26.1 C
Manila
Tuesday, July 23, 2024

Depende rin sa edad at estado sa buhay…IBA’T IBANG KAHULUGAN NG KANDILA AT APOY

Tunghayan natin ngayon ang panaginip ni Andrea ng Valenzuela City na may kaugnayan sa kandila at apoy.

Dear PhilippineOne,

Nasa isang maliit na silid daw kami ng kaibigan ko at nagkukuwentuhan, bigla na lang daw nag-brownout. Kaya dali-dali raw akong kumuha ng posporo at kandila. Pero  nang sinindihan ko na raw ang kandila, biglang lumaki ang apoy sa mitsa. Ang laki-laki raw na halos lumiwanag ang buong paligid pero hindi naman daw nasusunog ang kuwarto. Masaya pa raw kaming nanood ng kaibigan ko habang ang apoy ay sobrang laki at halos abutin na ang bubong ng bahay at napakaliwanag na ng aming paligid. Tapos nagising na ako. Ano po kaya ang ibig sabihin nito?

KASAGUTAN:

Ang kandila ay sumisimbolo ng liwanag, lalo na’t kung ang napanaginipan mong kandila ay may sindi. Kaya kung sa panaginip ay “sinindihan mo ang kandila” ito ay nagpapahiwatig ng “bagong araw o bagong balita isang mabutng  mensahe ng kasaganaan ang darating sa iyo sa susunod na mga araw.”

Dahil ang kandila ay sinindihan mo habang “brownout o walang ilaw”, ito rin ang simbolo ng isang mahalagang verse sa Bibliya sa Genesis 1:3, na nagsasabing “Let there be light!” At pagkatapos ay nagkaroon nga ng liwanag.  Ito ay tanda na sa susunod na mga araw “ang lahat ng kadiliman at problema mo sa buhay, anuman ito o gaano man ito kabigat ay tiyak ng masusolusyunan o mapaparaanan.”

Kung si Sigmund Freud ang tatanungin ay “phallic symbol”, kaya masasabi ring ang iyong panaginip ay may kaugnayan sa sex na nagbabalita na sa susunod na mga araw “makakaranas ka ng isang very satisfied sexual intercourse.”

Samantala, ang apoy naman sa Makaluma o Pang-Tradisyunal na interpretation ay nagpapahiwatig ng isang  mainit na pakikipagkibigan o kaya’y isang mainit na pakikipagrelasyon na darating sa susunod na mga araw.

Sa katotohanan, may kasabihan nga sa wikang English tungkol sa apoy na may kaugnayan sa romansa, tulad ng “an old flame” na ngangahulugang “mga nagdaang romansahan o relasyon”. May sinasabi ring “my new flame” na ngangahulugang “ang kasalukuyang romansa o karelasyon. At higit sa lahat tulad ng napanaginip  mo pa  ang napakalaking apoy na tila hindi mamatay, na tinatawag ding “eternal flame”, na nangangahulugang isang makabuluhang relasyon na magdudulot ng isang napakasarap at napakainit romansa na mararanasan mo sa malapit na hinaharap.

Samantala, dahil ang apoy ay may kaugnayan sa init, ito ay nagpapahiwatig din ng “peak moment” ng iyong emosyon, at pisikal na katawan. Kaya sa panahong ito mas makabubuting ilunsad o gawin mo ang mga gawaing nabinbin o mga gawaing noon mo pa binabalak gawin at siguradong matatapos at maa-accomplish mo ang anumang  gawaing ito kahit na gaano pa kahirap.

Ang apoy ay tanda rin ng “gana upang magpatuloy” dahil may kasabihan din tayong “nag-iinit na ang pakiramdam ko” na nangangahulugang sa susunod na mga araw susulak ang iyong enerhiya, upang lalo ka pang ganahan sa buhay.  Kaya nga kung anuman ang balak mong gawin sa susunod na mga araw, ang mga gawaing ito ay magbibigay sa iyo ng malaking pagkakakitaan.

