24.7 C
Manila
Tuesday, October 22, 2024

ANO KATOTOHANAN SA LIKOD NG HEALING ENERGY

Ang uniberso o universe ay binubuo ng dalawang bagay: enerhiya at matter. Natuklasan ni Albert Einstein na ang enerhiya at matter ay may magkatulad na kalagayan sa magkaibang kayarian.

Sa pamosong formula na E=MC(2), ipinaliwanag ni Einstein na ang matter ay maaaring maging isang enerhiya. Gayundin, ang enerhiya ay maaaring i-convert sa matter.

Ang lahat ng uri ng matter na kinabibilangan ng solid, liquid, gas, at plasma ay may taglay na enerhiya at lakas. Natuklasan ni Einstein na dahil ang enerhiya ay maaaring i-convert sa matter, at ang matter ay puwedeng i-convert sa energy, ang dalawang bagay ay nakakaapekto sa isa’t isa.

May dalawang uri ng enerhiya sa mundo—ang positibong enerhiya (positive energy), at negatibong enerhiya (negative energy).

Ang positibong enerhiya (positive energy) ay mabuti sa kalusugan, damdamin, at kaisipan ng isang tao. Ang positibong enerhiya ay masusumpungan sa kaligayahan, wagas at unconditional na pagmamahal, at sa tunay na pagpapatawad.

Ang mga enerhiyang nakapaloob sa mga emosyon na ito ay may katumbas na healing energy. Ang isang tao ay maaaring makahugot ng positibong enerhiya mula sa iba’t ibang method ng healing process tulad ng Reiki, Crystals, Color Therapy, Angels, Chakra Therapy, Visualization, pakikinig ng mga healing music at binural beatsMandalas, at kahit sa simpleng aromatheraphy at pagkain ng mga masusustansiyang pagkain. Ang kaligayahang nadarama sa paggawa ng kabutihan ay may nag-uumapaw na positibong enerhiya na may hatid na healing energy.

Gayunpaman, mayroon ding mga negatibong enerhiya na maaaring makasira hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi higit sa mental na kalusugan ng isang tao. Ang depression, pagkamuhi at pagkasuklam, kabiguan, frustrationhang-ups, paghihiganti, pagkamuhi, suppressed emotions, at kahit na ang nakakasulakok na polusyon ay may hatid na negatibong enerhiya.

Sa kabutihang palad, ang healing energy ay kayang gawing positibo ang anumang negatibong enerhiya. Kaya makabubuting punuin ng positibong pananaw ang iyong puso at isipan.

I-welcome mo ang positibo at mapagpagaling na enerhiya sa iyong puso at kalooban upang ikaw ay malayo sa sakit at kamalasan sa buhay.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.