34.1 C
Manila
Thursday, May 9, 2024

My Best Friend Adrian: Chapter 8

Ang Kasal

“I pronounce you man and wife.”

Nakahinga na rin nang maluwag si Rain nang sabihin ng paring nagkakasal sa kanila ang mga katagang iyon. Kahit naman kasi sinunod nila ni Adrian ang pamahiin ng kanilang mga magulang, hindi pa rin nawawala sa puso niya ang pangamba na magbago ang isip ni Adrian o kaya naman ay may sumigaw ng ‘Itigil ang kasal’.

Nang iangat ni Adrian ang belo niya ay pinigil niya ang mapaluha. Nangangamba siyang baka malasin ang kanilang pagsasama. Sa kaisipang iyon ay naipilig niya ang kanyang ulo. Para kasing nahawa siya sa pamahiin ng kanyang mga magulang ngunit parang ibig niyang matawa nang mapansin din niyang maluha-luha si Adrian.

“I miss you so much,” wika ni Adrian bago siya ginawaran ng mabilis ngunit napakainit na halik sa labi.

Kahit may kasiyahan siyang naramdaman sa sinabi nito, may kurot pa rin siyang naramdaman sa kanyang puso dahil hindi I love you ang ibinulalas nito.

Ikaw nga sa isip ka lang nagsabi ng I love you! Sumbat din niya sa sarili.

Malalim na buntunghininga na lang ang pinawalan niya para maitaboy ang bigat na kanyang nararamdaman. Hindi kasi iyon ang dapat niyang maramdaman sa okasyong ito.

“Naiinip ka na?” nakangiting bulong sa kanya ni Adrian saka siya nito hinalikan sa noo.

Pilyung-pilyo ang ngiti nito kaya naman gets na gets niya ang ibig nitong sabihin. Nakurot niya tuloy ito sa braso.

“Humanda ka mamaya,” bulong nito sa kanya.

Ginantihan tuloy niya ito ng pilyang ngiti ng tingnan niya. “Promise? Dadalhin mo ako sa heaven?” Malambing na malambing niyang tanong dito.

“Shit!”

Kumunot ang noo niya. “Why?”

Bumulong ito sa kanya “Nag-yeheey ang sundalo ko, alam na alam na parating na ang amo niya.”

Hindi niya tuloy napigilan ang mapahagikgik.

“THIS is it!”

“Bad news,” ani Rain na pinipigilan ang pagsilay ng pilyang ngiti sa halip na ipakita niya kay Adrian ang ekspresyon na sobrang lungkot. Alam niya kasing kanina pa itong nananabik sa kanya.

“Bakit? Anong problema?” Nag-aalalang tanonv nito sa kanya.

“Red flag is up,” mahinang sabi niya pero tiyak niyang naiparating niya iyon sa pandinig nito.

“Ha?!!”

Iniwas niya ang tingin dito dahil nakaramdam siya ng sobrang awa sa ekspresyon nito. Sobrang disappointed. Daig pa nito ang batang pinangakuan na bibilhan ng paboritong laruan tapos hindi natupad. Halos paliparin na kasi nito kanina ang sasakyan papunta sa biniling bahay nito sa Alabang ngunit dahil may ilang parte ng lugar na dinaanan nila na sobrang traffic ay sobra itong nagngingitngit. Gayunman, tuwang-tuwa rin ito dahil panay ang halik nito sa kanyang labi tuwing humihinto ang sasakyan. Tinted naman ang sasakyan kaya di sila nag-aalalang may makakakita sa kanila.

“I’m sorry,” aniyang gusto ng maiyak. Sa sobrang excitement nga nito kanina ay dali-dali itong naligo dahil pinauna na niya ito.

Nakanguso na ito pero hindi na masama ang mukha. Ibinuka na lang nito ang bisig dahil gustong mayakap siya kaya naman niyakap niya ito ng sobrang higpit. Napangiti naman siya dahil sa kaiga-igayang pakiramdam na palagi niyang nadarama kapag nakakulong siya sa bisig nito.

“It’s okay. Ang importante lang naman sa atin ay magkasama na tayo. Na kahit na mayroon ka sa first night natin, hindi pa rin mababago ang katotohanan na kasal na tayo. Ilang araw ba ‘yan?” Marahang tanong nito. Wari’y ingat na ingat itong mapunta iyon sa tonong naaasar.

“5 days”

“Ang tagal naman,” nagmamaktol na sabi nito.

