28.1 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Online Horoscope Disyembre 20, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) Kung saan maganda ang kita, ‘yun ang pasukin mo. Hindi ngayon ang panahon ng pakikipagsapalaran sa mga walang katiyakang bagay. Itakwil mo na ang ganyang mga pamamaraan at du’n ka sa sigurado. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-25-29-34-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) Huwag kang magpapatangay sa mga huminto agad dahil nakatikim ng kaunting suwerte. Ang pagpapayaman ay tulad ng panganganak, patuloy na umiiri hanggang ang sanggol ay maluwalhating mailuwal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-26-30-33-37-42.

GEMINI (May 21-June 20) Dapat mabilis ka rin at kung puwede ay ‘yung parang hindi ka na nag-iisip dahil ang araw ito ay para sa iyo. Gayundin, nangangailangan ng mabibilis na pag-aksyon ang araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-20-29-31-38.

CANCER (June 21-July 22) Hindi puwedeng nakahalo ang damdamin at pagpapaunlad sa negosyo. Kontrolado ng magagaling sa hanapbuhay ang kanilang emosyon. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-26-33-34-41.

LEO (July 23-Aug. 22) Kahit labag sa loob, gawin mo. Ang ikonsidera mo ay ang matagal nang pagsasama kahit pa dumadaan sa maraming pagsubok. Magparaya ka dahil ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-20-21-28-32-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) Labanan mo ang pakiramdam na ikaw ay mas angat kaysa iba. Ito man ay sadyang totoo, mas maganda pa rin na aakalain nila na pantay-pantay lang kayo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-23-35-39-40-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) Huwag kang mainip. Ang bilang nang bilang sa mga daliri sa kamay ay hadlang para makakilos nang malaya at may positibong pananaw na bibilis pa ang pag-unlad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-16-21-34-37-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) Magsakripisyo ka ng mahabang oras para sa paghahanapbuhay. Dahil ngayon, ang panahon ay angkop na angkop sa pagpaparami ng kabuhayan bilang paghahanda sa hinaharap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-20-22-25-28.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) Kahit pagod ka, ituloy mo lang ang hangarin mong magbago ang iyong buhay na papunta sa mas maganda at matatag na kinabukasan. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-25-26-27-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) Masaya ka ngayon dahil damang-dama mo ang pagganda ng takbo ng iyong kapalaran. Mas sasaya ka pa dahil higit kang masuwerte sa darating pang mga araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-17-28-38-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) Limitahan mo ngayon ang iyong madalas na paglalakwatsa. Bagkus, tutukan mo ang mga suliranin na patuloy na gumugulo sa isip at damdamin mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-18-20-29-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) Ikaw ang bida sa sarili mong kasaysayan. Huwag mong intindihin ang mga gustong sumingit dahil akala nila ay mahalaga rin ang papel nila sa buhay mo. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-20-21-24-27-33.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.