28.2 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Online Horoscope Enero 18, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ang mga imposibleng bagay ay hindi kayang gawin ng tao. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit imposible basta’t ginusto mo ito at hiningi mo sa nasa itaas, ang langit ang gagawa ng paraan para sa iyo upang makamit mo ito. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 16, 19, 27,  34,  42, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Tatapikin ka sa balikat ng langit! Na ang ibig sabihin, yong mga dating hindi mo kaya ay kakayanin mo at iyong mga dating nakabinbin mong trabaho ay matatapos mo. Pagkatapos mong maisakatuparan ang lahat ng ito sunod-sunod na suwerte ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 8, 17, 19, 36, 41, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Instrumento ang ginagamit upang mas gumana at gumanda ang isang musika o kaya ay ang isang bagay na gusto mong gamitin. Ganon ka rin, sa araw na ito gagamitin ka ng langit upang gumanda at maayos ang kalagayan ng mga tao. Hindi ka dapat tumanggi dahil matapos mong  gawin ito maraming suwerte at mga biyaya ang darating sa ‘yo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 12, 26, 33, 42, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi lang materyal na tulong ang handang ipagkaloob sa iyo ng langit. Nakikisimpatsa rin siya sa iyong pagkabagot  at kalungkutan. Kaya padadalan ka nya ng isang babae kung ikaw ay isang lalaki o kaya’y isang lalaki kung ikaw ay isang babae na aaliw sa iyo. Sa sandaling siya ay dumating, mararanasan mo ang langit, dahil siya ang magbibigay sa iyo ng kakaibang sarap at ligaya. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  7,  13,  20, 22,  30, 43. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mahina ka ngayon, pero kaya mong lumalakas at magpumilit hanggang sa ang mga nais at ambisyon mo ay iyong makamit. Ito ang mangyayari kapag natakot kang muling dumanas ng mga dating hirap na dinanas nyo na dati. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 6, 17,  34, 39, 40, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Suwerte ka ngayon at patuloy na pagpapalangin ng langit. Kaya walang sinumang pupuwedeng sumalungat sa mga kagustuhan mo. Ang isang bangka na sumalungat sa alon ay nawawasak, ganon din ang sasapitin ng mga taong kokontra sa iyong  kagustuhan.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 15, 27, 33, 39, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Lalakas ng todo ang iyong kapangyarihan. Hindi makatatanggi sa iyo kung sinomang tao ang gusto mong utusan. Hindi mahalaga kung ayaw niya ang inuutos mo sa kanya, dahil wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa  kagustuhan mo. Utusan mo na ngayon ang iyong kaparehan at siguradong siya ay susunod sa iyong kagustuhan.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 9, 12, 34, 41, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Sa araw na ito sisinagan ka ng kakaibang bituin, kaya magagawa mong mabilis ang anumang mga bagay na binabalak mo. Ang bituing ito ay tatawaging “Katuparan”.  Ang kakaiba pa sa liwanag ng bituing ito, hindi mo lang magagawa ang mga bagay na binabalak mo, sa halip, sa panahong ito isa-isa ng matupad ang mga pangarap mo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 25, 37, 41, 45.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Tuloy-tuloy na nagdaratingan pa ang maraming magagandang kapalaran na tanging laan sa iyo. Pahalagahan mo at ingatan. Para sa iyo ang mga ito at hindi para sa ibang tao. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 8, 10, 18, 36, 42, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Iihip ang hangin, at magugulat ka kasabay ng pagihip ng hangin, isa-isa ng tatangayin ang iyong mga problema. Bukas-makalawa, sa sandaling tuluyan ng nawala ang lahat ng iyong mga problema,  suwerte at magagandang kapalaran naman ang magiging kapalit nito. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  1, 13, 23, 36, 38, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Nakatutuwa ang kalagayan mo sa ngayon. Sa kabila na walang-wala ka nagagawa mo pa ring mamigay at tumulong. Dahil dito, kahit kailan, basta’t humiling ka lang, hindi ka pagkakaitan ng suwerte at magandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 18, 27, 29, 31, 35.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag kang kabahan! Hindi ka dapat na mag-alala, kakampi mo ang langit. Anuman ang iniisip mo sa kasalukuyan at inaasam-asam, ang nasa itaas ang maghahatid nito sa iyong harapan.  Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 5, 9, 15, 29, 37, 42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.