30.5 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

7 Dahilan Bakit di Nagsasabi ng Problema ang Boyfriend Mo Sayo

Pagdating sa mga problema sa buhay, ang una mo laging sasabihan ay ang partner mo, susunod ang friends at family mo. Lahat ay open ka pagdating sa partner mo dahil magkasama ninyo itong haharapin kahit anong mangyari. Pero paano kung hindi naman nagsasabi ang partner mo sayo?

Kung napapansin mo na hindi ikaw ang unang nilalapitan ng partner mo pagdating sa mga importanteng bagay, basahin mo ito para maliwanagan ka.

1. Mabigat siguro masyado ang problema na dinadala niya

Maaaring gusto muna niyang gawan ng paraan ang problema niya bago sabihin sayo. Ayaw ka siguro niya isali sa problema niya muna o baka naman iniisip niya na kaya niyang solusyonan ito nang siya muna.

2. Parte ito ng ego niya

Maaaring ma-pride siya na tao at ayaw na nagsasabi ng mga problema niya. Hindi niya ma-imagine na mag-open sayo ng mga sensitibong topic dahil baka makita mo ang soft side niya. Matutulungan mo siya dito kung hahayaan mo lang siya at mag-open ka lang sa kanya para maging komportable din siya eventually.

3. Kultura ito at nakalakihan niya

Siguro ay ganun ang kanilang pamilya: reserved at introvert. Kapag ganito sila sa pamilya, sanay sila na hindi nagsasabi nang nararamdaman nila o nag-eexpress ng emosyon nila. Bigyan mo lang siya ng pagkakataon para mas maging open siya.

4. Hindi siya komportable mag open sayo

May something sa way ng pag-handle mo ng problema kaya ayaw niyang mag-open basta-basta sayo. Baka hindi mo nakikita na mabilis kang mag-worry o hindi ka marunong mag-comfort. Baka inaaway mo siya kapag nag-oopen siya ng isang problema kaya mas pinipili na lang niyang hindi magsabi sayo.

5. Hindi mo siya pinapakinggan

Hindi ka marunong tumingin sa mata niya at magbigay ng atensyon sa kanya pag nagsasabi siya ng problema niya. Malaking epekto ito sa kanya to the point na baka sa iba na siya nagsasabi ng problema niya.

6. Nahihiya siya sa mga problema niya

Hindi niya kayang i-open agad sayo ang problema niya dahil baka nahihiya siya dito at hindi niya pa alam paano ito sosolusyonan. Baka marami ang tumatakbo sa utak niya na last thing na gusto niya ay mag-open sayo.

7. Naiisip niya na baka maging mababa ang tingin mo sa kanya

Baka iniisip niya masyado na hindi mo maha-handle ng maayos ang problema ninyo at tratuhin mo siya na isang weak na tao. Dapat ay tulungan mo siya dito sa pamamagitan ng pagbibigay ng opportunity sa kanya na i-express ang sarili niya. Lagi kang makikinig sa kanya no matter what he is trying to tell you.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.