31.3 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Horoscope Pag-Ibig Disyembre 13, 2023


ARIES
Parang idinuduyan sa alapaap dahil sa sorpresang ibibigay ng iyong mahal. Isang sorpresa na kahit kailan man ay hindi mo makakalimutan. Masuwerteng Numero: 18-21

TAURUS Wag mong hayaang lumaki ang iyong ulo dahil lang sa palagi kang pinapaburan ng mahal mo. Dapat mo ring isaalang-alang ang mga desisyon mo bago mo ito isagawa, may hangganan din ang kanyang pang-unawa. Masuwerteng Numero: 3-7

GEMINI Labis kang masasaktan sa sasabihin ng iyong mahal. Kapag nagsalita siya sa’yo, para bang hindi ka niya kilala at parang basta ka na lang sasabihan ng masasakit na salita. Kaya napapaisip kung talaga bang mahal ka niya. Masuwerteng Numero: 10-25

CANCER Wag mong ipilit ang iyong sarili sa taong ayaw sa’yo. Mas mabuting turuan mo ang iyong sarili na kalimutan siya at ituon ang iyong gawain at atensyon sa iba. Masuwerteng Numero: 13-40

LEO Anuman ang mangyari, alam mong hindi ka magagawang iwanan ng iyong mahal. Alam mo na handa siyang damayan ka sa anumang sitwasyon na inyong masusuungan. Masuwerteng Numero: 24-28

VIRGO Hindi man natuloy ang inyong balak na bakasyon dahil sa ipinang kahihinatnan, magagawa pa rin ninyong pasayahin ang isa’t isa at iparamdam ang init ng inyong pagmamahalan. Masuwerteng Numero: 31-35

LIBRA Ngayong araw, tiyakin mo na maayos ninyo ang problema sa inyong relasyon at umaasa na babalik sa dati ang tamis ng inyong pagtitinginan. Masuwerteng Numero: 5-7

SCORPIO Alam mo na hindi buo ang tiwala mo sa iyong karelasyon, at mararamdaman niya ito ngayon. Subalit sa kabila ng lahat, tila wala siyang balak patunayan sa iyo na dapat mo siyang pagkatiwalaan ng buong puso. Masuwerteng Numero: 12-17

SAGITTARIUS Masyadong kang maselan sa pagpili ng mamahalin. Nais mo ay perpekto, kaya huwag kang magulat kung sa edad mo, nananatili ka pa ring single. Masuwerteng Numero: 5-2

CAPRICORN Matatawa ka na lang at minsan ay makakaramdam ng hiya sa sarili kapag naaalala mo ang katangahan sa mga nagdaang pag-ibig, ang pasakit, at mga pagsubok na pinagdaanan bago mo tuluyang natagpuan ang taong lubusang nagpapahalaga at magmamahal sa’yo. Masuwerteng Numero: 9-15

AQUARIUS Dahil sa sobrang kaabalahan, tuluyan nang nawala sa iyong isip ang isang napakahalagang okasyon sa buhay ng iyong mahal. Subalit nakakapagtaka kung bakit kahit kaunting sama ng loob ay hindi mo nararamdaman sa kanya. Masuwerteng Numero: 17-21

PISCES Kahit ilang beses mo siyang nasaktan at itinulak, hinding-hindi siya lalayo sa’yo. Masyado kang mahal ng iyong karelasyon, kaya kahit nasasaktan, mananatili pa rin siya sa tabi mo. Masuwerteng Numero: 11-21

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.