25.3 C
Manila
Tuesday, October 22, 2024

Bakit Angat ang Mga Pinay sa Mata ng mga Expats

Hindi lingid sa ating lahat na marami talagang mga dayuhang lalaki ang nabibighani sa mga Pilipina. Gagawin mang ‘girlfriend’ o ‘legal wife’ ng isang foreigner ang isang babae, siguradong mangunguna ang mga Pinay sa mapipili. Bakit kaya? Ano ang meron sa mga Pinay na maaring wala sa mga babaeng westerners?

Bakit ng ba?

Una ay ang kulay ng mga Pinay. Gustong-gusto ng mga foreigners ang kayumanging kulay ng mga Pilipina. Hindi sya maitim ngunit hindi rin maputla katulad ng mga kulay ng mga babaeng westerners na nkakasanayan ng mga banyagang lalaki sa kanilang mga bansa.

Pangalawa, kilala ang mga Pinay sa pagiging mapagsilbi sa kanilang mga minamahal sa buhay. Dahil sa kadalasan sa mga banyagang lalaking pumupunta sa Pilipinas (bilang bisita o migrante) ay may mga edad na, nangangailangan sila ng babae na bukod sa magmahal sa kanila at makasama sa buhay, ay siguarado silang sila ay pagsisilbihan.

Ikatlong dahilan ay ang pagiging malambing ng mga Pilipina. Bukod sa likas na kahinhinan ng mga Pilipina, sila ay malambing at “sweet.” Kahit sinong lalaki, ma Pinoy man o dayuhan, ay nahuhulog kaagad ang loob sa mga babaeng ganito ang ugali o ang ipinapakita.

Pang-apat ay ang pagiging likas na “feminine” ng mga Pinay. Dahil sa “femininity” ng mga Pilipina, nagigising ang pagiging “chivalrous” ng mga lalaki; mas lalong umiigting ang kanilang “macho image,” mas lalo nilang nararamdaman na sila ang “protector,” sila ang “knight in shining armor” ng kanilang karelasyon. Ito rin ay nagbibigay sa kanila ng damdamin na sila ang lalaki, sila ang “nakapantalon.”

Pang-lima ay ang pagiging likas na matiisin at matatag ng mga Pilipina. Sa pagiging ina man, sa pagiging anak o maging sa pagiging isang asawa, kilala ang mga Pilipina na matiisin at hindi bumibitiw sa kanilang mga obligasyon kahit sa gitna ng matitinding pagsubok, sa maraming problema, sa gitna ng kalungkutan at paghihirap. Maaring sa panglabas na anyo ay mahina o feminine ang isang Pinay, ngunit sa loob-loob nito ay ang isang pusong matiisin, matatag na disposisyon at palaging umaasa na malalampasan niya ang lahat.

Paboritong Lugar na Bisitahin o Pagreretirohan

Sa isang kilalang magasin (Forbes Magazine), ang Pilipinas ay naihanay sa isa sa mga pinaka-paboritong lugar sa buong mundo kung saan gustong magretiro o manirahan ang mga foreigners.

Ang batayan ay nakabase sa mga sumusunod — klema ng bansa, seguridad, ang hospitatility ng mga tao, magagandang tanawin, cost of living, buwis, medical care, at kung gaano kadaling makabalik ang mga tao sa kani-kanilang sariling bansa. Isa din sa mga dahilan kung bakit maraming dayuhan ang nagkagustong manirahan sa Pilipinas ay dahil sa English fluency ng mga Pilipino.

Pruweba na kabigha-bighani ang Pilipinas sa mga turista, noong buwan lang ng Mayo 2017, nagkaroon ang bansa ng mahigit-kumulang na 532,757 na mga bisitang dayuhan.

Sa 2010 Census of Population and Housing report, umabot ng 177,368 (Table-1)ang mga dayuhang naninirahan na sa bansa. Hindi pa kasali dito ang mga myembro ng diplomatic missions at ang mga hindi Pilipinong myembro ng mga international organizations at mga dayuhang  sibilyan na dati ng naninirahan sa Pilipinas.

Ang datos na nakikita ay isa lang sa mga pruweba na ang Pilipinas ay kinikilalang  isang magandang lugar na dapat tirahan ng sino man, turista man o hindi.

Maling Akala

Hindi Maganda ang imahe ng karamihan sa mga Pilipinang may karelasyong westerner o ang mga nag-aasawa ng banyagang lalaki. Karamihan sa kanila ay naakusahang mga “mukhang pera” o “mang-huhuthot.” Totoo, maaring may mga Pilipinang ang habol lang sa mga foreigners ay ang kanilang pera o pensyon, na ginagawa lang nilang “stepping stone” ang mga banyagang ito upang sila’y makaahon sa kahirapan. Subalit mayroon din talagang mga Pilipina na nakapag-asawa ng foreigner dahil sa totoong pag-ibig at pagmamahal. Hindi tama at makatarungan na lalahatin at sabihing ang mga Pilipinang nagkaasawa ng foreigner ay mga manloloko at nang-huhuthot lamang.

Totoo na karamihan sa mga Pilipinang nagkaroon ng karelasyong foreigner ay galing sa mga mahihirap na pamilya. Subalit hindi tama at makatarungan na iisipin kaagad na plano na talaga nilang mangdambong ng foreigner para lang umasenso sa buhay. Nagkataon lang na mahihirap sila at nagkataon lang na may nagkagusto sa kanilang mga foreigners.

Katulad ni Loryjean, isang 20 anyos na dalaga tubong La Libertad, Negros Oriental. Mahirap lang ang pamilya ni Loryjean at hindi sya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagustuhan sya ng isang British national na isang 61 taong gulang. Naging magkasintahan sila ng humigit-kumulang na 4 na taon. Dahil si Loryjean ay nagpapakita ng katapatan, nakapagdesisyon si Peter na pakasalan sya. Sabi pa ni Peter, “of the many Filipinas I’ve met, she is the only one who never asks for money or takes advantage of me” (sa lahat ng Pilipinang nakilala ko, siya lang talaga ang hindi nanghihingi ng pera o nagsamantala sa akin). Isa lang si Loryjean sa libo-libong Pilipina na tapat sa kanilang mga foreigner boyfriends/asawa at patunay na hindi lahat ng mga Pilipina ay mga “gold-diggers.”

Mapagmahal, mapagsilbi, malambing, matapat, matatag, at matiisin. Ito ang mga dahilan kung bakit gustong-gusto ng mga expats ang mga dalagang Pilipina. Sa paningin ng mga dayuhang ito, kung mga katangian ang pag-uusapan, angat na angat ang mga Pinay!!!

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.