29.8 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

IBA’T IBANG KAHULUGAN NG PANAGINIP

Nang isang araw tinalakay natin kung paano mag-interpret ng panaginip ang psychologist na si Sigmund Freud, at tulad ng pangako ko sa ating mga tagasubabay, lagi lang kayong magbasa ng kolum na ito, tiyak na matututo kayo kung paano mag-interpret ng sarili ninyong panaginip.

At siyempre pa, sa sandaling matuto kayong mag-interpret ng sarili ninyong panaginip, magiging gabay ito, upang mawala ang conflict sa inyong inner self at kapag walang alalahanin at mga pangambang laman ang isipan, tunay ngang ang payapang isipan na ito, inner peace, ang siya ring hihigop ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.

Ang bawat Panaginip ay sadyang Binalot ng mga Simbolismo

Muli, i-recap muna natin ang nakaraang pagtalakay hinggil kay Sigmund Freud, kung saan, siya ang nagsabing “Dreams are the royal road to the unconscious.”

Sa simpleng paliwanag, kung matutuklasan mo lamang kung ano ang ipinahihiwatig ng iyong panaginip, mauunawaan mo rin kung ano ang laman ng mga saloobin mo na nakaimbak sa iyong unconscious self.

Tandaan mong mabuti, ang unang rule kung paano mag-interpret ng panaginip si Freud. Ganito ang unang rule: “Ang bawat panaginip ay sadyang binalot ng mga simbolismo.”

Bakit naman binalot ng mga simbolismo ang mga bagay na nakikita natin sa panaginip?

Ang saktong sagot ay ganito: “Sadyang binalot ng simbolismo ang mga bagay na nakikita natin sa ating mga panaginip upang hindi mapansin ni “conscious self” na ibubulgar ito ni “unconscious self” habang ang isang tao ay mahimbing na natutulog.

Kapag kasi nahalata ni “conscious self” na ibubulgar o ibubunyag ni “unconscious self” ang mga nakahihiyang pangyayari o mga “taboo” na naglalaro sa isip ni “conscious self” hindi ito papayagan ni “conscious self” dahil nakakahiya nga kasi at dahil ito ay hindi katanggap-tanggap

ng awarenes o may malay na sarili.

Sex ang Kadalasang Napapanaginipan ng mga Tao

Ganito ang mas ispesipik na paliwanag upang mas madali mong maintindihan.

Natuklasan ni Freud na ang kadalasang napapanaginipan ng isang tao ay ang mga bagay na may kaugnayan sa sex o kalibugan. Para kay Freud, likas kasing malibog ang mga tao.

At kung si Freud ang tatanungin, puro kalibugan talaga ang laman ng mga panaginip. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kadalasang hindi naibubulalas o hindi naihahayag ng isang tao sa “walking life” niya o sa lipunan kanyang ginagalawan na laging nabubuhay kunwari sa moralidad at kabutihang asal.

Oo naman, hindi basta-basta naibubulalas ng isang tao ang mga bagay na tungkol sa sex at mga kalibugan dahil bukod sa nakakahiya, ito ay “taboo” – bawal o bastos ibunyag o pag-usapan batay sa nakamihasnang moral value, lalo na dito sa ating bansang Pilipinas.

Mapapaisip ka pa nga sa ating bansa bawal sabihin ang puke, pero sa America o English language, masaya at malaya nilang ginagamit ang salitang vagina. E bakit ganon? Yon ang hindi ko alam ang sagot. At yan ang unang assignment mo ngayon ikaw na nagbabasa ng artikulong ito, na dapat mong ipaliwanag bukas, dahil may exam tayo. He-he-he (with smiley:))

Hulagpos ng Panaginip

Samantala, ‘yon nga! Ayon kay Freud, subalit, dahil ang sex o ang mga bagay na may kaugnayan sa libog ay isang uri ng energy, na tinatawag na “libido” kahit na pilit mo pa itong itago o ikubli, ito ay magwawala at sa kanyang pagwawala o paghahanap ng expression, ang libidong ito ay huhulagpos habang ikaw ay natutulog at ito ay isa sa magiging laman ng iyong panaginip.

Bagamat tungkol sa sex ang ang kadalasang napapanaginipan ang malungkot, hindi ito alam ng nananaginip na may kaugnayan pala sa “repressed sexual drives” ang kanyang panaginip.

Nangyaring ganon, dahil sa sandaling nanaginip ang isang tao tulad ng naipaliwanag na, ikukubli itong pilit ni unconscious self sa pamamagitan nga ng simbolismo.

Ito ang dahilan kung bakit paggising mo sa umaga, alam mong nanaginip ka kagabi, pero hindi mo alam ang kahulugan ng inyong panaginip?

Oo, alam mong nanaginip ka kagabi, pero hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin nito?

Ganon talaga ‘yon, dahil tulad ng nasabi na, “sadyang nakatago ang iyong mga panaginip sa kanyang simbolikal na representasyon.”

At ang mga simbolikal na representasyong ito ng mga bagay na napapanaginipan mo ang ituturo ko sa iyo kung paano i-interpret. Basta araw-araw ka lang magbabasa, wag bibitaw at laging sumubaybay sa mga artikulong ito ni Maestro Honorio Ong.

Ang Panaginip na Baby o Sanggol

Bilang patikim, halimbawa nanaginip ka ng “baby o sanggol”, ang unang ibig sabihin nito, kung ikaw ay isang dalaga o isang ina ng tahanan, “nangangahulugan ito na, unconscious wish mo na gusto mo ng mabuntis at magkaanak!”

Pangalawa, kung ikaw naman ay may mga anak na o hindi ka na dalaga, kapag nanaginip ka ng baby, ito ay nagpapahiwatig na gusto ni unconscious self mo na “beybehin mo siya”. Oo malamang na naghahanap si unconscious self ng isang tao o isang nilalang na “tatrato sa kanya bilang sanggol”. Kumbaga, naghahanap siya ng boyfriend o girlfriend na mag-aalaga, magki-care at mag-aaruga sa kanya, dahil sa kasalukuyan ay nararamdaman ni unconscious self na “unloved” o kulang siya sa pagmamahal.

Bilang pangatlong kahulugan, ang baby o sanggol ay nagpapahiwatig din ng “bagong simula o new beginning.” Kaya kung may balak kang buksang negosyo o bagong proyektong nais mong simulan at nakapanaginip ka ng baby o sanggol, ito ay malinaw na pahiwatig ng iyong unconscious self, na ang sisimulan mong bagong proyekto o business kung itutuloy mo na ngayon ay siguradong magtatagumpay, magiging mabunga at magiging maunlad – katulad ng isang mataba, malusog at bagong silang na sanggol.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.