Tinatawag ring MUTYA NG KABAL AT KUNAT, WHITE LEKAI, o MUTYA NG KUWEBA (White Pearl), ang Omo Bato ay maihahalintulad sa isang holen na kulay puti. Ito ay ubod ng tigas na hindi magagawang madurog kahit gamitan pa ng maso, martilyo, o pison.
Ang Omo Bato ay karaniwang matatagpuan sa mga lugar na hindi inaasahan. Ayon sa isang alamat, may nakuha diumanong Omo Bato sa isang mahiwagang simbahan sa Mindoro na basta na lamang lumitaw.
Karaniwang ginagamit ang OMO BATO bilang pangontra sa kulam, barang, tigalpo, at iba pang uri ng black magick. Pangontra rin ito sa mga masasamang espiritu at elemento sa paligid.
Bukod sa pangontra, ginagamit rin ang OMO BATO bilang pamproteksiyon, Sinuman ang magmay-ari nito ay hindi tatablan ng kahit anumang matutulis na bagay gaya ng patalim at kahit ng bala.
Maaari ring ibabad ang OMO BATO sa tubig magdamag. Ang tubig na pinagbabaran ay maaaring inumin ng mga hindi magkaanak.
Ginagamit rin ang OMO BATO sa panggaggamot. Ihahagod lamang ito sa katawan at mati-trace na ito ang bahagi ng katawan na may pilay o lamig.