26.1 C
Manila
Monday, July 22, 2024

Horoscope Pag-Ibig Disyembre 14, 2023

ARIES Damang dama mo na pero tikom pa din ang kanyang bibig sa tunay niyang nararamdaman para sa’yo. Ngunit wala kang magagawa kundi maghintay. Masuwerteng numero; 49 & 51

TAURUS Tumanggi ka na noon pero magbabago ang isip mo ngayon tungkol sa napag-usapan nyo ng iyong mahal. Alam mong dapat muna siyang palayain. Masuwerteng numero; 24 & 25

GEMINI Mananatiling hungkag ang puso mo dahil sa patuloy mong pagsikil sa iyong damdamin. Hindi mo gusto na muling masaktan sa bandang huli kaya takot kang subukan na muling magmahal sa isang tao lalo na at hindi mo pa siya masyadong kilala. Masuwerteng numero; 34 & 45

CANCER Kakailanganin mong habaan pa ang iyong pasensya at pang-unawa sa iyong mahal. Mas mahihirapan kang intindihin siya ngayon na may mabigat siyang pinagdaraanan at madalas na aburido. Masuwerteng numero; 15 & 27

LEO Mahihirapan kang ipaliwanag sa iyong mahal ang pagtanggap mo sa isang proyekto na magiging dahilan para pansamantala kayong magkalayo. Higit lalo at andoon pa ang iyong ex. Masuwerteng numero; 50 & 60

VIRGO Hindi mo pagsisisihan ang araw na nagdesisyon ka na sumama sa kanya dahil ngayon pa lang ay ipapakita at ipaparamdam na niya sa’yo ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig sa abot ng kanyang makakaya. Masuwerteng numero; 34 & 38

LIBRA Nasa kamay mo na pero pinakawalan mo pa. Ngayon mo lang mare-realize na ang pag-ibig ay maihahalintulad pala sa isang suwerte na minsan lang dadapo sa palad mo at hindi mo ito dapat balewalain. Masuwerteng numero; 25 & 27

SCORPIO Mahirap man tanggapin pero dumating na talaga sa hangganan ang inyong relasyon. Wala ka ng pagkakataon na makukuha para ituwid pa ang iyong mga pagkakamali at punan ang iyong mga pagkukulang. Masuwerteng numero; 16 & 25

SAGITTARIUS Kahit na ano pa ang sabihin ng iba ay masaya ka pa rin sa piling niya. Tulad ng dati, hindi mo pa rin siya maipagpapalit sa anumang halaga ng pera dahil ang kaligayahan mo sa piling niya ay walang katumbas para sa’yo. Masuwerteng numero; 33 & 39

CAPRICORN Sa kabila ng hirap na dinaranas mo sa piling niya, mananatili ka pa rin sa kanyang tabi. Ayaw mo kasi na masira ang inyong pamilya. Ito na lang ang pinanghahawakan mo na makapagsasalba sa inyong relasyon. Masuwerteng numero; 63 & 73

AQUARIUS Ang padalos-dalos mong pagdedesisyon ay makakasakit sa damdamin ng iyong mahal. Hindi mo man ito sinasadya, kakailanganin mo pa ring bumawi sa kanya nang sa gayon ay maging maayos ang inyong pagsasama. Masuwerteng numero; 56 & 67

PISCES Matapos ang napakarami ninyong ups and downs na pinagdaanan, sa bandang huli ay kayong dalawa pa rin ang magtatagpo. Kaya maiiyak ka na lang sa tuwa na siya pa rin ang ibinigay sa’yo ng langit sa kabila ng lahat. Masuwerteng numero; 36 & 57

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.