26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Online Horoscope Disyembre 14, 2023

ARIES (Marso 21 – Abril 19) Kumapit ka sa hangarin mong mapaunlad ang buhay ng iyong pamilya. Hindi ka pababayaan ng langit na manatili sa hindi magandang katayuan sa buhay. Masaya, tagumpay at magandang kinabukasan ang sa iyo ay matagal ng inilaan ng nasa itaas. Mapalad ang kulay purple. Masuwerteng numero 3, 8, 26, 27, 34, 45.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) Naghihintay sa iyo ang masaya at masarap na buhay kung hindi ka maduduwag na maging bahagi ng kapalaran ng isang handang ibigay ang lahat ng iyong pangangailangan. Mapalad ang kulay ang silver. Masuwerteng numero 3, 9, 18, 27, 33, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Mas masayang kasama ngayon ang mga kaibigan kaysa sa ilang mahal mo sa buhay na hindi ka naman nauunawaan. Sa mga kaibigan makakasumpong ka ng kapanatagan ng isip, dagdag na suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 28, 31, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi ka dapat magpadaig sa mga negatibong pananaw ng mga taong nakapaligid sa iyo. Sa halip ang dapat, patuloy kang mangarap at makaaasa ka na ang langit ay gagawa ng paraan upang isa-isang makuha mo ang mga gusto mo sa buhay mo. Mapalad ang kulay na white. Masuwerteng numero 2, 17, 25, 34, 40, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kulang na kulang ang bilang ng mga daliri mo sa paa at sa kamay kung ikukumpara sa dami ng mga magagandang kapalarang nagdaratingan sa iyong buhay. Kapag sobra-sobra ka na, ipamahagi mo ito sa iba, upang lalo ka pang suwertehin. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 1, 10, 27, 28, 31, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kaya lang naman matamis ang isang tagumpay kung ito ay pinaghihirapan. Ngayon ay mahihirapan ka sa mga hamon ng kapalaran subalit ang mga hamong ito ay may kasamang suwerte at magagandang kapalaran. Kaya naman bukod sa matamis na lasa ng tagumpay malalasahan mo rin ang totoong lasa ng tinatawag na buenas. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 5, 14, 16, 22, 31, 33.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Iyo ang araw na ito. Manalangin ka sa loob ng iyong silid, at idulog mo ang mga kahilingan mo sa langit. Tiyak na bibigyan ng kagyat na katuparan ang iyong mga kahilingan upang malubos ang iyong kagalakan. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero 6, 12, 25, 27, 34, 39.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi pa tumitigil ang pagbuhos ng mga suwerte mo. Ipagpatuloy mo ang pagmamahal mo sa ‘yong kapwa at sa mga nasa mababa, lagi mo silang alalayan ng sa ganon ay lalo ka pang pagpalain ng nasa itaas. Mapalad ang kulay na blue. Masuwerteng numero 7, 16, 27, 32, 38, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na pansamantalang makakalimutan mo ang pagpupumilit na ikaw ay umasenso dahil ang uunahin mo ay ang kaligayahan ng iyong kapwa at ng mga mahal mo sa buhay. Dahil d’yan, umaasa kang lalo kang gagantimpalaan ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 7, 18, 28, 33, 41.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Ito ang araw na mauunawaan mo ang lihim ng buhay tungkol sa mga nagkukunwaring mga kaibigan para lang ikaw ay paulit-ulit na maisahan. Mag-ingat sa mga taong maaaring trumeydor sa iyo sa susunod na mga araw. Sa halip, sa panahon ngayon mas mainam na magbuhos ka ng mas maraming oras at lakas sa negosyo at pamilya. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 17, 25, 33, 37, 44.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Dahil sa malamig ang panahon, tinatamad ka na naman! Wag mag-alala, dahil ang kapalaran mo ngayon ay nagsasabing kahit hindi ka magpakasipag, sisipag pa ring ang dating ng suwerte at magandang kapalaran sa buhay mo dahil noon pa nakatala na ang pangalan mo sa listahan ng langit na lagi kang susuwertehin sa buhay lalo na sa panahon ngayon papatapos na ang pandemiya. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 4, 7, 16, 31, 34, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin, ang kalungkutan at mga problema mo ay tuluyan ng mapaparam. Oo, sa panahong ito ang kapalaran mo ay muling sisigla, habang nagaamoy himig pasko na ang paligid, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang maguuna-unahang dumapo sa iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 7, 16, 25, 35, 39, 42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.