Maraming maio-offer na gabay ang feng shui sa pagpapabuti ng kalusugan ng isang tao. Katunayan, ang kasabihang “ang kayaman ay kalusugan” ay nagmula pa sa mga ancient feng shui master.
Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mainam na kalusugan ay hindi dapat ipagsawalang bahala sapagkat kung ang isang tao ay mahina at sakitin, ang buhay niya at mga kayang gawain ay magiging limitado.
Sa Feng Shui, may direktang relasyon ang kalusugan sa kalidad ng enerhiya sa bahay at opisina o workplace. Alinsunod sa pananaw ng feng shui, gaano kainam ang iyong environment? Healthy ba ang iyong silid-tulugan? Ano ang kalidad ng hangin sa iyong tahanan o opisina? Ayon sa ilang pag-aaral, karamihan sa mga bahay at opisina ay nagtataglay ng mas mababang lebel ng enerhiya kumpara sa normal na sukat na kailangan upang maging malusog ang pangangatawan at kaisipan.
Narito ang ilang basic and simple feng shui tips na maaaring makatulong ng Malaki upang mapabuti ang estado ng kalusugan ng isang tao—physically man at mentally.
1. Isaalang-alang ang kalidad ng hangin sa paligid. Ang air pollution sa labas ay kasing lala ng air pollution sa loob ng bahay/opisina. Maliban na lamang kung ikaw ay nakatira sa isang green at healthy environment, ang regular na pagpapabuti sa kalidad ng hangin na nilalanghap ay kasing halaga ng pagtitiyak ng sapat na pagkain at tubig na maiinom. Isa sa pinakamabisang paraan upang mapabuti ang kalidad ng hangin sa loob ng bahay o opisina ay ang paglalagay ng mga tinatawag na air purifying plants. Ilan sa mga indoor plants na maaaring ilagay sa loob ay ang snake plant, money plant, jade plant, palm, fern, peace lily, gerbera daisy, bamboo palm, at spider plant. Scientifically wise, ang mga nabanggit na halaman ay may kakayahang salain at i-absorb ang ilang nakalalasong household chemical tulad ng benzene (na nagdudulot ng eye irritation, pagkahilo, sakit ng ulo at kawalan ng appetite), TCE ( na sanhi ng liver cancer), at formaldehyde (na nagdudulot ng pagkairita ng lalamunan at mata at kahirapan sa paghinga, lalo na sa mga asthmatic). Sa usaping feng shui, ang mga indoor plant na ito ay nakakapag-a-attract ng suwerte at nagbibigay proteksiyon laban sa mga negative entity sa paligid.
2. Isaalang-alang ang liwanag at kulay ng loob ng bahay/opisina. Ang natural light na mula sa Araw ay isang bitamina (Vitamin D) na kailangan ng katawan upang ito ay maging malusog. Bukod sa natural light, may malaki ring epekto ang pintura ng interior sa total well-being ng mga tao na nasa loob. Ang mga vibrant color tulad ng pula ay nakakapag-stimulate ng creativity at masayang pakiramdam. Ang kulay blue ay nakapagpapakalma ng tensyonadong nerve. Feng Shui wise, ang kulay red at blue ay pawang lucky color sapagkat ito ay simbolo ng kapangyarihan at kapayapaan.
3. Pagyamanin ang Health Area. Sa Feng shui, bawat tahanan at opisina ay may isang specific area na siyang responsible sa kalusugan ng mga taong nakatira at namamalagi rito. Ang health area ay matatagpuan sa Silangan (East) sector ng bahay o opisina. Maglagay ng wood at water element color sa nasabing area. Maaari ring mag-display rito ng laughing Buddha o Bamboo plant na siyang magpapayaman sa health area ng bahay o opisina.
4. Lumikha ng “spa energy” sa inyong bathroom. Ang sense of well-being ay direktang nakaugnay sa kalidad ng enerhiya na namamalagi sa bathroom. Katunayan, isa sa major challenge pagdating sa feng shui ay kung paano iha-harmonize ang energy sa loob ng isang bathroom. Ngunit, isa sa pinaka-simpleng paraan upang ma-boost ang enerhiya dito ay gawing mala-“spa” ang ambiance nito. Maglagay ng ilang artwork na nakapagpapasaya ng iyong mood, mga scented candles, aromatherapy diffuser, at iba pang item na bubuo sa “spa ambiance” ng bathroom. Ang pagpapalakas ng energy ng bathroom ay pagpapabuti rin ng sense of well-being.
5. I-feng shui ang iyong silid. Mahalaga ring isaayos ang energy ng silid sapagkat dito tayo mas matagal namamalagi at nagpapahinga. Ang bedroom ay nakaugnay sa intimate relationship at well-being. Isa sa pinakamahusay na feng shui remedy sa isang bedroom ay ang pagpapapasok ng natural lightning dito. Buksan ang mga bintana upang makapasok ang sariwang hangin at makalabas naman ang toxic air na naga-accumulate sa loob. Sa Feng Shui, malas rin ang pagtatambak o paglalagay ng kung ano-anong gamit sa ilalim ng kama, lalo na kung mga sapatos, sapagkat ito ay nangangahulugan ng pagkakasakit at kalungkutan. Samakatuwid, gawing organisado ang silid upang mahikayat ang sense of tranquility. Tandaan na ang silid ay inilaan para mapagpahingahan. Gawin itong maaliwalas at clutter-free.