29.5 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

BIRTHSTONE  AT ZODIAC GEMSTONES

Ang zodiac gemstones ay tinatawag ring Astral Stones. Ang salitang “astral” ay mula sa Astrology; at naging mahalagang bahagi ng holistic beliefs.

Ang astrology ay hindi exact Science. Ang konsepto ng astrology ay unang naimbento upang makapagsabi o makapagtukoy ng oras. Para itong kalendaryo ng universe. Ang bawat yugto sa astrology ay nahahati sa 12 bahagi o seksiyon na pinaniniwalaang nagrerepresenta sa 12 tribo ng Israel sa Book of Exodus.

Bawat bahagi, o Zodiac Sign, ay nakaugnay sa isang particular na batong hiyas o gemstone. Pinaniniwalaan na ang iyong astrological sign ay nakaugnay sa mga batong hiyas. Magagawang ilabas ang natatanging galing at kapangyarihan ng isang tao na nagtataglay ng batong hiyas. Ang mga batong hiyas ay pinaniniwalaan ring nagtataglay ng healing characteristic na may kapakinabangan sa ating kaisipan at katawan.

ANG MGA BATO NG KAARAWAN (Gemstone Birthstone)

Ang bawat buwan ay may batong hiyas na kaugnay. Narito ang mga bato ng kaarawan at taglay nilang kapangyarihan.

1. January Birthstone – Garnet

Ang garnet ay simbolo ng katapatan at pag-ibig. Ang sinumang may taglay nito ay maliligtas sa masamang hangin, pagkatakot, at bangungot. Ang batong hiyas na ito ay nagtataglay rin ng healing power dahil pinalalakas nito ang buong sistema ng katawan. Pinabibilis nito ang healing process dahil pinalalakas nito ang mga chakras sa katawan.

2. February Birthstone – Amethyst

Kabilang ang batong amethyst sa quartz family. Ang batong hiyas na ito ay may kakayahang makapaghatid ng kapayapaan ng kalooban at katiwasayan ng isipan. Nakatutulong ito upang mabawasan ang bisyo sa alak. Sinasabi ring may kakayahan ang amethyst upang mapabuti ang kalusugan ng iyong balat at buhok; at nakatutulong upang maiwasan ang pagkakalbo.

3. March Birthstones – Aquamarine & Bloodstone

Ang aquamarine ay kabilang sa Beryl Family at maihahalintulad sa Emerald. Ito ay may kulay na translucent light sea blue at green. Ang bloodstone naman ay kulay berde na may red spots. Ang mga batong hiyas na ito ay may kakayahang makapagpabuti ng kalusugan, kalagayan ng pag-ibig, at naghahatid ng pag-asa. Sinasabi rin na nakatutulong ang mga batong hiyas na ito sa pagpapanatili ng kabataan. Pinaniniwalaan na ang mga batong ito ay makapagbibigay proteksiyon sa panahon ng paglalayag at paglalakbay.

4. April Birthstone – Diamond

Ang diamond ay simbolo ng walang hanggang pag-ibig; at ipinagpalagay na may kakayahang maghatid ng katatagan ng loob. Sa Sanskrit, ang diamond ay tinatawag na Vajra na ang ibig sabihin ay kidlat. Sa Hindu mythology, ginagamit ni Indra na Hari ng Diyos ang Vajra bilang sandata. Ang diamond ay simbolo ng purity, innocence, eternity, at courage. Noong ancient times, ang diamond ay ipinagpapalagay na mga luha ng Diyos. Ang diamond ay ginagamit na energy amplifier. Ang batong hiyas na ito ay sinasabing kailangang i-recharge. May kakayahan itong palakasin ang kapangyarihan ng ibang Kristal at batong hiyas. Maaari ring gamitin ang diamond upang i-block ang electromagnetic stress na dulot ng palagiang paggamit ng mga electronic gadgets tulad ng cell phone at computer. Nakatutulong rin ito sa good eyesight at gamot sa glaucoma. Epektibo itong panlunas sa pagkahilo at vertigo.

