29.5 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

Mahahalagang Tanong Para Kilalanin Ang Suitor

May mga babae na nahihirapang sagutin ang kanilang manliligaw dahil hindi pa nila ito gaanong kilala o meron silang pangamba na baka ganoon ito o baka ganyan. Nandoon yung takot at pagdududa kahit pa gustong gusto niya ito. Pero kung nais mo talagang makilala ang iyong suitor na balak mong sagutin, pwede ka namang magtanong ng ilang mahahalagang bagay sa kanya para magkaroon ka ng ideya kung paano siyang magiging boyfriend sa’yo.

1.God fearing ba siya?

Isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon minsan ng conflict ang isang relasyon ay dahil sa pagkakaiba ng kanilang relihiyon. Dapat sa una pa lang ay nililinaw mo na ang bagay na ito sa iyong future boyfriend. Kung magkaiba man ang iyong relasyon ay dapat mo nang masiguro na wala kayong magiging problema rito. Kung may dapat bang magpalit ng relihiyon o kung paano ang gagawin ninyong solusyon para hindi ito makaapekto sa inyong magiging relasyon. Once na maging boyfriend mo kasi siya ay nandoon na rin yung possibility na siya ang makasama mo for life kaya mahalagang sa umpisa pa lang ay magkasundo na kayo sa inyong relihiyon.

2.Anong klaseng relasyon ang gusto niya?

Marami siyang mapagpipiliang sagot. Pwedeng serious relationship, for fun relationship, long lasting or friends with benefit. Pwede rin naman siyang magsinungaling sa’yo pero sa paraan niya kung paano ito ipaliliwanag sa’yo ay malalaman mo kung ano ba talaga ang totoong sagot niya.

3.Nakamove on na ba siya sa kanyang past relationship?

Walang babae ang gugustuhin na maging rebound lang siya ng lalaki. Kaya mahalagang malaman mo na ang iyong suitor ay nakamove on na totally sa kanyang past dahil kung hindi pa at alanganin pa ang kanyang sagot, malamang sa oras na magkabalikan sila ay maeetsapwera ka. Kung naka move on na siya, siguraduhin mo na hindi ka niya ikukumpara sa kanyang ex girlfriend at wala itong magiging kaugnayan sa inyong future relationship kung sakali.

4.Paano niya pinakikitunguhan at inaalagaan ang kanyang mga magulang?

Mahalaga na masagot niya ang tanong na ito, dahil kung wala siyang pakialam sa kanyang mga magulang, malamang na hindi rin siya maging mabuti sa iyong mga magulang at kung sakali na siya ang iyong mapapangasawa ay hindi ka makatitiyak kung magiging mabuti rin siyang ama at asawa sa’yo gayong hindi siya naging mabuting anak.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.