Kung ikaw naman ay isang binata o dalaga at nasa hustong edad ka na upang mag-asawa at nitong mga huling araw ay lagi kang nanaginip ng apoy ito ay tanda na nag-iinit na ang iyong katawan, kaya nga ito ay senyales ding sa malapit na hinaharap maaaring sa susunod na buwan o sa susunod na mga taon,  biglang matutupad ang malaon mo ng gustong mangyari – ang makapag-asawa!

At muli tulad ng nasabi na natin tungkol kay Sigmund Freud bilang karagdagang paliwanag, sa moderno o pang-psychology na interpretasyon, tulad ng naipaliwanag na natin  tungkol kay Sigmund Freud at sa kanyang aklat na The Interpretation of Dreams muli nating uulitin na: Ang apoy ay “phallic symbol”, nangangahulugang ito ay may kaugnayan sa sex at kalibugan. Matinding libog ang sinisimbolo ng apoy sa iyong panaginip, libido o sexual energy na hindi mo mai-release sa “waking life” mo kung kaya’t ang apoy ay nagpakita sa iyong panaginip. Dahil dito posibleng sa susunod na mga araw ay masuong ka sa isang relasyong magbubunga ng masalimuot na pag-ibig at “mainit” na pagniniig” na kung “patuloy kang madadarang” at  kung hindi mo iiwasan at hindi mo paiiralin ang disiplina, siguradong mahuhulog ka isang kakaibang “sexual affairs” o sa isang “nag-aalab at napakasarap na pagtatalik”  na talagang pagpapawisan ka ng husto sa sobrang sarap at sobrang init ng inyong pagniniig.

Kung kasalukuyan ka namang nag-i-spiritual retreat o sobrang nagninilay-nilay o namumuni-muni sa iyong buhay, ang apoy sa panaginip ayon kay Carl Jung ay “symbol o transformation” o kaya’y “psychic energy” na sa bandang huli ay maghahatid sa iyong conscious self sa tinatawag na “enlightenment” – biglang kaliwanagan.

Sa mga negosyante kung sadyang sukdulan at maliyab ang apoy sa iyong panaginip at tila umaabot o dumidila na ang napakalakas na apoy hanggang ulap o langit, ito ay tanda na mababawasan ang paghahangad mo sa materyal na mga bagay,  ika nga ay hindi ka na magiging sakim. Bagkus maiisip mong pagtuunan ng pansin ang pagtulong sa kapwa at iba pang gawaing may kaugnayan sa “charity” .

Maaari rin namang “kapag ang apoy sa iyong panaginip ay halos dumidila na sa langit dahil sa sobrang lakas ng kanyang siklab kung saan ang apilapato nito ay dumidila na nga halos sa langit” ito ay nangangahulugang sosobra ang paghahangad mo sa sex o kaya’y sa materyal  na bagay na sa bandang huli ay maaaring “ikasunog” ng iyong sarili at ng iyong kabuhayan, na nagbabadya ng pagkalugi ng negosyo kung hindi mo iiwasan ang illicit love affair na nakatakdang dumating sa iyong karanasan.

Sa mga pangkaraniwang empleyado at sa mga namamasukan, ito ay babala na “mag-iinit” na naman ang iyong ulo at mabubugnot sa susunod na mga araw dahil sa mga pangit, magaspang at masamang ugali ng iyong mga kasamahan.

Kung ikaw naman ay estudyanteng may girlfriend o boyfriend ang apoy ay nagpapahiwatig na kung hindi kayo magpipigil sa inyong kapusukan ang inyong relasyon ay mauuwi sa malimit o regular na pagtatalik.

Dagdag dito sinasabing bagamat ang apoy ay may kaugnayan sa “sexual prowess” at “sexual energy” nagtataka rin ang mga psychologists kung bakit ayon sa tala, mas maraming kaso  na kung sino pa yong mga babaing malapit ng mag-“menopause” o hindi na nireregla ang  madalas managinip ng apoy kung ikukumpara sa  mga babaing nireregla pa.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.