5. May Birthstone – Emerald

Ang emerald ay isa sa mga paboritong batong hiyas ni Cleopatra. Ito ay nakaugnay sa fertility, rebirth, at love. Ang mga sinaunang Romano ay naghahandog ng Emerald kay Venus na Diyosa ng pag-ibig at kagandahan. Ang emerald ay may healing power na nakagagamot sa mga karamdaman na may kinalaman sa puso, baga, spine, at muscular system. Nakatutulong rin ito sa mabilis na pag-recover sa infectious illness, nakagagaling ng sinuses, at nakapagpapainam ng paningin. May detoxifying effect rin ang emerald sa liver; at nakapagpapababa ng diabetes level at gamot rin sa rayuma.

6. June Birthstones – Pearl

Ang perlas ay isang uri ng talisman na may hatid na spiritual protection. Ito ay nagtataglay din ng healing properties dahil sa kakayahan nitong i-boost ng sexual energy. Nagtataglay rin ang perlas ng iba’t ibang galing ayon sa kulay. Ang puting perlas ay naghahatid ng katiwasayan ng kalooban. Ang kulay brown ay may hatid na kasaganaan. Ang berde naman ay nagbibigay ng kaligayahan.

7. July Birthstone – Ruby

Ang red rubies ay token of harmony and peace. Ang batong hiyas na ito ay simbolo ng kalakasan at katanyagan. Itinuturing ang ruby ng ancient Hindus bilang “King of Gems”. Ang batong hiyas na ito ay may hatid na proteksiyon laban sa masamang espiritu at elemento sa paligid; at nakapagtataboy ng negative energies sa paligid. Nakapag-aalis ito ng exhaustion at nakakapag-detoxify ng katawan, dugo, at lymphatic system. Ginagamot nito ang fever at infectious diseases; at nagpapainam ng daloy ng dugo. Nakapagi-stimulate rin ito ng adrenal, kidney, spleen, at reproductive organs.

8. August Birthstone – Peridot

Ang batong peridot ay simbolo ng kalakasan. Ito ay karaniwang tinatawag na evening emerald dahil sa kulay nitong light green. Minsang ipinagpalagay na ang green peridot cystals na natagpuan sa volcanic ashes ay mga luha ng volcano goddess na si Pele. Ayon sa paniniwala, magagawa mong harangin ang anumang mahika negra na nais ipukol sa iyo kapag ikaw ay may suot na batong peridot. Ang batong hiyas na ito ay may kakayahan ding magtanggal ng stress at pagkahapo. Pinalalakas nito ang immune system at metabolism; at nakapagpapainam ng kutis. Ginagamot rin nito ang anumang karamdaman sa puso, thymus, lungs, gallbladder, spleen, at intestinal tract; at nakagagamot ng ulcers.

9. September Birthstone – Sapphire

Ang sapphire ay may kakayahang proteksiyonan ang sinuman laban sa masasamang elemento at espiritu sa paligid. Ayon sa matandang paniniwala, mamamatay ang isang makamandag na ahas kapag ito ay inilagay sa isang sisidlan na napapalamutian ng sapphire. Ang sapphire ay paboritong hiyas ng mga dughong bughaw. Karaniwan itong ginagamit na palamuti sa mga korona ng Hari at Reyna dahil sa simbolo nitong purity, dignity, loyalty, serenity, at faith. Ang sapphire ay may kakayahang magpagaling ng anumang sakit na may kinalaman sa dugo. Pinapaampat rin nito ang sobrang pagdurugo dahil pinapatibay nito ang mga ugat o veins. Karaniwang ginagamit ang sapphire sa pagpapagaling ng mga cellular disorder, at napakagpapakalma ng overactive body systems.

