26.3 C
Manila
Monday, July 15, 2024

Online Horoscope Disyembre 13, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Huwag kang babagal-bagal dahil sa araw na ito, ang mabilis ay susuwertehin higit kaysa kaninuman. Muli, ‘wag kang babagal-bagal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay: black. Tips sa lotto: 11-19-20-23-38-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil may hatid na suwerte sa iyo ang isang sobrang makuwento na parang gusto ka lang makinig. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay: violet. Tips sa lotto: 9-12-25-30-32-38.

GEMINI (May 21-June 20) – Hawakan mo nang mahigpit ang matatanggap mong pagpapala ngayon dahil ito ay magiging malaking puno ng kasiyahan at ang malalapit sa buhay mo ay maaaring magsilbing kanlungan. Masuwerteng kulay: peach. Tips sa lotto: 18-22-27-35-39-41.

CANCER (June 21-July 22) – Huwag mong hayaang makalampas sa iyo ang magandang kapalaran kung saan magkakaroon ka rin ng masarap na buhay. Lakas lang ng loob ang kailangan mo. Masuwerteng kulay: red. Tips sa lotto: 14-23-24-35-36-39.

LEO (July 23-Aug. 22) – Daig ng maagap ang masipag. Magiging totoo ito sa buhay mo ngayon. Pero saan ka, sa masipag o maagap? Piliin mo ang una para lubos ang tagumpay at kaligayahan mo. Masuwerteng kulay: orange. Tips sa lotto: 20-24-29-30-31-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Kahit kailan, hindi maganda ang mag-alinlangan. Hindi ba’t nangyari na ito sa iyo noon? Hindi ka na dapat mag-alinlangan sa mga oportunidad na nasa iyong harapan ngayon. Masuwerteng kulay: white. Tips sa lotto: 2-11-16-29-32-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Pinagtawanan ng pagong ang unggoy dahil mas napabuti ang kanyang kalagayan. Nakatakdang pagtawanan mo rin ang mga kalaban mo dahil mas susuwertehin ka kaysa sa kanila. Masuwerteng kulay: green. Tips sa lotto: 16-21-29-33-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Nagiging uod muna ang paro-paro bago ito nakakalipad. Huwag kang mag-alala kapag nasa ilalim ka dahil sa huli, aangat ka rin at magkakaroon ng masarap na buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay: yellow. Tips sa lotto: 11-15-17-25-27-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Kahit gaano kakapal ang mga ulap, hindi nito kayang takpan ang sikat ng Haring Araw. Kahit gaano kalakas ang iyong mga kaaway, ikaw pa rin ang magtatagumpay. Hindi na ito mababago dahil ito ang atas ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay: purple. Tips sa lotto: 3-6-14-15-24-26.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil totoong marami ang makakalagpas na magandang bagay sa iyo. Pero totoo rin na magbabalikan ang mga ito nang mas marami, siksik, liglig, at umaapaw. Masuwerteng kulay: pink. Tips sa lotto: 19-21-25-26-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Kikilos ka na parang ikaw ay sobrang masaya. Dahil dito, talagang sasaya ka. Ang mga suwerte ay maglulundag-lundagan sa iyo mula sa mga makakapansin ng kakaibang saya mo. Masuwerteng kulay: beige. Tips sa lotto: 16-20-22-25-30-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Hindi puwedeng nasa loob ka lang ng bahay. Mas maganda na mamasyal ka. Sa ganitong paraan, mananariwa ang iyong kapalaran at ang lahat ay gaganda para sa iyo. Masuwerteng kulay: blue. Tips sa lotto: 1-16-20-36-31-39.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.