27.7 C
Manila
Friday, September 13, 2024

Tuklasin ang kahalagahan ng pangalan

Bawat silang na sanggol ay binibigyan ng pangalan bilang pagkakakilanlan dito. Pinaggugugulan ng panahon ng bawat magulang ang pag-iisip sa ibibigay na pangalan sa kanilang magiging anak. Karaniwan na ang pangalan ay isinusunod sa pangalan ng isang pamosong tao o santo, o kaya ay hinuhugot mula sa family tree. Ang iba ay sadyang binibigyan ng kakaibang pangalan para unique at walang katulad.

Ngunit sa spiritual realm, ang pangalang iyong tinataglay ay may kinalaman sa iyong tadhana at magiging kapalaran. Kung ikukumpara sa isang produkto, ang pangalang taglay mo ang siya mong “trademark” at “barcode” na  magdidikta sa iyong pagkakakilanlan sa mundong ito at kapalarang iyong tatahakin.

Ang hiwaga at kapangyarihan ng pangalang ginagamit mo ay may katumbas na frequency sa ibang dimension. Para itong password sa iyong motherboard. Samakatuwid, kung ang pangalang naibigay sa iyo ay hindi akma sa iyong natural design o “piyesa”, hindi mo mabubukasan ang full at maximum potential ng iyong vibration at frequency.

Kung pakiramdam mo ay mailap sa iyo ang suwerte, tulad sa pakikipagtransaksyon, pakikipagkaibigan at iba pang aspeto sa buhay, maaari mong subukan na magpalit ng pangalan. Hindi naman ito nangangahulugan na kailangan mo pang mag-file ng Petition sa Korte para palitan ang pangalan mo. Ang simpleng pagpapalit mo ng iyong palayaw ay malaki na ang maitutulong. Halimbawa, kung ang tunay mong pangalan ay Jeremy, at pakiramdam mo ay hindi ka swerte sa pangalan na ito, sabihan mo na ang iyong mga kakilala na tawagin ka sa pangalang maiisip mong ipalit dito.

Pati ang pirma ay may kinalaman din sa pag-asenso mo sa buhay. Iwasan ang pagpirma na may hati sa gitna dahil ito ay simbolo ng suicidal tendency at bankruptcy. Dapat ay lagi lamang din pataas ang stroke ng iyong pirma at hindi pababa. Gawin ding mabibilog ang stroke ng pirma para mai-represent mo ang infinity at walang hanggang kasaganahan sa buhay.

Sa ganitong paraan, mahahatak mo ang frequency sa ibang dimensyon upang ma-alter o mabago mo kahit papaano ang iyong kapalaran sa three-dimensional world na iyong ginagalawan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.