Bakit ka naririto sa daigdig? Ano ang purpose ng iyong buhay?
Marahil minsan ay naitanong mo na rin ang katanungang ito sa iyong sarili.
Tayo ay nabubuhay alinsunod sa ating daily routine.
Ngunit, ang pag-alam sa essence o purpose ng buhay ay isang dakilang adhikain. Sa sandaling matuklasan ito, ang iyong buhay ay magkakaroon ng kakaibang kahulugan!
Hindi madali ang pag-alam sa purpose ng buhay. Marami ang namatay na lamang na hindi ito natuklasan. Tunay na kasing hiwaga ng universe ang purpose ng buhay.
Sa tulong ng life path number, magagawa nating i-decode ang ating life purpose. At hindi lang iyon. Mailalabas rin natin ang ating inner potential upang masumpungan natin ang natatangi nating lugar sa mundong ito!
Ang Hiwaga ng Numerology
Lahat tayo ay isang uri ng enerhiya na nagba-vibrate sa magkakaibang frequency, depende sa lakas o hina ng ating energy field.
Sa sandaling tayo ay iluwal sa mundong ito, kasabay ng ating kauna-unahang paghinga, tinanggap na natin ang filter o imprint ng ating kapalaran (energy field). Kung ihahalintulad tayo sa produkto, tayo ay may mga barcode. Ito ang life path number.
Alinsunod sa pilosopiya ng Numerology, lahat ng bagay sa mundong ito—may buhay man o wala, at maging ang lahat ng phenomenon na nagaganap, ay may sinusundang number pattern o sequence. Ang ideyang ito ay pinasimulan ng kauna-unahang spiritualist scientist na si Pythagoras. Ayon sa Father of Numerology, ang buong cosmos o universe ay nakabatay sa symphony of cosmic energy na may sinusundang number sequence o pattern. Katunayan, ang ideyang ito ay higit na pinalakas ng teorya ni Nikola Tesla. Ayon kay Tesla, ang lahat ay may sinusundang numerical patterns—ang buong universe/cosmos ay may numerical patterns; at lahat ng bagay at pangyayari ay may numerical sequence, tulad ng star formation, development ng embryonic cells, at iba pang mind-boggling details na sinasabing bahagi ng “God’s Plan”, o “The Blueprint of God.” Aniya, ang environment ay may fundamental system na nakaugnay sa lahat. Ito ang “The Powers of the Binary System”. Sa maiksing paliwanag, ang buong mundo at universe ay tila isang malaking computer system!
Bukas ay aking ituturo ang paraan ng pagkuha ng iyong life path number sa pamamagitan ng petsa ng iyong kaarawan.