30.5 C
Manila
Friday, May 24, 2024

Tula: Ano ang Kasalukuyang Daang Tinatahak Mo?

Ikaw na nagbabasa nito, may mga mahahalagang katanungan ako sa’yo
Sa haba ng panahon na nabubuhay ka sa mundo
Ano na nga ba ang naabot mo?
Ano na nga ba ang maipagmamalaki mo?
Ano na nga ba ang susunod na hakbang mo patungo sa mga bagay na inaasam mo?
Patuloy mo bang tatahakin ang daan kung nasaan ka ngayon?
O pipiliin mong lumihis upang sumabay sa agos ng panahon?

Sa paglipas ng taon, nag-iiba ang ihip ng hangin
Sa bawat isyung nabubuo, maraming tao ang napapatingin
Sapagkat ang henerasyon sa kasalukuyan ay ibang-iba kung wawariin
Merong nabuntis nang maaga
Nalulong sa ipinagbabawal na droga
Naadik sa paggamit ng teknolohiya
At huminto sa pag-aaral dulot ng kahirapan.
Meron din namang nagsusumikap at gumagapang
Maipagpatuloy lamang ang magandang nasimulan
Makapagtapos ng pag-aaral, masuklian lamang ang isinakripisyo ng mga magulang
At higit sa lahat, makapagtayo ng matibay na pundasyon na kapaki-pakinabang.

Ikaw na nagbabasa nito, ano ang kasulukuyang daang tinatahak mo?
Kaisa ka ba sa mga taong pumipigil sa progreso ng mundo?
O isa ka sa mga positibong makakatulong sa muling pagbangon ng nasyong ito?

Tandaan na ang buhay ay parang isang bahaghari
Punong-puno ng kulay at punong-puno ng pag-asa
May pula, berde, asul, at iba pa
Sabi nga nila, parang ice cream, iba’t iba ang flavor, iba’t iba ang lasa
Pero ang buhay ay para ring isang barya
Dalawa ang mukha, lungkot at saya
Sa likod ng saya ay may lungkot,
Na ang bagyo at delubyo, ay bahaghari ang dulot. Magpapaapekto ka ba sa pag-ikot ng mundo?

O sasalungat ka sa direksyon nito?

Previous article
Next article

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.