32.2 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

ANG EPEKTO NG SOLAR STORM SA ATING ESPIRITUWALIDADAT BUONG PAGKATAO

Atin nang natalakay dito sa Kapangyarihan ang epekto ng Buwan sa ating personal relationships. Kung kayang maapektuhan ng Buwan (moon) ang ating emotional state, kaya namang baguhin o i-transform ng Araw (sun) ang ating buong pagkatao.

Ang “solar storm” ay regular na aktibidad ng Araw; at ito ay may hatid na unlimited opportunities na kung mata-tap lamang ay makatutulong sa iyong total transformation o metamorphosis.

Magandang maipakalat ang impormasyong ito upang marami ang mamulat sa kahalagahan ng solar storm sa total transformation. I-SHARE ang article na ito sa iyong mga kaibigan at mahal sa buhay upang malaman rin nila!

ANO ANG SOLAR STORM?

Lahat ng bagay sa universe ay makakaugnay at magkakasanga. Ito ay maihahalintulad sa isang intricate spider web. Lahat ay pinag-uugnay ng invisible cord na dinadaluyan ng electronic currents. Dito rin nagaganap ang palitan ng frequencies. Ang sistemang ito ng universe ay makikita sa technology, weather, temperature, planetary activity, moon phases, eclipses, altitudes, sunlight energy, at dito nga sa solar o geomagnetic storms.

Nagsisimula ang solar storm sa sandaling magbuga ang Araw ng high-speed solar wind o hot plasma mula sa coronal hole opening nito. Lumilikha ng geomagnetic storm ang solar wind sa sandaling ito ay makarating sa atmosphere ng Earth. Ito ay kadalasang tumagal ng dalawa hanggang tatlong araw. Ang solar storm ay nakikita sa Earth sa anyo ng mga makukulay na light emissions. Ito ang tinatawag na Auroras, na karaniwang nakikita lamang sa North at South poles.

PAANO NAKAKAAPEKTO SA TAO ANG SOLAR STORM?

Ang highly-charged wind plasma mula sa coronal hole ng Araw ay nagtataglay ng mga free-floating electrons. Ito ay nagri-radiate sa Earth at nakapapasok sa Earth’s magnetic field dahil ito ay sumasama sa liwanag ng araw o sunlight. Ang solar wind ay nagdudulot ng power grid fluctuations, navigation systems disruption, high-frequency radio waves disruption, at posible ring makapagdulot ng pinsala sa anumang man-made satellites na nag-o-orbit sa Earth.

Ngunit bukod sa technical disruptions, ang solar wind ay may impact rin sa mga mammals—kabilang rito ang mga tao. Ayon sa ilang pananaliksik, ang geomagnetic storms ay may malaki at derektang epekto sa emotional, mental, spiritual, at physical health ng bawat tao. Pinapaigting rin nito ang anxiety, depression, fatigue, nervousness, at bipolar disorder.

Narito pa ang ilang bagay na iyong mararanasan sa kasagsagan ng solar storm. Maging handa ka.

1. Pressure headaches, pananakit ng mga kasukasuan o joints, partikular sa stomach area kung nasaan ang solar plexus chakra.

2. Pagkahilo.

3. Kawalan ng focus, confusion, pagiging makakalimutin.

4. Labis na pagkagutom at pagka-uhaw.

5. Labis na pagkahapo, pagkapagod, kawalan ng lakas o enerhiya, hindi pagkatulog o insomnia, pagkagising ng wala sa oras o disturbed sleep patterns, at pagkakaroon ng mga intense dreams o nightmares.

6. Pagiging irritable, magagalitin, labis na pag-aalala, stress, anxiety, panic, at matinding kalungkutan.

7. Pagkakaroon ng malakas na intuition.

8. Ear ringing, flu-like symptoms.

9. Pagkapansin ng mga synchronicities tulad ng number patterns, at palagiang déjà vu encounters.

10. Kagustuhang mapag-isa.

Napatunayan na sa ilang scientific experiment na nagagawang ma-sense ng mga hayop ang pagbabagong nagaganap sa magnetic field ng mundo. Ang tao at Earth ay kapuwa nagtataglay ng magnetic field. Sa tao, ito ay mas kilala sa tawag na aura. Anumang pagbabago sa magnetic field ng mundo ay tiyak na may epekto sa electromagnetic field ng isang tao.

PAANO NAKATUTULONG ANG SOLAR STORM SA ATING TOTAL TRANSFORMATION?

Itinuturo sa Science na ang human body at lahat ng internal organs ay binubuo ng milyong cells o selyula. Ang solar storm ay nag-i-emit ng napakalas ng enerhiya na kayang mag-reactivate at mag-rejuvinate ng lahat ng cells sa iyong katawan.

Samakatuwid, kayang baguhin ng solar storm ang composition ng cells sa iyong katawan. Categorically speaking, ang solar storm ay nagdudulot ng total transformation sa iyong pagkatao, kung paano binabago ng cocoon ang isang moth hanggang sa ito ay maging isang ganap na paruparo. Ito ang tinatawag na metamorphosis.

Kung ang iyong electromagnetic field (aura) ay mahina, low emotional frequency lamang din ang masasaganap ng iyong subconscious. Pinapahina ng mga negative thoughts at emotion tulad ng lungkot, galit, pagkamuhi, panlulumo, selos, inggit, at hangups ang electromagnetic field. Lahat ng iyong emosyon ay naka-record o naka-embed sa iyong cellular memories.

Ngunit, kung sasalubungin mo ang solar storm nang may positibong disposisyon, asahan mong itataas nito ang iyong vibration. I-attract nito ang positive energy ng universe. Mapapasaiyo ang kagalingan at pag-asa sa buhay.

ANG KAHALAGAHAN NG ARAW (SUN) SA ATING SPIRITUAL LIFE

Itinuturing ang Araw bilang pinakamakapangyarihang cosmic body na may kaugnayan sa ating spiritual life. May kakayahan ang araw na baguhin ang pananaw mo sa buhay at pagtingin sa realidad.

Ang araw ay nasa sentro ng ating solar system at nagtataglay ng napakalakas na gravitational force na siyang dahilan kung bakit nananatili sa kanilang orbit ang eight known real planets (Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus, Neptune), pati na rin ang iba pang celestial bodies tulad ng asteroids, comets, moons, at iba pa. Ang Araw ang siyang pangunahing dahilan kung bakit umiiral ang buhay sa Earth. Ang sunlight ay nagbibigay ng energetic charge sa lahat ng living at nonliving entities sa Earth.

ILANG TIPS UPANG MABAWASAN ANG INTENSE EFFECT NG SOLAR STORM

Ang geomagnetic (solar) storm ay nagsisilbing intense transformational period. Ito ang simula ng awakening o muling pagkonekta sa universe.

Upang matiyak na magiging maayos ang pagdaloy ng high energy at mapataas nito ang iyong vibration, gawin lamang ang mga sumusunod:

1. Uminom ng maraming filtered water.
2. Maligo ng tubig na may asin.
3. Mag-meditate.
4. Iwasan muna ang caffeine at alcohol.
5. Huminga ng malalim.
6. I-let go ang anumang negative thoughts and emotion.
7. Iwasan muna ang paggamit ng anumang uri ng technology o gadget.
8. I-reconnect ang sarili sa nature.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.