27.4 C
Manila
Wednesday, September 11, 2024

Magandang Balat Dahil Sa Sibuyas

        Pagod ka na ba sa kasusubok ng iba’t ibang beauty at cosmetic products para mapaganda ang iyong kutis? May solusyon na sa matagal mo nang paghahanap. At ito ay nasa iyong tabi lamang, abot-kamay. Ang tinutukoy ko ay ang sibuyas. Alam mo ba na kasindami ng layer ng sibuyas ang dami ng mga beauty at health benefits na idinudulot nito sa katawan ng tao.

1.    Dull and gloomy skin
Ang sariwang sibuyas ay nakatutulong upang mapanatiling malambot, malasutla at kumikinang ang iyong kutis dahil sa taglay nitong antioxidants, vitamins at sulphur. Ang ilang patak ng onion juice o ilang hiwa nito na ilalagay sa mukha ay sapat na para magkaroon ng naturally radiant skin. Ang pagkain din ng hilaw na sibuyas ay nakapagpapalinis ng dugo dahil itinataboy nito ang mga lason at impurities na nasa dugo.

2.    Tumatandang balat o ageing skin
Ang sibuyas ay mayaman sa quercetin, isa sa pinakamabisang antioxidant para sa balat. May taglay rin itong vitamin A, C at E na puno rin ng antioxidants. Ang mga ito ay lumalaban sa premature ageing na dala ng mapanirang UV rays. Tumutulong ang sibuyas para maging wrinkle-free ang balat at mailayo ito sa iba pang sintomas ng skin ageing.

3.    Mga mantsa sa balat

Kapag inihalo ang onion juice sa turmeric, tatanggalin nito ang mga  mantsa at dark  pigmentation sa balat. Ang vitamin C na taglay nito ang magpapaputi sa parteng  nangingitim. Kung may sensitibong balat, huwag ipahid ang onion juice nang direkta sa balat. Paghaluin muna ang 1 kutsaritang hilaw na onion juice sa 1 kutsaritang gram flour at ½ tsp. milk cream. Ang mixture na ito ay isang mabisang skin lightening pack.

4.    Acne at skin infection

Kapag iminasahe ang onion juice sa balat, lumalabas ang taglay na antiseptic ng onion juice at nilalabanan ang acne at iba pang impeksyon sa balat. Maaaari ring ihalo ang orange juice sa almond at olive oil upang makagawa ng face pack laban sa mga acne spots. Mabisa rin ang onion juice laban sa kagat ng insekto at mga paso.

5.    Pagkalugas ng buhok o hair fall
Tumutulong ang hilaw na sibuyas  sa pagpapalago ng buhok. Mataas ang taglay nitong sulphur na tumutulong upang muling tumubo ang mga hair follicles at inaayos nito ang blood circulation sa ulo.  Imasahe ang onion juice sa anit upang mabuhay at tumubong muli ang mga buhok. Maaari ring paghaluin ang magkatulad na dami ng onion juice at rose water upang makagawa ng mabisang solusyon para sa buhok. I-spray ang mixture sa buhok at hayaan ng 30 minuto bago banlawan.

6.    Problema sa balakubak
Mabisa rin ang onion juice upang pigilin ang problema sa balakubak. Ipahid ang onion juice sa anit at hayaan doon ng kalahating oras bago banlawan. Maaari ring haluan ng tuyong balat ng lemon o isang kutsarang yoghurt upang makagawa ng paste laban sa balakubak.

7.    Puting buhok
Kung iniisip ang magpakulay para itago ang mga puting buhok, bakit hindi muna subukan ang onion juice. Totoo, ang pagmamasahe ng onion juice na may kasamang mustard oil sa anit ay makakapigil sa paglabas ng mga puting buhok. Ang onion juice ay nagbibigay ng natural na kulay at kintab sa buhok. Pinananatili rin nitong malambot at masigla ang anit.

8.    Nangingitim at nanunuyong labi

Ihalo ang onion juice sa vitamin E oil at ipahid sa labi bago matulog. Gawin ito sa loob ng isang buwan at mapapasaiyo ang isang healthy, pink at kissable lips.

9.    Para sa malinaw na paningin
Ang pagkain ng hilaw na sibuyas ay makapagbibigay ng malinaw na paningin dahil sa taglay nitong vitamin A, C at E na mahalaga para sa mga mata. Maliban dito, mayaman din ang sibuyas sa sulphur na pumipigil sa pagkakaroon ng katarata.

Ilan pang health benefits ng sibuyas:

•    Mabisa ang sibuyas para sa digestive system. Pinalalakas nito ang ating panunaw.
•    Pinatitibay nito ang bone density ng katawan at naiiwasan ang osteoporosis at atherosclerosis.
•    Isa ring expectorant ang sibuyas, isang natural na gamot upang maging maluwag ang air passage. Ang pag-inom ng onion juice na may kasamang honey ay nakatatanggal ng plema at nakapagpapaluwag sa dibdib.
•    Pinabababa rin ng sibuyas ang bad cholesterol at blood pressure level sa katawan. Pinananatili rin nito ang tamang sugar level.
•    Nagagamot din ang insomnia at iba pang sleeping disorders sa pagkain ng sibuyas.
•    Pinalalabnaw rin ng sibuyas ang dugo at pinatitibay ang mga blood vessels upang maging maayos ang daloy nito sa puso.

Mahalagang malaman:

•    Upang makuha ang pinakamabisang benepisyo mula sa sibuyas, dapat na kainin ito nang hilaw. Sa pagluluto kasi, maaaring masira at mawala ang mga mahahalagang phytonutrients na taglay nito.
•    Magsagawa muna ng isang maliit na patch test ng onion juice sa balat bago gamitin ito sa iba pang parte ng katawan. Gawin ito upang tiyakin na hindi ka allergic sa sibuyas.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.