25.4 C
Manila
Sunday, October 20, 2024

HINDI KA BA MAHAL NG MAHAL MO?ALAMIN ANG SEKRETO NG TELEPATHIC LOVE

Ang pag-ibig ay isa sa pinakamalaking misteryo ng universe. Categorically and figuratively speaking,  ang pag-ibig ang pinakamalakas na uri ng positive energy, kung paanong ang hatred o pagkasuklam na kabaliktaran ng love ang siyang pinakamalakas naman na uri ng negative energy.

Sabi nga, “o pag-ibig, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.” Marami na ang makapagpapatotoo sa linyang ito. Hindi lang iilan ang naging alipin ng pag-ibig, na lahat ay gagawin para lamang maipadama ito sa taong iniibig. Marami na rin ang nagpakatanga sa ngalan nito.

Ngunit, tatandaan na maraming uri ng pag-ibig. Ang Eros love ay isang makamundong uri ng pag-ibig. Ito ay purong physical attraction at sexual desire. Ang Philia Love ay isang uri ng platonic love. Ito ay sincere na pag-ibig o brotherly love na inaalay natin sa ating mga kaibigan, kapatid, at iba pang taong lubos na malapit sa atin. Ang Ludus love ay playful love. Sa makabagong terminolohiya, ito ang tinatawag na “fling” na karaniwan sa mga kabataan ngayon. No string attached. Namamagitan lamang ang pag-ibig kapag magkasama ang dalawang tao. Ang Pragma Love ay ang tinatawag na longstanding love. Ang Agape Love ay ang love of the soul. Hindi ito tumitingin sa pisikal na aspeto, kundi sa kung ano ang laman ng puso. Ang Philautia Love ay ang selfish at egoistic love. Ito ang pagtatangi sa sarili. Ito ang tinatawag na “me-me  attitude”. Mayroon ding tinatawag na Storge Love, o pagmamahal sa mga bata.

Sa pangkalahatan, ang pag-ibig ay isang uri ng connection. Kung ihahalintulad sa internet, ito ang server na nagkokonekta sa lahat ng users.

Sa spiritual world, ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa kamatayan. Ito ay tumatawid hanggang sa kabilang buhay, sa tulong ng reincarnation. Pinaniniwalaang lahat tayo ay may kabiyak o kahati, na tinatawag na soulmate at twinflames.

Nakapaloob sa konsepto nito ang tinatawag na telepathic love.

Ano nga bang telepathic love?

Upang maunawaan mo kung ano ang telepathic love, dapat ay maintindihan mo muna kung ano ang telepathy, per se. Ang telepathy ay isang non-material o no-code communication ng damdamin at kaisipan gamit lamang ang isip at enerhiya. Kapag ipinadadala natin ang ating pag-ibig sa pamamagitan nito, ito ang tinatawag na telepathic love.

        Ngunit, sino nga ba ang maaaring magpadala ng love telepathically?

        Ang totoo, lahat ay maaaring gawin ito. Katunayan, lahat ng tao ay may natural na kakayahang o innate ability na gawin ito. Upang magawa na maihatid ang iyong pag-ibig telepathically, kinakailangan mong maging pokus. Paganahin ang iyong mga senses upang masumpungan ang spiritual purity upang maibahagi ang iyong mga impormasyon at ideya sa isang tao.

        Samakatuwid, ang telepathic love ay isa ring uri ng gayuma?

        Exactly. Ito ay isang uri ng gayuma. Kaiba lang dahil hindi mo na kailangan ng iba’t ibang rituwal, kagamitan, at iba pang props upang ito ay magawa. Kailangan mo lang ng kapangyarihan ng iyong isip!

        Paano ito gagawin?

        Sundin lamang ang simpleng steps na ito upang magawa mong maihatid ang iyong pag-ibig sa isang tao telepathically.

1.   I-relax ang buong katawan at isipan. Mag-meditate.

2.   Humiga o maupo, kung saan ka komportable. Ang mahalaga ay maabot mo ang meditative state.

3.   Inhale. Exhale. Huminga ng malalim ng dahan-dahan ng limang beses hanggang sa maramdaman mong bumubuti ang iyong pakiramdam.

4.   I-pokus ang iyong isipan sa taong gusto mo. Isiping mabuti ang kaniyang buong mukha na parang kaharap mo lamang siya.

5.   Sa isip mo, i-visualize mo na may lumalabas na pink light o wave mula sa utak mo patungo sa gitnang noo ng taong gusto mo. Isipin mo na ito ang energy o love na nais mong iparating sa taong iyon.

6.   Tandaan lamang na ang love na ibibigay mo sa taong gusto mo ay dapat maging gentle at unconditional. Huwag mong ipilit. Huwag kang manggigil o mag-trying hard habang ginagawa mo ang proseso. Relax ka lang. Hayaan mong dumaloy ang positive energy mula sa iyo, patungo sa taong gusto mo.

7.   Ngayon, pakiramdaman mo ang pag-ibig na nararamdaman mo sa taong iyon. Tiyakin na ito ay dalisay. Hindi mo ito gagawin dahil  may ill motive ka tulad nang kung gusto mo lang makaganti o pahirapan ang tao. Ginagawa mo ito, dahil mahal mo siya. At ang pagmamahal mo ay hindi makasarili. Ito ay makatutulong sa paglago ninyo parehas.

8.   Magtiwala na naihatid mo ang iyong pag-ibig telepathically.

Maaaring gawin ang proseso sa kahit na anong oras. Wala rin itong araw. Kahit kailan ay maaari kang magsimula.

Ang paghahatid ng love telepathically ay maihahalintulad sa pagtatanim ng buto ng halaman. Kailangan mo itong i-nurture araw-araw upang ito ay mabuhay at lumago. Ang pag-ibig o energy na ipinunla mo sa utak ng tao ay unti-unting lalago, tulad ng isang halaman. Kaya huwag mainip.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.