27.9 C
Manila
Wednesday, February 28, 2024

Horoscope Pag-Ibig Disyembre 20, 2023

ARIES

Higit mino man at ikaw ang dapat unang nakakaintindi sa iyong kapareha lalo na sa sitwasyon nya ngayon, at dahil dito ay  ay maa-appreciate niya ito at lalo ka niyang mamahalin.

Masuwerteng numero; 15 & 16

TAURUS

Wagkang magpaka martir, bakit mo kailangang magtiis pa sa piling  lakasan mo ang iyong  loob na tumayo sa sarili mong mga paa at bigyan ng halaga ang iyong sarili kaysa sa walang kwenta ninyong relasyon.

Masuwerteng numero; 8 & 17

GEMINI

Kung ipagpipilitan mo pa rin ang isang pagmamahalan na wala namang direksyon at hindi mo alam ang patutunguhan ay mapapahamak ka lang. Mas makakabuti kung bibigyan muna ang sarili ng panahon na makapag-isip.

Masuwerteng numero; 1 & 3

CANCER

Kahit wala sa loob mo ang mga sinasabi at ipinapadama mo sa kanya ay iisipin pa rin niya na tunay ang pag-ibig mo. Yung pakiramdam na mahal na mahal mo siya at smooth sailing ang relasyon nyo kahit sa sarili mo ay hindi iyon ganoon kaimportante.

Masuwerteng numero; 9 & 12

LEO

Wala kang pakialam kahit maging single for life ka. Mas mahalaga sa’yo ang iyong career kahit pa marami ang nagtutulak sa’yo na humanap na ng kapareha dahil napag-iiwanan ka na. Wala itong halaga sa’yo.

Masuwerteng numero; 30 & 40

VIRGO

Hindi mo mapipigilan ang bugso ng iyong damdamin. Dahil punumpuno ka na sa iyong karelasyon kaya maisisiwalat mo na ang lahat ng sama ng loob mo sa kanya mula pa man sa simula ng inyong relasyon hanggang ngayon.

Masuwerteng numero; 58 & 67

LIBRA

Mababalewala ang effort mo ngayon na pasayahin ang iyong mahal dahil hindi naman niya ito mapapansin. Sa init ng kanyang ulo dahil sa trabaho ay mas pipiliin na lang niya na mag-isa para makapag-isip.

Masuwerteng numero; 6 & 12

SCORPIO

Sa inyong dalawa ay ikaw ang mauunang magpakumbaba. Hindi mo na kasi matitiis na hindi siya makita o makausap man lang sa telepono. Hindi mo kayang makipagmatigasan tulad ng kanyang laging ginagawa.

Masuwerteng numero; 35 & 41

SAGITTARIUS

Hindi mawawala ang pagmamahal mo sa kanya dahil lamang sa isang simpleng tampuhan. May plano kang makipagbati subalit mas uunahin mo muna ang mas mahalagang bagay para sa’yo tulad ng iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 46 & 59

CAPRICORN

Kahit na ano pa ang mangyari ay wala kang balak na bumitaw sa inyong relasyon. Kahit pa marami ang magpayo sa’yo na kailangan mo ng bumitaw. Mananatili kang nagmamahal at aasa na magiging masaya rin kayo pareho.

Masuwerteng numero; 62 & 78

AQUARIUS

Hindi mo pa maibibigay ng buo ang iyong sarili sa bago mong karelasyon dahil nabubuhay pa rin sa isip mo ang alaala ng iyong ex. Ang dati mong pag-ibig pa rin ang mas nakakapagbigay sa’yo ng kasiyahang hindi mo makita sa iba kahit sa bago mo.

Masuwerteng numero; 69 & 76

PISCES

Isang bagong pag-ibig ang nakatakdang dumating sa araw na ito para sa’yo. Pero hindi mo pa ito mapapansin dahil nakatuon ang atensyon mo sa ibang bagay. Wala ka pang balak na muling pagtuunan ng pansin ang iyong lovelife.

Masuwerteng numero; 14 & 25

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.