Ang orchids ang pinakamagandang flowering plants na mailalagay sa loob ng tahanan.
Hindi lamang design element, ito ay nagtataglay rin na feng shui properties na nakaka-attract ng magandang kapalaran at pag-ibig.
Pinapabuti ng orchids ang lagay ng relasyon, at nakapagpapataas ng posibilidad na makapag-attract ng new romantic partner. Ito ang dahilan kaya mainam na mag-alaga ka ng orchid kung single and looking ka. Wala namang mawawala kung maniwala ka. Isa pa, ang pag-aalaga ng halaman ay nakapagpapataas ng ating creativity level at nakatatanggal ng stress. Kaya wala kang talo, kung magka-lovelife ka man o hindi.
Ang mga orchids ay naglalabas ng oxygen sa gabi kaya ang paglalagay nito sa silid ay makatutulong sa mahimbing na pagtulog.