27.1 C
Manila
Thursday, October 24, 2024

ILANG KASAWIANG NARARANASAN, MAAARING MAY KINALAMAN SA IYONG KARMA SA MGA KASALANANG NAGAWA MO SA IYONG PAST LIFE

Kung mapapansin, may ilang aspeto sa iyong buhay na sumusubok sa iyong katatagan bilang indibiduwal. Ito ay maaaring may kinalaman ito sa karmic debt na kailangan mong pagbayaran sa iyong present life.

Makatutulong ang pagtuklas sa uri ng karmic debt na dapat mong pagbayaran upang maging madali ang pagtanggap sa anumang suliraning dumarating sa iyong buhay.

Pumili ng alinman sa tatlong aspeto ng buhay na nahihirapan ka.

1.   Pag-let go at pag-move on sa isang relasyon. Sa iyong nakaraang buhay, ikaw ay laging nag-iisa, isolated, at pakiwari mo ay inabandona ka ng lahat. Ito ang dahilan kung bakit nagiging over protected, clingy, at possessive ka sa isang relasyon. Natatakot kang maiwan mag-isa, kaya gagawin mo ang lahat para mapanatili mo ang isang tao sa iyong tabi. Ang ending, ipinaglalaban mo ang isang relasyon kahit hindi na ito healthy. Mahirap para sa iyo na i-let go ang isang tao dahil labis mo itong minahal, pinahalagahan, at ginawang sentro ng iyong mundo. Matuto kang pahalagahan ang iyong sarili.

2.   Kawalan ng kumpiyansa sa sarili o self-confidence. Sa past life mo, lagi mong ipinagsasawalang-bahala ang lahat ng aksiyon na iyong ginagawa. Wala kang ingat at wala kang pakialam kung may masaktan man o masagasaan in the process. Ito ang dahilan kung bakit ngayon ay natataranta kang sumubok ng ibang bagay na labas sa iyong comfort zone. May hindi maipaliwanag na takot sa iyong utak na pumipigil upang maibulalas mo ang iyong full potential. Ito ang iyong karmic debt. Ang  tadhana mismo ang pumipigil sa iyong mga aksiyon dahil kailangan mong ma-realize sa present life mo ang kahalagahan nang pag-iingat sa bawat aksiyon at pagkakaroong ng simpatiya sa kapuwa.

3.   Pagkakaroon ng duda at kawalan ng tiwala sa kapuwa. Sa previous lifetime mo, ikaw ay biktima ng panloloko at panlilinlang ng iyong kapuwa. Ito ang naging dahilan upang mawalan ka na ng tiwala sa mga tao sa iyong paligid.  Ang pagiging doubtful mo sa iyong kapuwa o kawalan mo ng tiwala sa mga tao sa iyong paligid ay pahiwatig ng mga leksiyon na iyong natutunan sa mga panlolokong naranasan mo sa nakaraan mong buhay.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.