31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Online Horoscope Nobyembre 21, 2023


ARIES (Mar. 21-Apr. 19)
– Bumibigat ang buhay kapag dinadagdagan ang pasanin. Huwag kang makihalo sa problema ng iba dahil ikaw mismo ay maraming problema. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay: itim. Tips sa lotto: 9-18-20-24-38-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Tuloy-tuloy ka lang sa gusto mong gawin. Ang mga negatibong pananaw na pumapasok sa iyong isip ay balewalain mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay: violet. Tips sa lotto: 4-7-11-15-24-31.

GEMINI (May 21-June 20) – Kapag kailangan mo ng tulong, magpatulong ka. Hindi mabuti kung pilit mong kakayanin ang hindi mo naman talaga kaya. Hindi masama ang magpatulong. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay: peach. Tips sa lotto: 13-21-28-30-33-37.

CANCER (June 21-July 22) – Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ang inaakala mong kontrabida ay magsisilbing mga pampasuwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay: pula. Tips sa lotto: 2-18-20-30-38-42.

LEO (July 23-Aug. 22) – Tulungan mo agad ang iyong kaaawaan. Huwag mo nang patagalin pa ang gagawin mong pagtulong. Gawin mo at magugulat ka dahil mabilis na dadapo sa iyo ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay: orange. Tips sa lotto: 11-17-18-27-34-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Sukatin mo muna ang pagkatao ng gustong dumikit sa iyo. Layuan mo siya kapag nakita mong mabibigatan ka dahil sa mga hindi kagandahang katangian na taglay niya. Masuwerteng kulay: puti. Tips sa lotto: 18-21-24-26-34-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Hindi puwede na mabuhay ka sa kalungkutan. Magsaya ka kahit nag-iisa ka. Mula sa simpleng pamamasyal hanggang sa pagkain ng masasarap, ang mga ito ay sapat para sumigla at lumigaya ang buhay mo. Masuwerteng kulay: berde. Tips sa lotto: 16-21-25-38-40-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Makibahagi ka sa pagtulong sa kapwa. Inaasahan ng langit ang ganitong pagkilos mula sa iyo dahil may nakalaang malalaking suwerte para sa ipapakita mong kabutihang loob. Masuwerteng kulay: dilaw. Tips sa lotto: 11-19-22-28-37-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Huwag mong bilangin ang mga minuto ng orasan. Isang pagsasayang lang ito para sa iyo. Minsan, sa buhay ng tao, ang paghihintay ay talo ng mabilis na mga pagkilos. Masuwerteng kulay: lila. Tips sa lotto: 4-18-23-33-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Hindi dapat patagalin ang mga kailangang-kailangan na pagkilos. Ang kasabihan na, “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?” ay pwedeng mangyari sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay: pink. Tips sa lotto: 15-20-26-30-34-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Tinatangay ng hangin ang mga alikabok. Sa ngayon, ang mga walang kuwentang nilalang na nasa iyong kapalaran ay mawawala sa iyo. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay: beige. Tips sa lotto: 8-11-14-23-35-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Huwag kang maghinayang sa mga mawawala sa iyo. Alam ng langit kung ano ang makakabuti sa buhay mo. Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga kaganapan sa harapan mo. Masuwerteng kulay: asul. Tips sa lotto: 15-17-20-27-36-39.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.