30.4 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

ANG KAUGNAYAN NG BIRTH MONTH NG ISANG BABAE SA KANIYANG KATAUHAN AT KARAKTER

Ating iisa-isahin ngayon sa Kapangyarihan ang kaugnayan ng birth month ng isang babae sa kaniyang personalidad at karakter.

JANUARY:        Ikaw ay isang wholesome person. Mabilis kang makagaanan ng loob ng sinuman. Likas kang masayahin at kinagigiliwan  ng lahat dahil sa iyong positive vibrations at aura.

FEBRUARY:       Isa kang shoulder to cry on. Mahusay kang tagapakinig at tagapayo kaya gusto  kang maging kaibigan ng lahat. Romantika ka rin, sensitibo, at passionate. Ikaw ay hinahangaan dahil sa pagiging sexy (sa sarili mong paraan). Alam mo kung paano paliligayahin ang iyong kapareha at mga taong mahalaga sa iyo.

 MARCH:  Ikaw ang tipo na laging nalalagay sa spotlight, kahit hindi mo ito gusto. Nagiging maganda lagi ang first impression mo sa mga taong iyong nakakasalamuha. Nagiging inspirasyon ka ng nakararami at ikaw ang ginagawa nilang ehemplo upang i-motivate pa ang kanilang sarili. Napaka-thoughtful mo at malambing sa iyong minamahal.

APRIL:      Pamilya at kaibigan ang siyang pinakamahalaga para sa iyo. Hindi mo prioridad ang pera, katanyagan at iba pang materyal na luho. Ikaw ay masipag at mahusay makibagay kaya naman napagtatagumpayan mo ang anumang larangang pasukin.

MAY:        Taglay mo ang pambihirang katalinuhan. Mahusay kang mag-analisa ng mga bagay at ang mga pananaw mo ay sadyang kapaki-pakinabang. Sa kabilang banda, ikaw rin ay emosyonal. Mahilig ka sa mga kasayahan at gusto mong sinasamahan ang mga taong sa tingin mo ay makatutulong sa iyong pag-unlad.

JUNE:       Labis kang mapagbigay. Handa mong ibahagi sa iba kung anuman ang mayroon ka. Ikaw ay extremely sociable person at maraming kaibigan. Mabilis kang maapektuhan ng mga negatibong bagay sa iyong paligid.

JULY:        Mayroon kang unique personality. Gusto mong subukan ang anumang bagay na nakapagpapa-excite sa iyo. Likas kang adbenturero at puno ng positive energy sa katawan.

AUGUST:  Taglay mo ang malakas na personalidad, karisma, at magandang itsura. Naka-pokus  ka sa iyong pag-unlad. Likas sa iyo ang kagiliwan ng mga tao. Tila may magnet ka at nakahahatak ka ng mga kaibigan.

SEPTEMBER:      Nagtataglay ka ng charismatic character. Malakas ang iyong loob at may determinasyon upang abutin ang mga pangarap sa buhay. Inspirasyon ka ng mga taong gustong mabago ang takbo ng buhay.

OCTOBER:        Magaang ang loob sa iyo ng mga tao kaya wala silang pag-aalinlangan kung mag-open up man sila sa iyo ng mga personal na problema.  Isa kang empath at napakalakas ng iyong intuition o kutob.

NOVEMBER:     Hindi ka judgmental. Nakikipagkaibigan ka kahit na kangino. Hindi mahalaga sa iyo ang mga kakulangan ng iyong kapuwa. Labis mong pinahahalagahan ang pakikipagkapuwa-tao.

DECEMBER:      Likas kang masayahin at palatawa. Kinagigiliwan ka ng lahat dahil sa mahusay mong sense of humor. Madali kang makahanap ng mga kaibigan. Wala kang pretensiyon sa iyong sarili. What you see is what you get ang motto mo sa buhay.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.