“Sorry talaga.”

“Pwede naman tayo magkwentuhan magdamag,” wika nito saka humugot ng pagkalalim-lalim na buntunghininga.

Tinitigan niya ang malungkot nitong mga mata at pagkaraan ay hinalikan niya ito sa labi. Hawak niya ang magkabilang pisngi nito. Ang negatibong emosyon na nasa mukha nito ay gusto niyang mapalis kaya naman hinalikan niya ang labi nito. Ibig niyang ipadama dito ang kanyang pananabik na tikman iyon

“Rain,” wika nito matapos tugunin ang halik niya ng buong alab pero huminto pagkaraan dahil sa pag-aalala sa kanya. Kaya naman, hindi maipagkakaila ang ang paghihirap sa boses nito.

“Naka-yehey pa rin ba?”

“Oh my…” bulalas ni Adrian ng bigla niyang ipasok ang kamay sa tuwalya nito. Alam niyang ready na ito kaya’t tiyak niyang wala na itong panloob at hindi nga siya nagkamali.

“Uyyy, ready na siyang talaga”

“Pero, hindi ka pwede.”

“Kaya nga ako nag-sorry, hindi ba? Kasi, joke lang ang sinabi ko.”

“You mean…?””Pwdeng-pwede tayo ngayon.”

Sa sinabi niyang iyon ay biglang nagningning ang mga mata nito. Ang lakas tuloy ng pagtili niya ng bigla siya nitong ihiga.

“Ikaw talaga.”

Napahagikgik siya. “Kiss me, my hubby…” nang-eengganyo niyang sabi

“Humanda ka talaga wifey, papagurin kita ng husto,” wika nito bago buong alab na inangkin ang kanyang labi.

NAPAHAGIKGIK si Rain habang pinagmamasdan ang guwapong mukha ng kanyang asawa. Ang sabi kasi nito kanina ay papagurin siya ng husto pero parang ito ang pagod na pagod. Kunsabagay, paano naman ito hindi mapaagod ng husto eh kung anu-ano ang exhibition at style na ginawa nito para raw ma-enjoy nila ang lovemaking.

First time niyang makipag-sex pero umabot sila ng 3 rounds bago tuluyang napagod at nakatulog. Well, nakaidlip naman siya pero nagising siya dahil sa ginaw kaya sumiksik siya ng husto kay Adrian para mainitan. Gusto man niyang hinaan ang aircon, hindi niya magawa dahil ang higpit ng yakap nito sa kanya. Talagang ayaw niyang pawalan. Well. wala naman siyang planong kumawala.

Mahal na mahal niya ito.

At sa palagay niya’y mas lalo niya niya itong minamahal sa bawat segundo na kapiling niya ito. Hindi lang niya maiwasang itanong sa kanyang sarili kung pareho lang ba sila ng nararamdaman. Gusto niyang isipin na ‘oo’, dama niya sa yakap at halik nito pati na sa pag-angkin nito sa kanya. Punung-puno iyon ng pag-iingat kaya ramdam niya ang pagmamahal nito.

Iyon nga lang, ibig din naman niyang marinig ang kumpirmasyon sa bibig nito. Sa halip kasing I love you ang sinabi nito, I need you ang sinasabi nito.

Ano iyon, kailangan lang nito ang katawan niya? Oh, parang gusto niyang magalit pero hindi niya magawa dahil hindi naman pag-ibig ang dahilan kaya sila nagpakasal. Nag- I do lang sila dahil pareho lang silang sumasang-ayon na walang ibang makapagtitiyaga sa ugali nila kundi silang dalawa lang.

Pwes, gagawin ko ang lahat para tuluyan siyang ma-in love sa akin! Mariin niyang sabi sa sarili.

“Hindi ka pa ba pagod?” nanunudyong tanong sa kanya ni Adrian.

“Giniginaw kasi ako.”

Hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya. “Gusto mo bang hinaan ko ang aircon?”

“Tama na ang yakap mo.”

“Sleep na.”

“Okay”

“Magpahinga ka ng husto dahil buong araw tayong magkukulong sa loob ng silid na ito bukas,” natatawang sabi nito.

Napahagikgik siya pero hindi niya napigilang tudyuhin ito. “Lupaypay na nga ang sundalo mo sa pagod.”

“GOOD Morning, Sleeping Beauty.”

