26.5 C
Manila
Friday, March 1, 2024

Mga Regalong Suwerte at Malas Sa Panaginip

Kung may mga regalong swerte at malas ayon sa pamahiin, meron ding swerte at malas pag ito ay nakita natin sa ating panaginip. Narito ang ilan sa mga ito.

MGA REGALONG SUWERTE SA PANAGINIP

1.Kakanin- Ang kakanin ay sumisimbolo sa matamis at malagkit na pagtitinginan o relasyon kaya naman kapag ito ang iniregalo sa’yo sa panaginip ito ay nangangahulugan na ang inyong pagsasama ay higit na magkakaroon ng kulay. Sa mga walang lovelife naman ay malapit na kayong magkaroon.

2.Alahas- Ang kinang ng mga alahas ay may hatid na magandang mensahe sa makakapanaginip nito. Ibig sabihin ikaw ay magkakaroon ng pera. Maaaring pumatok ang iyong negosyo o may mapapanalunan mula sa isang contest.

3.Damit- Kapag ang damit na regalo sa’yo sa panaginip ay isinukat mo, ito ay nangangahulugan ng pagbabago. Kaya kung ikaw ay nasa hindi magandang sitwasyon dapat mong ikagalak kapag ikaw ay nanaginip nito dahil ibig sabihin ay magbabago na ang iyong sitwasyon at ikaw ay magkakaroon na ng kapanatagan.

MGA REGALONG MALAS SA PANAGINIP

1.Bola- Ang bola ay bilog, patalbog talbog at pinagpapasa-pasahan. Hindi ito magandang senyales kapag napanaginipan mong ito ang regalo sa’yo. Sapagkat maaaring ikaw ay mapaglaruan gaya ng isang bola. Mas malamang na ito ay may kinalaman sa iyong pakikipagrelasyon.

2.Sapatos o tsinelas- Kapag ito naman ang regalong natanggap mo sa iyong panaginip, hindi rin ito magandang senyales. Malaki ang posibilidad na ikaw ay magkamali ng direksyong tatahakin. Ipinapahiwatig ng panaginip na ito na dapat kang mag-ingat sa mga lugar na iyong pinupuntahan.

3.Salamin- Isa pang hindi magandang mapanaginipan na regalo ay ang salamin lalo na kung ito ay nakita mong may lamat. Ito ay nagpapahatid sa’yo ng mensahe na meron kang dapat ingatan sa iyong sarili. Posibleng ikaw ay mapahamak dahil sa maling akala. Kung minsan ang salamin ay madaya. May salamin na maganda ang tingin natin sa ating sarili at meron namang hindi kaya dapat na maging mapanuri.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.