangalawang pag-iisip.
Masuwerteng numero: 32 & 33

TAURUS
Ibibigay mo ang hiling ng iyong karelasyon. Ilan nang beses mo itong tinanggihan dahil sa kabusyhan sa trabaho, at ngayon ay alam mo na kailangan mo nang umuwi sa kanya, kaya ito ang tamang pagkakataon.
Masuwerteng numero: 18 & 20

GEMINI
Ngayon mo mapagtatanto na nagkamali ka ng minahal. Ang akala mong saya at ligaya na ibinigay niya sa’yo ay isa palang pighati.
Masuwerteng numero: 72 & 74

CANCER
Walang pagbabago sa iyong buhay pag-ibig; itutuloy pa rin ang takbo nito. Hindi mo maiiwasan ang pagkasawa at panlalamig sa kanya.
Masuwerteng numero: 10 & 20

LEO
Makakatanggap ka ng tawag mula sa iyong pag-ibig, kaya ang malungkot mong araw ay muling magiging masigla at masaya. Kahit malayo kayo, ramdam mo ang kanyang pagmamahal.
Masuwerteng numero: 63 & 74

VIRGO
Hindi uubra ang mga dahilan mo sa hindi mo pagsunod sa iyong minamahal. Asahan mo ang paghihigpit niya sa iyo sa mga susunod na araw.
Masuwerteng numero: 6 & 10

LIBRA
Dahil sa napapansin mong lamig ng iyong karelasyon, maaaring isipin mong wala na siyang pagmamahal at pagpapahalaga sa iyo, kaya unti-unti ka nang magdedistansya sa kanya.
Masuwerteng numero: 52 & 57

SCORPIO
Kung hindi para sa’yo ang isang tao, kahit gaano mo siya kamahal, kailangan mong pakawalan. Kung patatagalin mo pa, mas lalo ka lang masasaktan.
Masuwerteng numero: 5 & 7

SAGITTARIUS
Mababawasan ang pagka-miss mo sa iyong kapareha dahil sa isang taong madalas mong kausap, pero mag-ingat baka mauwi ito sa isang pagkakamali.
Masuwerteng numero: 9 & 13

CAPRICORN
Labis kang magugulat sa makikita mong galit na galit ang iyong karelasyon. Hindi mo inaasahan ang ganoong asal, kaya naman mapapa-isip ka.
Masuwerteng numero: 31 & 39

AQUARIUS
Magkakaroon ng malaking pagbabago sa inyong pagsasama. Hindi ka masyadong magpapa-apekto dahil ayaw mong maapektuhan ang iyong pamilya. Alam mo, pagsubok lang ito, at malalampasan ninyo rin ito.
Masuwerteng numero: 57 & 68

PISCES
Kahit hirap nang unawain ang kanyang ugali, magtitiis ka pa rin dahil alam mong kailangan mo siya lalo na pagdating sa pinansyal.
Masuwerteng numero: 23 & 26

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.