Kahit na sanay na siyang magisnan si Adrian na nakatunghay sa kanya, mas nakaramdam siya ng kaligayahan ngayon. Ito kasi ang simula na araw-araw na niya itong makikita kapag magigising siya at kapag matutulog sila ay ito ang huli niyang makikita. Kaya ng tinugon din niya ang pag-good morning nito ay ang lapad-lapad ng kanyang ngiti. Mistulan kasing tagprice na tumatatak sa kanyang isipan ang na mister na niya ito.

Siya na ngayon si Rain Martinez-Fuentabella.

“Breakfast is ready,” wika nito ng ilagay ang tray sa kama. Pandalawahan ang pagkaing naroroon kaya’y tiyak niyang para sa kanilang dalawa iyon.

“Ikaw ang nagluto?” duda niyang tanong.

“May kasambahay tayo. Alam mo namang disaster akong magluto.”

Napangisi siya sa sinabi nito. Alam na alam niya siyempre iyon dahil dati kapag may babae itong gustong bolahin, siya pa ang sinasabihan nitong magluto ng pagkaing nagugustuhan ng tinatarget nitong babae.

“Ba’t napapangiti ka riyan?” nagtatakang tanong nito. Nagsalubong ang kilay nito kaya mas naging guwapo ito sa kanyang paningin.

“May mga naalala lang ako..”

“Anong naalala mo?” Salubong pa rin ang kilay na tanong nito.

Napanguso siya ng sumagot. “Iyong pang-aabala mo kapag may babae kang gusto at ako ang nire-request mong magluto.”

Bigla itong humalakhak. “At least ngayon, hindi ka na magluluto para sa ibang babae.”

“Para sa’yo na.”

“Ipagluluto mo ako?” Sabik nitong tanong.

“Syempre naman.” Mariin niyang sabi. Iyon naman kasi ang pangarap niya, ang mapagsilbihan niya ang kanyang magiging asawa. Ngunit, kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niyang si Karl kapag pumapasok sa isip niya ang tungkol sa mister na kanyang pagsisilbihan.

“Baka mapagod ka pa.”

“Alam mo ba ang sabi nila?”

“Ano?”

“The way to a man’s heart is through his stomach. Kung ang kasambahay natin ang laging magluluto sa’yo baka sa kanya ka ma-in love. Gusto mo ba iyon?” nananakot pa niyang tanong dito.

“No way.”

“Kain na tayo.”

“Parang ayaw ko na kumain.”

Napahagikgik siya. “Natakot kang magayuma?”

Pilyo naman ang ngiti nito “Para kasing mas masarap kang kainin.”

Ngumiti rin siya ng ubod pilya. “Kailangan mo ring kumain para maibalik ang naubos mong lakas.”

“Magkakape na lang ako.”

“Sayang naman,’ wika niya saka bumuntunghininga.

“Ang alin?”

“May ipapatikim sana ako sa’yo mamaya,” aniyang pinakadiinan ang katagang mamaya.

“Ano iyon?” excited nitong tanong.

Sa halip na sagutin ito agad ay tinusok niya ng kanyang tinidor ang isa jumbo hotdog ngunit hindi niya agad kinagat iyon Dinila-dilaan muna niya ang dulo noon pagkunwa’y sinipsip at saka niya tiningnan ang asawa na napapalunok. Hanggang sa isubo niya ang malaking bahagi ng hotdog at kinagat.

Pigil na pigil ang kanyang paghagikgik nang sagutin niya ito. “Huwag mo na tanungin, ayaw mo naman kumain.”

“Sinong may sabi sa’yo? Gutom na rin ako. Saka, kailangan ko talaga ng lakas para tumagal.” Tapos ay bigla itong humalakhak at hindi naman niya napigilan ang mapahagikgik.

DAHIL sa wala silang ginawa ni Adrian kundi ang magkulong sa kuwarto nitong nakalipas na tatlong araw ay hindi pa niya nagagawang libutin ni Rain ang sarili nilang bahay kaya nagulat pa siya nang makita niyang may indoor swimming pool pala sila at nang libutin niya ang kabuuan ng kanilang bahay at garahe tantiya niya’y nasa 500 square meters ang sukat noon.

Hindi niya tuloy maiwasan ang mapahagikgik sa kaalamang nagagawa niyang mabalewala maski ang magagandang bagay kapag kasama niya si Adrian. Paano ba naman kasi, ang presensiya pa lang ni Adrian ay sapat na para magkulay rosas ang kanyang paligid.”Wifey!”

