Ni Flora Simon Rivera
Kung ihahalintulad sa isang tao, ang mga processed foods ay ‘yung mga uri ng mga pagkain na maganda sa panlabas na anyo pero may itinatagong sikreto. In short, ang mga junk foods ay ‘mapagpanggap’. Dahil sa magagandang packaging at sa mga nababasa natin sa label na kung minsan ay naka-specify pa kung ano ang mga health benefits nito, ay mae-engganyo ang mga mamimili at iisipin na nutritious at healthy foods ang binibili nila.
Ang karne, gulay, isda at prutas, kapag kinain sa orihinal nitong estado, ay mayaman sa protina, carbohydrates, healthy fats, mga bitamina, mineral at anti-oxidants na mahalaga para mapanatinili ang ating kaluisugan. Maaari itong ilaga, iihaw, pausukan at iisalang sa oven. Subalit…kapag ang kalikasan ng mga ito nagkaroon na ng modipikasyon mula sa orihinal nitong estado, ang nutrina at sustansiya na taglay nito ay nababawasan at nasisira sanhi ng mga chemical at preservatives na iinihahalo sa mga ito.
Pero ano ba ang processed foods at bakit itinuturing ito na junk foods? Sa malalim na pagsusuri, ang karne, isda, gulay at mga prutas, ay nagkakaroon ng pagbabago mula sa kanilang orihinal na porma upang mapalitan ng isang produkto na hindi madaling mabulok o masira at magtatagal ang expiration date. .
Ang bagong produkto ay dumadaan sa sa proseso hanggang sa mabago na ito mula sa orihinal na kalagayan.Ang bagong produkto ay karaniwang inilalagay sa lata o bote (sardinas, canned and preserved vegetables and fruits, canned meat) o sealed and vacuum na lalagyang plastic (cold cuts like ham, bacon at iba pa).
Nakaka-attract ng mamili ang packaging ng mga processed foods na ito. Makulay na etiketa at larawan ang makikina natin kapag ito ay ating hinawakan. Subalit anumang ganda ang anyo ng mga pagkaing ito, isang malinaw na katotohanan ang hindi natin maaaring bale-walain.
Na ang masarap sa panlasa na mga pagkain na ito ay nilalagyan ng preservatives para pahabain ang buhay ng produkto), additives or flavor enhancer na kagaya ng monosodium glutamate (MSG) at potassium bromate para pasarapin ang lasa ng mga pagkain, artificial colors para maging maakit-akit sa mga mata ng mamimili, aftificial sweeteners na katulad ng high fructuose syrup, aspartame at caramelized sugar, by-products na kagaya ng trans-fats at extracts, na ginagamit rin for food enhancement.
Bagama’t isang malawak na platform ang social media para magbigay babala sa masamang epekto ng mga kemikal sa katawan ng tao, patuloy pa ring popular sa mga mamimili ang junk foods. Bahagi ito ng pang-araw-araw na pagkain ng halos karamihan. Ang katwiran ng iba, mabuti ng mamatay sa sarap.
Bilang konklusyon sa apat na artikulong naisulat hinggil sa posibilidad na pagkakaroon ng mga sakit bunga ng pagkain ng hindi tama, ang pagiging responsable para maging malusog at hindi maging alipin ng mga sakit sa mga huling taon ng ating buhay ay nakasalalay sa ating mga choices. Kung hindi talaga maiwasan at hinahanap-hanap ng dila ang lasa ng mga junk foods,
magkaroon ng self-discipline na ito ay hindi palaging ipinapasok sa katawan. Tandaan, lahat ng sobra ay nakakasama.
Too much consumption of junkfoods loaded with additives and preservatives will surely lead you to sickness. Maging maingat tayo.
FOR HEALTH IS WEALTH.