26.7 C
Manila
Tuesday, July 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 18, 2024

DAGA (RAT)

Dahil sa mainit na sitwasyon na kasasangkutan ay hindi mo maiiwasan na makapagbitaw ng mga salitang hindi maganda sa pandinig. Pero hindi mo pa ito mababawi sa ngayon dahil hindi ka pa magiging kalmado.

Masuwerteng numero; 25,27,34,37

BAKA (OX)

Makakaranas ng matinding pagsubok dulot ng kalamidad. Dito mo marerealize kung gaano ka kasuwerte noong panahon na hindi pa nangyayari ang lahat. Magsisilbing isang malaking aral ang pagsubok na pagdaraanan.

Masuwerteng numero; 11,20,42,44

TIGRE (TIGER)

May mangyayaring komprontasyon sa pagitan ninyong magkaibigan dahil sa isang pangyayaring pareho nyong hindi inaasahan. Kakailanganin mong magbaba ng pride kung nais mo na magkaayos kayo as soon as possible.

Masuwerteng numero; 2,5,7,9

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mangyayari ang iyong inaasahan sa araw na ito. Kaya naman makakaramdam ka ng panlulumo. Ang buong maghapon ay mababalot ng kalungkutan pero wala kang magagawa kundi palipasin ang araw na ito.

Masuwerteng numero; 54,58,60,61

DRAGON (DRAGON)

Masaya ang araw na ito para sa’yo at sa iyong pamilya. Ang bonding na magaganap ay bihira lamang kaya naman susulitin nyo na ang pagkakataon. Magiging makabuluhan ang oras na lilipas sa bawat isa sa inyo.

Masuwerteng numero; 31,33,36,39

AHAS (SNAKE)

Malaya kang masasabi ang nais mo sa isang tao. Gayunpaman, kakailanganin mo pa ring piliin ang bawat salita na iyong bibigkasin upang maiwasan ang pagkakamali at maging memorable ang sandali tulad ng gusto mong mangyari.

Masuwerteng numero; 5,6,11,13

KABAYO (HORSE)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na kausapin ang isang kamag-anak na matagal mo ring hindi nakita at nakausap. May ilang bagay kang malalaman sa kanya na dapat ay dati mo pa nalaman. Malilito ka sa mararamdaman.

Masuwerteng numero; 14,25,26,32

TUPA (SHEEP)

Marami kang matatapos na gawain ngayong araw na ito. Hindi mo na kakailanganin ang tulong ng iba dahil hindi mo naman halos mamamalayan na nakakatapos ka ng isang gawain. Kaya sa gabi ay magiging maalwan ang tulog mo.

Masuwerteng numero; 11,12,18,19

UNGGOY (MONKEY)

 Sa kabila ng mga negatibong pangyayari ay mananatili kang positibo. Pipilitin mo na mangibabaw sa’yo ang magandang pananaw kaysa sa kawalan ng pag-asa. Ipagpatuloy mo lang ang ganitong attitude at makukuha mo rin ang gusto mo.

Masuwerteng numero; 6,7,9,10

TANDANG (ROOSTER)

Isang magandang oportunidad ang kakatok ngayon sa pintuan mo. Pero magkakaroon ka ng pagdadalawang isip kung ito ba ay iyong tatanggapin o hindi dahil sa ilang bagay na kailangan mong isaalang-alang.

Masuwerteng numero; 45,47,55,59

ASO (DOG)

Mahihirapan ka na tanggapin ang mga nangyayari ngayon sa’yong buhay dahil ngayon mo pa lang ito nararanasan. Kakailanganin mo ng tao na tutulong sa’yo para maunawaan mo kung bakit ito nangyayari sa’yo.

Masuwerteng numero; 1,11,23,24

BABOY (PIG)

Kahit na hindi maganda ang nangyayari sa paligid ay kabaligtaran nito ang mangyayari sa iyong negosyo. Hindi mo inaasahan ang suwerte na dadapo sa iyong palad sa ngayon. Kaya huwag mo na itong pakawalan.

Masuwerteng numero; 2,3,5,6

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.