Masusumpungan sa astrology ang ilang praktikal na kaalamang makatutulong sa pagtuklas ng ating pagkatao, gayundin na rin sa ispirituwal na aspeto.
Tayo ay maihahalintulad sa isang barya na may dalawang mukha. Bawat isa sa atin ay may dalawang side ng pagkatao. Ito ang pagkatao na hindi natin ipinapakita kadalasan, o kaya ay hindi rin tayo mismo aware.
Sa article na ito ay iisa-isahin natin ang dalawang mukha ng pagkatao ng bawat zodiac sign. Alin sa dalawang mukha ng zodiac sign moa ng iyong ipinapakita at itinatago? Halika at alamin natin.
ARIES
Ang isang Arien ay passionate, full of energy, motivated, ambisyoso, at buo ang loob. Ang kaniyang kalasakan ay nagagamit niya para sa kanilang leadership. Ngunit, ang isang Arien ay madaling mairita at sobra ang pagiging moody. Dahil sa kaniyang disbalance, minsan ay nahihirapan ang isang Arien na makiayon sa karamihan.
TAURUS
Very loyal ang Taurean sa kanilang partner, to the extent na kaya niyang isakripisyo ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng kaniyang kapareha. Ngunit, dahil sa sobrang pagiging mapagmahal at maalaga ng isang Tauerean, sila ay nagiging dominante at possessive na nagiging dahilan upang masira ang relasyong kaniyang pinangalagaan.
GEMINI
Ang isang Gemini ay extremely friendly, sociable, at maasahan sa lahat ng bagay. Gusto niya na nagiging parte siya ng anumang plano at kaganapan. Ito ang dahilan kaya nababansang pabida at epal ang isang Gemini kung minsan.
CANCER
Caring, devoted, loyal—ito ang tatlong salitang makapaglalarawan sa isang Cancer. Mahusay silang makinig at sensitibo sa lahat ng bagay. Ngunit, dahil sa kanilang pagiging hypersensitivity, prone sila sa depression, anxiety at mental disorders. Kadalasan ay nami-misunderstood ang isang Cancer dahil sa kaniyang behavior, dahilan para gustuhin na lamang niyang isolate ang sarili.
LEO
Sila ay center of attention dahil sa taglay nilang karisma. Sila ay mga natural born leaders at may initiative upang pamunuan ang isang grupo. Ngunit, sila ay palaging paasa at namimili lamang ng papanigan. Mayabang din.
VIRGO
Detalyado sa lahat ng bagay ang isang Virgo. At sa sobrang pagka-perfectionist, nawawalan na sila ng simpatiya sa kalagayan ng kanilang kapuwa. Ang alam ng Virgo, ang tama ay tama at ang mali ay mali. Sobra ang pagiging analytical, methodical, at logical ng isang Virgo, dahilan para hindi na niya pakinggan minsan ang opinyon ng iba dahil ang alam niya, siya lang ang tama.
LIBRA
Malaki ang simpatiya ng isang Libran sa kaniyang kapuwa. Siya ay labis na maawain at matulungin. Ngunit, dahil sa likas na kabutihang loob ng isang Libran, siya ay kadalasang nagiging biktima ng mga mapagsamantalang tao.
SCORPIO
Witty at may sarcastic sense of humor ang isang Scorpion. Sila ay passionate, organized, independent, at resourceful. Ngunit, sila ay manipulative at mapaghiganti.
SAGITTARIUS
May likas na karisma ang isang Sagitarrian kaya may sarili silang crowd. Sila ay light-hearted, fun, at adventurous. Ngunit sa kabilang banda, mabilis masagad ang kanilang temper at agad umiinit ang ulo.
CAPRICORN
Ang Capricorn ay siyang pinakamasipag sa lahat ng zodiac sign, dahilan ng kanilang success at wealth. Sa sobrang sipag, sila ay likas na mga workaholics. Nawawalan sila ng time para sa kanilang pamilya at mga mahal sa buhay, bukod sa may pagka-stubborn din minsan.
AQUARIUS
Well-travelled ang isang Aquarius. Hilig nilang ma-experience ang mga bagong bagay at makasalamuha ng mga panibagong kakilala. Ngunit, failure sila sa relationship dahil sila ay likas na introvert.
PISCES
Ang Pisces ay siyang pinaka-creative sa lahat ng zodiac. Gamit ng isang Pisces ang kaniyang intuition at imagination. Ngunit, may tendency ang isang Pisces na mag-day dream na lamang. Kulang siya ng lakas ng loob upang isabuhay ang kaniyang mga hangarin at pangarap.