She rolled her eyes. Hindi kasi maipagkakaila sa boses ni Adrian ang panic. “I’m here!” sigaw niya Nagbilang lang siya ng one to three at nakita na niya ang paglitaw ni Adrian. Tapos dali-dali itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng buong higpit.

Kahit nagtataka siya sa ginawi nito’y ginantihan din niya ito ng mahigpit na yakap. Talaga kasing ang sarap sarap makulong sa bisig nito.

“Naghiwalay ba tayo ng ilang taon?” natatawa niyang tanong dito.

“Hindi na kasi ako sanay na hindi ka na magisnan.”

“Ang lakas pa kasi ng hilik mo nang bumaba ako,” tudyo niya ito.

He laughed. “Alam mo naman ang dahilan.”

“Pinagod kita,” sabi niya sabay hagikgik. “Kaya, kailangan mong kumain ng marami, okay?”

“Ikaw ang nagluto?” excited nitong tanong nang tapunan ng tingin ang mga pagkaing nakahain sa may garden set. Lahat ng paborito ni Adrian ay kanyang niluto — kare-kare, dinuguan at fried chicken.

“Siyempre,” nagmamalaki niyang sabi. “Tulad nga ng pangako ko sa’yo para ma-in love ka ng todo sa akin.”

“Kahit hindi mo ako ipagluto, in love na in love na ako sa’yo.”

Ang lapad lapad ng ngiti niya sa sinabi nito. Para sa kanya ay walang dahilan para hindi niya ito paniwalaan. Buong-buo ang tiwala niya rito kaya kailanman ay hindi siya nagduda sa mga salita nito. “Hayaan mo next time hindi na kita ipagluluto,” seryosong sabi niya kahit pigil na pigil ang kanyang pagtawa. Kitang-kita niya kasi kung paano ito natigilan.

“May aaminin ako sa’yo,” sabi nito pagkaraan ng ilang sandali.

Natigilan tuloy siya ng paglalagay ng kare-kare sa plato nito. Alright, may tiwala siya rito pero hindi naman ibig sabihin nu’n ay hindi na ito magkakamali. Tao rin naman ito. Basta ang mahalaga sa kanya ay aaminin nito ang pagkakamali at siya naman ay handang magpatawad.

“Kung makahawak ka naman ng tinidor ay parang gusto mong itusok sa guwapo kong mukha,” tudyo nito sa kanya.

“Oh,” bulalas niya. Hindi niya kasi namalayan na napahawak na siya ng mahigpit sa kanyang tinidor. Pakiwari niya kasi ay doon lang niya maibubuhos ang sakit kapag sinabi nitong pinagtaksilan siya.

“Iniisip mo bang may babae ako?” ngiting-ngiting tanong nito.

Pinanliitan niya ito ng mata. Talagang kilalang-kilala nito ang bawat ekspresyon niya kaya inirapan niya ito. “Ano ba kasi iyon?”

“Hindi ba madalas akong magpagawa sa’yo dati ng food?”

“Para sa nililigawan mo?” sarkastiko niyang tanong.

“Well, hindi talaga para sa kanila iyon.”

Kinabahan siya sa tinutumbok ng mga salita nito. Napalunok tuloy siya.

“Para sa akin iyon.”

“Talaga?”

“Yes”

“Ikaw ang kumain ng kaldereta?” Nakangiwing tanong niya.

“Sinasabi ko na nga ba, eh.”

“Ha?”

“Nasa meeting ako nu’n tapos biglang sumakit ang tiyan ko.”

“Ikaw naman kasi panay ang sabi mo noon na napakaganda at napakaseksi ng chikababes mo na iyon kaya hayun, sa inis ko nilagyan ko ng konting.” aniyang sinenyas pa ang sinabi. “Pampurga.”

“Limang oras kaya akong pabalik-balik sa cr.”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” humahagikgik niyang sabi. Para kasing nai-imagine niya ang hitsura nito.

“Di nabuking mo akong kinakain ang niluluto mo.” Natatawang sabi ni Adrian.

“Kain na tayo.”

“Wala bang pampurga ito?” kunwa’y dudang tanong nito.

“Wala, ah.” Mariin niyang sabi pero hinayaan muna niya itong sumubo bago niya dinugtungan ang sinabi ng buong kapilyahan. “Aphrodisiac mayroon.”

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.