Bagama’t sinasabi na lahat tayo ay pantay-pantay, hindi maikakaila na sadyang may masasabing angat sa karaniwan, lalo na pagdating sa espirituwal na aspeto. Hindi lahat ng tao ay nagtataglay ng malakas at mahusay na pag-iisip.
Narito ang ilang malinaw na palatandaan na ikaw ay isang spiritually gifted person.
1. Isa kang empath: Isa ito sa katangiang taglay ng isang spiritually gifted person. Ang pagiging empath ay hindi biro. Kaya mong maramdaman at i-absorb ang anumang nararamdaman at iniisip ng isang tao—positibo man o ito negatibo.
2. Nagkakatotoo ang karamihan sa visions mo: Ito ang tinatawag na precognition. Bago pa man maganap ang isang pangyayari ay nakita mo na ito sa iyong isip. Nangyayari ito sapagkat lahat ng pangyayari sa mundong ito (nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap) ay nagi-exist na sa single plane.
3. Lagi kang dinadalaw ng bangungot o nakararanas ka ng insomnia: Masyadong aktibo ang iyong kaisipan kaya kung hindi ka binabangungot ay nahihirapan ka namang makatulog. Maraming bagay/vision ang naglalaro sa iyong isipan.
4. Nagigising ka lagi sa pagitan ng 3:00 a.m. hanggang 4:00 a.m. Ang mga oras na ito ang tinatawag na “spiritual hour” o “witching hour”.
5. Malawak ang iyong imahinasyon: Nakabubuo ka ng bagong mundo sa iyong isipan. Nagagawa mong maramdaman, maamoy, malasahan, o makita na tila nanonood ng TV ang anumang bagay na ini-imahinasyon mo.