10. October Birthstones – Opal

Ang opal ay simbolo ng kapatapan at katatagan ng kalooban. Ang salitang opal ay mula sa Latin word na “opalus”, na nangangahulugang “mahalagang batong hiyas”. Ang kuwintas na may batong opal ay sinasabing nakapagtataboy ng kamalasan at masasamang elemento sa paligid. Ang opal ay may kakayahan ring magpabuti ng memorya; at nakapagpapahaba ng buhay. Nilalabanan nito ang infection sa katawan, nakapaglilinis ng blood at kidneys, at nire-regulate ang natural insulin sa katawan. Nakatutulong rin ang batong ito upang makagaan sa panganganak.

11. November Birthstones – Topaz

Pag-ibig at pagtatangi ang siyang sinisimbolo ng batong topaz. Pinapalakas ng batong hiyas na ito ang katalinuhan ng taong nagmamay-ari. Ang yellow topaz ay nakaugnay sa kalakasan at kagalingan ng katawan at kaisipan. Nagbibigay proteksiyon din ito sa mga manlalakbay. Ang topaz ay nakaugnay rin sa wisdom, strength, courage, at serenity. Napapahupa nito ang anumang sakit na nararamdaman. Nagagawa rin ng topaz na tanggalin ang anumang negatibong emosyon. Ang topaz ay nagtataglay ng healing power na mainam sa digestion at eating disorders tulad ng anorexia at bulimia. Ini-stimulate nito ang metabolism, at nakapagpapainam ng nerves.

12. December Birthstones – Turquoise

Ang tourqouise ay sinasabing bato ng pag-ibig kaya ito ay karaniwang ginagamit bilang love charm. Ang turquoise ay simbolo rin ng magandang kapalaran at tagumpay; at pinaniniwalaang nakapagpapakalma ng kaisipan at nagbibigay proteksiyon sa sinumang nagmamay-ari. Ang pagsusuot ng turquoise ay pinaniniwalaang nakapagtataboy ng malas ng evil spirits. Sinasabi rin na ang kulay ng bato ay nagbabago kapag ang may suot ay may sakit o nasa panganib. Nakatutulong ang turquoise sa mainam na nutrient absorption ng ating katawan, napakapagpapalakas ng immune system, nagi-stimulate at nagri-regenerate ng tissue, at nagbibigay ng pangkalahatang kagalingan sa buong katawan. May taglay rin itong anti-inflammatory at detoxifying effects na nagpapahupa sa sakit na dulot ng cramps. Naglilinis rin ito ng baga at sore throats; at nagpapagaling sa sakit sa mata, kabilang na ang katarata.

ANG ZODIAC BIRTHSTONE

Ang astrological gemstones na nakabase sa Zodiac signs ay kaiba sa modern birthstones na nakaugnay naman sa calendar birth month. Ang ating kasalukuyang calendar system ay hindi pa umiiral noong panahon ng Exodus, at ang standardized version ng gemstones ay na-introduced lamang sa America noong 1912.

Pinaniniwalaan na ang pagsusuot at pagdadala ng gemstone na nakaugnay sa iyong birth month ay maghahatid ng suwerte at proteksiyon.

Narito ang talaan ng mga Zodiac signs at petsa na associated sa bawat isa, pati na rin ang naka-assign na gemstone.

Aquarius Zodiac Stone (Jan 21 – Feb 18): Garnet

Pisces Zodiac Stone (Feb 19 – Mar 20): Amethyst

Aries Zodiac Stone (Mar 21- Apr 20): Bloodstone

Taurus Zodiac Stone (Apr 21 – May 21): Sapphire

Gemini Zodiac Stone (May 22 – Jun 21): Agate

Cancer Zodiac Stone (Jun 22 – Jul 22): Emerald

Leo Zodiac Stone (Jul 23 – Aug 23): Onyx

Virgo Zodiac Stone (Aug 24 – Sept 22): Carnelian

Libra Zodiac Stone (Sept 23 – Oct 23): Chrysolite

Scorpio Zodiac Stone (Oct 24 – Nov 22): Beryl

Sagittarius Zodiac Stone (Nov 23 – Dec 21): Citrine

Capricorn Zodiac Stone (Dec 22 – Jan 20): Ruby


Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.